Chapter 07

4 1 0
                                    

When first day comes, maagang kumatok si Papa sa kuwarto ko. Is he really expecting that I'll wake up thirty minutes before the supposed time na dapat na nasa school na ako? Grabe lang talaga! Maaga naman akong nagigising!

Pagbaba ko sa bahay, may mga pagkain na. I went to my usual seat and ate my breakfast. Papa's talking to someone I didn't know, ang aga-aga and he's already in his business world.

I immediately take a bath after eating. I made sure that my skin is smooth and my whole existence later will be beautiful. No matter what they say, first impression really matters.

The twist is, walang uniform ang UW. Since College University siya, matagal na siyang walang required uniform. All you need to do is wear something what you want, and your ID. If you have the two, you can go inside.

I settled with a simple denim pants and a presentable top shirt. I don't want to wear sandals kasi laging sinasabi sa akin ni Benson noong tinotour niya ako na laging damp ang mga daanan sa school.

If I wanted to avoid it, wear something that I could use as protection to it. Umulan pa naman kagabi!

I wore my ID already para iaangat ko na lang mamaya. Pagbaba ko, inaya na ako kaagad ni Papa sa kotse. Sasabay daw siya sa akin, gusto niya akong ihatid kahit sa gate lang ng UW bago pumasok.

My heart felt so happy upon hearing that. I almost forgot that he always does that. Kapag pasukan ko sa Frillion, kahit alam naman na niyang kaya ko na, ihahatid niya pa rin ako kahit once lang.

Yet he's still thinking and he's still terrified that I'll trade him over Ninong Chris? Kung alam niya lang na kung hindi niya kabanda si Ninong, I'd surely fall for that man!

Habang nasa kotse, may kausap nanaman siya. He never failed to wear suit every time na papasok siya. Kaya ayokong buhatin iyong isang malaking box noon kasi alam ko na puro suit niya lang iyon, e!

I understand naman na may pera kami, lalo na siya dahil almost fifteen years na ang company niya pero.. ewan ko ba! Hindi na ako nasanay na may branded na paperbag sa labas ng kuwarto niya kinabukasan!

Tahimik lang akong nakatingin sa labas. Medyo memoryado ko na ang city pero may kaunting pagkalito pa rin. Hindi ko naman kaagad mapipilit ang sarili na masaulo lahat, dahan-dahan lang. Darating ding ako doon.

"Just wait me there. I'm gonna send my daughter at UW first before I proceed at the conference room. Yeah. Tell them to wait, they need us so wait." Papa said to someone over phone.

Natawa ako at binaba ang hawak. Binuksan ko ang phone at nakita na may text pala sa akin si Benson!

Benson Juarez: Hey, otw? :)

Hindi na kami masyadong nagkikita, last na talaga iyong tinour niya ako sa school. Kapag nagpupunta ako sa school, dadaan lang ako sa kanila para mangumusta.

Si Aling Tess lang nadadatnan ko. Benson's with his morning raket tapos sa pub naman siya kapag gabi. Probably later, makikita ko na siya! I really do want him to be my classmate! At least, may kakilala na ako kaagad right?

Ako: Yep! Kasama ko si Papa, saan ka na ba?

Mabilis lang siyang nagreply.

Benson Juarez: Nandito pa ako sa puwesto. Tell me if you're near na, salubungin kita sa gate.

Umawang ang labi ko.

Ako: Talaga? Grabe naman, thank you! Will surely introduce you to Papa. He'll like you, nasasabi ko kasi na may nakilala na ako kaagad.

Benson Juarez: Wow, that's good, thank you. Anyway, see you? I'll prepare now.

Hindi na ako nagreply. Doon ko lang napansin na nakatingin na pala sa akin si Papa, kasi nakangiti ako habang nakatutok sa phone. "Who are you talking to?" He asked, with stiff voice.

What Your Heart Wants (COMPLETED)Where stories live. Discover now