Chapter 03

8 1 0
                                    

True to my Papa's words, the boxes came the very next day. Nakalagay sila sa malaking truck at hindi ko inakala na mapupuno nito ang container! I'd literally pull my eyes off because of what I'm seeing.

I don't know if it's because of my things. But I'm pretty sure that majority of it is from my Papa. He's been here for almost thirty five years, it's impossible for him to not have a lot of things!

Nagsimula na ako mag-unpack kahit pa na hindi pa sila tapos nagbababa. Ako lang ang naiwan dahil kailangang pumasok ni Papa, kikitain niya raw si Ninong Chris na nandito rin pala!

Damn! I want to see that conyo Ninong of mine! Too bad, I was stucked here, unpacking things of ours.

Kasama ni Papa si Nori pero bumalik din ito para tumulong sa akin. I asked him to arrange it by the names of the boxes. Pangalan ko lang naman at pangalan ni Papa ang nandoon.

Nandoon siya sa mga gamit ni Papa habang ako ay sa akin. Mabuti na lang talaga nilagyan ko rin ng label kung saan sila nakalagay! Iyong mga galing sa kuwarto ko ay inakyat ko na at nilagay doon.

Sa sobrang sakit ng likuran naming dalawa, hindi na namin napansin na gabi na pala. Wala na akong lakas magluto, wala pa si Papa, pagod si Nori. Wala naman kaming kasambahay para sana hingin ng pabor.

"I'll call for a delivery na lang, what do you want?" I grabbed my phone on the marbled table.

"Kahit ano na lang po, Ma'am." sagot nito at naupo sa sahig sabay paypay sa sarili. Hindi ba malakas ang aircon namin?

Hindi na lang ako sumagot at nagtawag na lang ng fast food chain para magdeliver. Kulang na lang ay order-in ko lahat ng nasa menu pero pinigilan ko lang ang sarili.

Kung sakaling hindi matapos at matuloy bukas, gusti ko iba naman ang kakainin namin.

"Nandito na po." Halos tumalon ako sa sofa nang pumasok si Nori. Nanlaki ang mata ko dahil akala ko hindi ako naparami ng order! O baka malaki lang iyong paperbag?

Nilagay niya iyon sa dining table ng bahay at inaya ko naman siya na kumain. Hindi na siya humindi at masaya na nakisabay sa akin.

Bago siya umuwi sa kanila, sinabihan ko siya na kung matapos man namin bukas at may oras pa, hatid niya ako sa mall at bibili ako ng dagdag na ilalagay.

"Sige po.." Maliit nitong sagot. Pinigilan ko siya uli dahil may nakalimutan ako. Tinakbo ko iyong mga pagkain at binigay sa kaniya.

Nasabi kasi sa akin ni Papa na may pamilya siya kaya bibigay ko na lang iyong sigurado hindi kakainin ni Papa. Sa una, he's hesitant but napilit ko pa rin siya.

When I'm all alone at the house, masama kong tiningnan ang mga box. Ugh. This is what I'm also scared too when moving out! Nakakatamad maglabas uli ng mga gamit.

I spent my remaining hours before Papa came home. Kakababa ko lang sa hagdan nang mamataan ko siya. I asked him to eat and just went with him, hindi kumain bagkus ay sinamahan ko siya at sinabi ang nangyari buong araw.

"Hayaan mo, tumawag na ako sa agency. May dadating na bukas na mga kasambahay." Sagot nito nang sabihin ko na makakaya ko bang tapusin 'to? Na ako lang at si Kuya Nori?

Kung hindi ko pa talaga sinabi na baka hindi na ako makagraduate, hindi pa niya talaga sasabihin!

But I'm excited what tomorrow holds kaya as soon as he finishes his food, umakyat na ako at nagpahinga. Mahaba pa ang araw bukas, I need full energy.

***

Nagising ako dahil sa ingay mula sa baba. Ginawa ko muna ang mga ginagawa tuwing umaga bago bumaba. Mula rito, may mga nakahilerang limang kasambahay na kausap ni Papa.

What Your Heart Wants (COMPLETED)Where stories live. Discover now