CHAPTER 15: Decision

123 15 0
                                    

Thea's POV

It felt like I was poured with a boiling water when I heard what my Mama said. I was trembling in fear.

She stood up and walked in front of me then she pulled the bouquet of roses that I was holding. She threw it on the floor and quickly lifted her hand and slapped me with all her strength.

Yung sampal na tagos sa puso sa sobrang sakit.

"Kailan ka pa natuto magtago ka sa 'kin ah?! Kailan mo pa ako inuuto sa kalandian mo, Thea?!" Malakas na sigaw ni Mama.

Nakahawak lang ako sa pisngi ko dahil mas ramdam ko ang sakit no'n kaysa sa sinasabi niya sa 'kin ngayon.

Sinubukan ko siyang tiningnan at magpaliwanag.

"Ma! Sasabihin ko naman po eh, naghahanap lang ako ng tamang oras!"

"Kailan pa?! Kailangan pa na malaman ko sa ka-member mo?! All this time! Akala ko maayos ang serbisyo mo sa simbahan! 'Yun pala nakikipaglandian ka lang!"

Nagsimula nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala na akong pake kung kanino niya nalaman. Ang alam ko lang ay patong-patong na ang mga emosyon na nararamdaman ko.

"M-Ma! Mahal ko po si Kyle!"

"Tigil-tigilan mo ako sa pagmamahal na yan! Nag-usap na tayo no'n, Thea. Alam mo kung ano magiging kapalit ng ginawa mo!"

"Ma! Please. W-wag naman. 'Di ko kaya mawala siya," pagmamakaawa ko habang hinahawakan ang mga kamay niya. Tiningnan niya akong muli at pinanlisikan ng mata.

"Gaga ka ba?! Nabuhay ka ng labing pitong taon na hindi siya kasama kaya wag mo akong artehan!" Malakas na sigaw niya sa akin at tinanggal ang kamay ko sa kamay niya.

'Di ko na alam kung ano ang iisipin ko. 'Di ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Ang mahalaga sa akin ngayon si Kyle.

"Kahit hanggang debut ko lang! Please! Ma..."

Patuloy pa rin tumutulo ang mga luha ko habang nagmamakaawa sa kanya.

"Gagawin ko po ang lahat ng gusto niyo bigyan mo lang po ako ng oras hanggang sa debut ko..."

"Kahit hanggang do'n lang."

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at hinintay siya na magsalita.

Huminga siya nang malalim. "Siguraduhin mo, Thea! Alam mo ang mangyayari kapag 'di mo ako sinunod!"

'Yan ang nga huling salita na sinabi niya bago niya ako iwan dito sa kinatatayuan ko. Para akong nawalan ng buhay.

Pinunasan kong muli ang mga luha na pumatak sa mata ko pagka-alis niya sa harapan ko. Dinampot ko naman ang mga bulaklak na punong-puno ng pagmamahal galing kay Kyle.

Pagkatapos ay walang buhay akong naglakad paakyat ng kwarto. Pagkabukas ko ng pintuan ay tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at 'di napigilanan ang sakit.

*****

Kinabukasan ay magang maga ang mga mata ko nang pumasok ako sa school. Hindi na nga ata ako nakatulog dahil sa kakaiyak.

"Uy, Thea! Okay ka lang?" Tanong ni Loreen nang makita ako.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Oo. Puyat lang," pagdadahilan ko.

Lumipas ang oras at mabilis natapos ang klase namin.

Pagkalabas ko ay nakita ko agad siya. Ngumiti naman ako nang lumingon siya sa akin. Pagkatapos ay lumapit ako agad sa kanya.

Amidst of Service (Completed)Where stories live. Discover now