CHAPTER 8: You're Not A Friend

141 18 0
                                    

Kyle's POV

I was left dumbfounded when she quickly walked out of the scene.

"Wait lang po! Habulin ko lang po!" Mabilis na paalam ko.

Mabilis akong lumabas para habulin siya. Nakita ko siya na naglalakad habang umiiyak. Ako yung nasasaktan para sa kanya. Yung ibang tao kaya kong tulungan pero siya hindi ko magawang lapitan.

"Thea!" Sigaw ko at nagbakasakali na humarap siya. Hindi siya humarap. Mabilis akong tumakbo para malapitan siya. Nang makarating ako malapit sa kanya ay pinigilan ko siya gamit ang kamay ko.

"Thea! Please! Let's talk," I pleaded while she was still not looking back.

Naririnig ko ang pagsinghot niya para mapigilan ang pag-iyak.

"Kyle, tama na!" Naiiyak na sabi niya.

"Please! I'm sorry. 'Di ko naman sadya na sabihin yun. I'm sorry," pagmamakaawa ko.

Naririnig ko ang kanyang malalim na paghinga dahil sa pag-iyak niya.

"No, Kyle! Tama na. Just let me go," she also pleaded.

I let go my hand then she started to walk away from me.

"Thea! Please! I'm sorry!" Sigaw ko pero 'di na talaga siya lumingon. Naramdaman ko na may tumulong luha sa mata ko. Damn! Mabilis ko iyong pinunasan habang unti unti kong nakikita ang pag-alis niya.

Umuwi ako nang nakatulala lang at iniisip pa rin ang nangyari kanina. Ba't ngayon ko lang nalaman na nakita niya? Ba't kailangan umabot pa sa gano'n?!

"Nak! Kain na!" Tawag ni Mama sa akin habang tulala akong nakaupo sa living room. Huminga ako nang malamim at kumain na.

Bago ako matulog ay nagmessage ako sa kanya.

Kyle: Thea. Please. Usap tayo. 'Di ko na alam kung ano nangyari sa 'tin. Intindihin mo rin sana yung nararamdaman ko kasi ako naiintindihan kita.

Pagka-sent ay binitawan ko ang cellphone ko at iniisip kung paano ko siya kakausapin. Ilang saglit ay tiningnan ko ulit ang cellphone ko kung may reply ba siya pero napangiwi lang ako sa nakita ko.

Seen. 7:18 pm

The next day, Lunes. Walang gana akong pumasok sa school. 'Di man lang ako nakakain ng almusal dahil wala ako sa mood kumain.

Dumating na yung instructor namin sa major subject pero wala pa rin akong gana kahit sa lesson namin. Nakasalumbaba lang ako sa upuan ko habang nakapikit. Nakikinig naman ako pero 'di nga lang ako nakatingin dahil minsan sumasagi pa rin sa isip ko si Thea.

"Mr. Ferrer!" Sigaw ng instructor namin. Napatalon at napamulat naman ako dahil sa gulat. Mabilis akong tumayo habang pinagtitinginan ng mga kaklase ko.

"Yes, Ma'am?"

"Are you listening?!" She angrily asked.

"Yes, Ma'am!" Sagot ko naman.

"Okay! Discuss everything I said!"

Damn! Magsisinungaling na lang wala pa sa timing.

Yumuko ako. "Sorry, Ma'am. I did not remember anything."

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ko pati ako ay nagpipigil na rin ng tawa.

"Shut up! This is the last time that I would caught you sleeping in class, do you understand, Mr. Ferrer!?"

"Yes, Ma'am," malumanay na sabi ko. Pinaupo niya na ako at hinintay matapos ang klase niya.

Nang matapos ang klase niya ay nagkaroon kami sandali ng vacant. Nanatili pa rin akong tulala sa gilid at walang gana makipaglokohan sa mga kaklase namin.

Amidst of Service (Completed)Where stories live. Discover now