CHAPTER 20: Reception

129 15 1
                                    

Thea's POV

Ang mga titig niya ay 'di maalis sa akin.

"I mean. Sorry nagamit ko yung baso mo," paglilinaw ko dahil mukhang naguluhan siya sa huli kong sinabi.

Tumango na lang siya at 'di nagsalita. Tumahimik na lang din ako at mabilis na tinapos ang pagkain pagkatapos ko makadalawang extra rice.

Sabay-sabay naman kaming natapos. Maya maya ay nagpunta ako sa restroom para mag-ayos ng sarili. Pagkabalik ko ay inaya ko na ang dalawa kong kaibigan.

"Tara na!"

Napalingon naman si Carl sa akin. "Aalis na kayo? May sasakyan ba kayo? Sabay na kayo sa amin."

"Meron. Thank you na lang," mabilis na sagot ko.

Napatingin naman ang dalawa sa akin at pinandilatan ko sila ng mata. Wala silang nagawa ng lumabas na ako at 'di na nagpaalam sa dalawang lalaki.

Hindi ko pinansin ang mga sama ng loob ng dalawa at saka dumiretso sa labas para hintayin ang blue taxi na sinakyan namin kanina.

Ako ang nagbayad ng pamasahe para wala silang masabi. Gusto ko lang talaga makaalis sa presensya ni Kyle. Para akong nahihipnotismo sa kaba kapag nandyan siya.

Nang makauwi kami sa bahay ko ay nagpaalam na rin sila. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makapasok sa bahay.

Bakit ang lakas pa rin ng epekto mo sa akin?

*****

Lumipas ang sabado na nasa bahay lang ulit ako. Sanay naman ako kaya 'di na ako na-boring. Nanood lang ako ng movies buong araw.

Kinabukasan. Linggo. Maagang nag-message si Loreen na mamaya pang-hapon ang kasal. Kaya naglinis na lang muna ako ng bahay.

Natapos ako maglinis mga tanghali na kaya kumain ako nang konti at saka naligo na. Pagkatapos ko maligo ay nag-ayos na ako ng sarili. Sinuot ko naman ang binili kong damit sa Marquee. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Bagay naman pala," masayang bulong ko. Fit na fit sa akin ang dress kaya bakat na balak ang hubog ng katawan ko.

Pagkatapos ko naman i-blower ang buhok ko ang inikatan ko ang sarili ko. Simple braid lang ang ginawa ko kaya mabilis din akong natapos.

Naglagay na ako ng mga make-up sa mukha ko pagkatapos kong ayusin ang buhok ko.

Ilang saglit lang ay bumubusina na sa labas ng bahay ko. Ayan na siguro yung sundo na sinabi ni Loreen kanina. Sinuot ko na ang semi-heels na sandals ko at saka naglakad palabas ng bahay.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang kulay puting kotse na nakaparada sa harapan ng bahay ko. Nakasandalsa harapan ng kotse ang isang lalaking naka-shirt na white at black na pants.

Ni-lock ko muna ang gate ng bahay ko bago sana tawagin ang driver pero napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng pamilyar na lalaki.

"Bakit ganyan suot mo?! Parang sa party ka pupunta ah hindi sa simbahan ah?!" Inis na sabi nito.

Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Oh sh*t!" Napamura ako nang makitang nasa likod ko si Isaiah.

Lumapit siya ng bahagya sa akin at may binulong sa tenga ko.

"Nagulat ba kita, Baby? 'Di naman ako na-inform na marunong ka ng magmura ngayon."

Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang marinig iyon. Napalunok din ako dahil sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Amidst of Service (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon