Chapter 2

21.7K 260 17
                                    

I was taken aback for a moment and started blinking my eyes.

"Where's her room?" Levi asked.

Tinuro ko ang kuwarto na bagong linis ko lang, na nasa gilid ng hallway, at agad siyang pumasok doon. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin pero hindi na ako nag abalang magtanong sa kaniya.

Tapos na maglinis si Son pero nasa loob pa rin ng kuwarto ni Naths si Levi. Kumatok ako sa kuwarto at binuksan niya iyon. He looked at me with those curious eyes and I smiled at him, but he didn't. Wow?

Kahit tarayan niya ako, gusto kong malaman kung bakit susulpot na lang siya bigla. "May I ask what brings you here?"

"I'm looking for her stuff," he quickly answered.

Tinignan ko ang kabuuan ng kuwarto ng kapatid niya. "What kind of stuff?" I asked.

"Her charger." I chuckled on what I heard. Sinadya para sa charger?

"Ha? Didn't she tell you where she last put her stuff?" I asked him, which made him look at me with his thick furrowed brows and dark eyes that match with his light skin that's not as fair as his sister's.

Halata ang pagiging banyaga niya pero makikita mo din na Pilipino siya.. o siguro dahil alam ko lang na Pilipino siya?

"What?" He looked at me intently. I stood properly ang put my hands on my waist.

"I asked you Levi, don't turn the tables around," I uttered that made him come back to his senses.

"She forgot."

Naths being Naths.

I searched her bedside table and found it. I gave it to him and he went out of the room, condo to be precise. Nag thank you naman siya pero parang hindi sincere. Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig dahil masakit na ang ulo ko dahil sa allergic rhinitis na lumala dahil sa paglilinis. Wala akong dalang gamot at wala rin akong stock dito sa condo. I looked at myself in my mirror wearing my linen top, shorts and shoes. I look more like a model than a player of my sport which is volleyball.

Sumakay ako ng SUV pauwi ng Quezon City para kunin doon manatili. Patapos na ang bakasyon kaya siguro nabo-bore na ako kaya naisipan kong lumabas. Nagsuot ako ng leggings pati oversized sweater. Tinago ko ang phone at wallet sa bulsa no'n.

"Mommy pupunta lang po ako ng mall," I told my grandmother.

"Gabi na ah? Mag ingat ka." I kissed her cheeks and told her to just inform Daddy. I didn't bother using my car, I'm not in the mood to drive anymore. Naglakad lang ako dahil malapit lang ang mall dito. Nang makatapak ako sa mall, dumeretso ako sa fully booked at nag-abang sa bakanteng bookshelf. Busy ang mga tao sa paligid. Hindi pa nagtatagal, nag di-display na 'yung staff at agad akong kumuha ng apat na libro. It's written by my favorite author.

Pasimple akong naglakad papunta ng counter habang nagkakandarapa ang mga taong naubusan ng libro. I used my tote bag intended for shopping and went to another bookstore. Nangangawit na ang balikat ko dahil mabigat ang mga libro na kakakuha ko lang. Naubusan kasi ako ng basket.

I picked three books in different subjects and was about to proceed at the counter when I found myself struggling. Ang hirap na ngang pumili ng libro, hirap na hirap pa ako sa pagbubuhat. Kulang ata ako sa training dahil mahina ang braso ko ngayon kahit alam kong batak naman kami. Inayos ko ang pagkakabuhat sa libro pero dumulas naman ang tote bag mula sa balikat ko kaya nahulog iyon sa sahig.

A man got the tote bag and placed it at the counter instead. I looked at him and smiled.

"Thank you." I ended up rolling my eyes when I saw who that was.

Sundered by Time (Manila Series #1)Where stories live. Discover now