CHAPTER 26: Taize

125 14 0
                                    

Kyle's POV

Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya. Hinigpitan ko ang hawak ng kamay ko sa kamay niya.

Lumingon siyang muli sa akin.

"Don't worry. 'Di ako makikipag-away," malambing na sabi niya.

Kusang bumitaw ang mga kamay niya sa akin at saka nagsimulang maglakad patungo sa pwesto kung saan naroon sila Kuya Josh.

Nagsimula naman akong balutin ng kaba. Ayokong mag-away sila. Sinabihan ko na si Andrea tungkol sa lahat kaya inaasahan ko na walang away na magaganap.

Namili na si Andrea at Thea ng mga kakampi nila. Limang miyembro kada grupo ang naging resulta.

Nang matapos sila ay naglakad na silang lahat papunta sa mababaw na parte ng dagat. Sumunod naman kami para mapanood ang magiging laban.

Dahil hawak ko ang camera ni Thea ay kumuha na rin ako ng ilang shots na naka-focus sa kanya.

"Palaban talaga yung pambato natin, Pre!" Natatawang sabi ni Carl pagkatapos niya akong lapitan.

Natawa rin ako sa sinabi niya. Tama siya. Simula nang bumalik si Thea at nagka-ayos kami mas lalo ko siyang nagustuhan dahil kaya na niyang manindigan.

Mas naging determinado siya sa buhay niya at kitang-kita ang pagiging independent niya.

Nakangiti lang ako habang pinapanaood sila na naghahanda sa laban. Pinahawakan na ni Kuya Josh sa dalawang grupo ang lubid at saka ito pinantay sa ibabaw ng tubig. Nakababad naman sila Thea habang hawak-hawak ang lubid at naghihintay na magsimula.

Nang magbigay ng hudyat si Kuya Josh ay mabilis na hinatak ni Thea ang lubid katulong ay kanyang mga kakampi. Hindi naman nagpatalo ang kabilang grupo dahil buong pwersa rin nilang hinahatak pabalik ang lubid sa kanila.

Sa bawat hatak ni Thea ng lubid ay bakas sa mukha niya ang determinasyon na manalo sa laban. Sa bawat utos niya sa kanyang mga kakampi na humila ay kitang-kita na ayaw na niyang magpatalo ulit.

Minsan dala na rin ng past experience natin kaya tayo nagiging competitive sa buhay. Dala ng mga naranasan natin kaya mas nagiging better person tayo.

"Wooooh! Go Thea!" Sigaw ng katabi ko.

Nagpalakpakan naman ang lahat kasama na ako nang buong pwersang naitumba ng team ni Thea ang team ni Andrea.

Kahit nanalo sila ay 'di pa rin nila naiwasan na magpalubog sa dagat at magtampisaw ng wala sa oras. Hindi maitatanggi na tuwang-tuwa si Thea sa nangyari na ngayon ay nakikipagtawanan na siya sa kanyang mga kaibigan.

Tinawag naman silang lahat ni Kuya Josh at saka binigay ang premyo sa nanalo. Ilang saglit lang ay lumalapit na siya sa akin at masayang naglalakad sa may buhangin.

"Congrats!" Bati ko sa kanya.

Ngumiti naman siya ng maaliwalas. "Sabi sayo 'di ako makikipag-away eh."

"Good girl, Baby!" Asar ko sa kanya.

Natawa ako nang bigla siyang mag-pout.

"Oh ano?!" Natatawang saad ko.

"Wala akong price?" Nagpapa-cute na tanong niya.

Lumapit naman ako sa kanya at saka hinalikan siya sa noo.

Pagkatapos ay nginitian ko siya. "You're the best, Mi Amore."

Maya-maya ay nagsimula na ulit ang sunod na laro. Pass the message ats saka beach volleyball.

Dalawang grupo ulit ang naglaban sa pass the message habang ang 'di sumali ay nagsimula nang lumangoy sa dagat.

Bakas sa mukha nang mga kasama namin ang enjoyment sa mga ginagawa namin. Sumali ulit si Thea sa pass the message at dinamay pa ako.

Amidst of Service (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora