CHAPTER 27: Gift

128 14 0
                                    

Thea's POV

'Di ko pa nasisilayan ang araw nang magising ako kasabay din nang paggising ni Loreen. Nandito kami ngayon sa kwarto ng resthouse. May dalawa itong kama at kaming mga babae ay nagsiksikan dito samantalang ang mga kalalakihan ay nagsisikan din sa isa pang kwarto.

Maaga ako gumising dahil pupunta kami sa malapit na mall dito sa Subic. Nagtanong kasi ako kahapon sa mga maintenance ng beach at sinabi nila na may Mall malapit dito sa lugar kung nasaan kami.

Lumabas na kami pareho ni Loreen mula sa kwarto at dumiretso naman ako sa restroom para maghilamos at toothbrush.

Mabuti na lang at nagising pa rin ako nang maaga kahit madaling araw na kami natulog. Pagkatapos kasi ng Taize ay nagkwentuhan pa kami na matatanda at saka mas nakipag-ayos pa kay Andrea.

Wala naman sigurong masama na bigyan ng chance ang isang tao besides may rason kung bakit niya nagawa 'yon.

Pagkalabas ko ay sumunod na pumasok si Loreen. Nag-ayos naman ako ng mukha at damit habang hinihintay siya. Kinuha ko na rin ang cellphone at wallet ko pati na ang camera. I would think marami pang perfect spots for pictorial dito.

"Tara na?" Tanong ni Loreen pagkalabas niya sa restroom.

"Yup, para agad din tayo makabalik."

Tumango naman siya at sabay kami naglakad sa may buhanginan palabas ng beach resort.

Suot ko ngayon ang off-shoulder floral dress habang ang buhok ko ay naka-ponytail. Si Loreen naman ay suot ang simpleng highwaisted shorts at saka blue shirt. Hindi ko na inabala pa si Kath na isama dahil alam ko na pagod 'yon kakaasikaso sa lahat ng kasama namin.

Nang makalabas kami ay naghanap kami agad ng masasakyan na tricycle para makapunta sa sinasabi nilang Mall.

"Kuya, sa Mall na malapit po rito," sabi ni Loreen sa isang tricycle driver.

"Sige po, Ma'am."

Sumakay na kaming dalawa ni Loreen at saka tiningnan ang daan para 'di kami maligaw.

Mga ilang minuto lang ay tumigil ang tricycle sa harapan ng isang mataas na building.

"Ma'am, dito na po 'yon," sabi ng driver.

Agad naman kaming bumaba ni Loreen at saka nagbayad kay Kuyang driver.

Nang makaalis ang tricycle at tiningala namin ni Loreen ang mataas na building. Mukha naman siyang mall. 'Di ganon kalawak pero mataas.

"Ano ba maganda iregalo kay Kyle?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok. Buti na lang ay bukas na ito nang ganito ka-aga.

"Para sa induction nila bukas?"

Tumango naman ako. Iyon ang pinakamahalagang araw sa kanya kaya gusto ko siya regaluhan para iparamdam na mahalaga rin siya sa akin.

"Kahit ano naman siguro magugustuhan niya basta galing sa 'yo," nakangiting saad niya.

Tama. Namuhay kami pareho sa simpleng buhay noon kaya alam ko na tatanggapin niya kahit ano basta galing sa puso.

Dumiretso muna kami sa isang stall ng shawarma para kumain dahil umalis kami sa resthouse nang walang kain.

Habang kumakain ay iniisip ko pa rin ang bibilhin ko para kay Kyle. Bahala na nga!

Nang matapos kami kumain ay naglibot-libot na kami sa loob. Bawat may makita kaming bilihan ng gamit ay tinitingnan namin ang pwedeng mabili doon.

Tumigil kami sandali sa isang store ng mga accessories. Nagpasya naman kami ni Loreen na bumili para sa mga kasama namin at pasalubong na rin sa iba. May mga damit din na binebenta at may nakalagay na 'I love Subic'.

Amidst of Service (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon