CHAPTER 3: Forbidden Rule

196 24 7
                                    

Thea's POV

The time have passed so fast. I was busy for the whole week because it was our finals week for the first semester and I had to focus myself in studies. Everyday felt like nightmare because of the nonstop requirements we needed to pass.

I also included the man who always got my attention everyday through his messages.

After the VOCARE, I ended up being with Isaiah until we got home. He became talkative as we approached each other. The night after we went home, I received a friend request from him.

I accepted it because I knew he's nice and he's my churchmate. Without my knowledge, he started to message me after I accepted him.

Isaiah: Hi, Thea!

Althea: What?

Isaiah: Wala lang. Busy ka?

Althea: Nagrereview for exam tommorow. 'Di ba may exam din kayo?

Isaiah: Yhup! Basic lang 'yun.

I smirked and ignored his message. After a minute, I received a message again.

Isaiah: Hala! 'Di na nagseen. Haha.

Althea: I'm busy nga. Ba't ka ba nagcha-chat?

Isaiah: Bawal ba? May magagalit ba?

Napakunot ako ng noo sa nabasa ko. Ano ibig sabihin ng lalaking 'to?

Althea: Wala naman. Wala naman akong jowa noh hahaha.

Isaiah: Ayun naman pala eh! Pwede naman ako. Hahaha. Joke lang.

Althea: Ewan ko sa 'yo!

I turned off my phone and didn't mind him again.

Araw-araw nag-cha-chat siya sa 'kin. Sa umaga, sa tanghali pati na sa gabi! Wala atang makausap ang lalaking 'yon. Kaya kapag may free time ako nirereplyan ko rin siya.

Sabado ngayon kaya may meeting kami ng org. Tapos ko na rin naman lahat ng gagawin ko at nakaligo na rin. Nagpapalipas na lang ako ng oras habang nakahiga sa kama.

Nilingon ko ang mata ko sa wall clock ng kwarto. Halos alas dos na kaya bumaba na ako ng kama at saka nag ayos na ng mukha at buhok. Simpleng gray jogger pants lang naman suot ko saka black na t-shirt na nakatuck-in sa jogger pants ko.

Nag-ponytail naman ako ng buhok at saka na rin nagpolbo. Naglagay na rin ako ng konting lip balm at nagpabango.

Pagkatapos no'n ay dinampot ko na ang sling bag na may laman na cellphone, susi, at wallet saka ang white notebook na nasa kama.

Pagkababa ko mula sa kwarto ay dumiretso ako sa garahe namin para kunin yung electric bike. Eto kasi madalas kong gamit pag nagpupunta sa church. Ayoko inaabala yung driver ni mama para lang ihatid ako.

"Thea! Umuwi ka agad pagkatapos ng meeting niyo ah?" Sigaw ni Mama mula sa loob.

Napabuga ako sa hangin nang marinig iyon. "Yes, Ma!" Pinaandar ko na ang e-bike at saka umalis nang hindi na nagpaalam.

Pagkarating ko do'n nandun na rin ang ibang members. Nagpark na 'ko ng bike sa gilid ng church saka naglakad papasok sa loob. Si Andrea at Ate Kim ang nakita kong makakasama na officers para sa meeting.

Tumulong na 'ko na mag ayos ng mga papers. Ako na rin ang nagpa-attendance sa mga members.

Nagsimula ang meeting namin ng alas tres. Pinag-usapan namin ang mga magseserve para sa Sunday Mass. Pagkatapos ay yung mga next events at mga concerns ng members.

Amidst of Service (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon