Chapter 3

15.3K 187 13
                                    

Bumaba kami sa kotse nang nakaparada na ito. I got my wallet and phone out of my backpack at hawak-kamay kaming pumasok ni Nathalie sa mall. Hindi na ako nagdala ng bag dahil mabigat.

Bumili ako ng green leafy backless halter top and green high waist bikini. Wala kaming swimsuit sa condo, kahit one piece, iniwan ko ang lahat ng akin sa bahay. Ang top lang ang sinukat ko sa bare skin at pinatong ko ang bikini sa shorts na suot para sa skirt dahil hindi ko alam kung may iba na nagsukat na nito. I liked how it defined my pear-shaped body. The top is revealing pero kaya ko naman dalhin. Lumabas ako sa fitting room na naka uniform na.

Sinalubong ako agad ni Naths. "Which one is better?" She showed me a black one piece swimsuit and a baywatch.

"Kailan ka pa naging baywatch? Medic ka doon?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Rash guard na lang kasi." pagpupumilit pa niya. Night swimming rash guard? Kakaiba trip nito ah? "Para isahang bili nalang, magastos e."

"Sige, ikaw bahala." Pero ako ang pinapili niya ng rash guard na bibilhin niya. Lumapit si Naths at umangal sa pinipili ko para sa kaniya."Long sleeve hoy!"

I rolled my eyes and looked at the woman. "Mag sunblock ka na rin sa night swimming, nahiya ka pa."

Pinili ko para sa kaniya 'yung blue long sleeve one piece ethnic printed at sa akin ay 'yung army short sleeve na may zipper sa harap, short siya, hindi bikini at sa gilid lang design niya dahil plain white na ang front. Wala naman ata akong plano na mag beach vacation?

"Marami bang lalaki doon?" Naths suddenly asked habang naghahanap ako ng susuotin niya.

I looked at her in disbelief. "Mag-iisip lang sila ng kabastos-bastos kung bastos sila." She then realized what the answer is.

Tinignan ko ang kapatid na nakatingin sa mga swimwear. "Diba?"

Nagtataka naman niya akong tinignan na para bang nagtatanong dahil hindi ako naintindihan. Kumunot ang noo nito kaya pinahiwatig ko ang pinag-usapan namin ng kapatid niya. "Is being a pervert in one's mentality already?"

Mabilis naman siyang um-oo pero nagtataka pa rin kung ano ba ang topic namin. Hinayaan ko siya doon na tanungin ang sarili sa kung ano ba ang nangyayari. Pumili pa ako ng damit pero wala na akong matinong mahanap

Maya-maya pa, lumapit si Levi sa aming dalawa ni Naths. "Are you girls done?"

Matamis ko siyang nginitian. "Almost..." I traced the bridge of his nose and poked the tip of it.

He just smiled at his sister and shook his head. I know deep inside, he's irritated. I pouted before patting his shoulder. We proceeded at the cashier and ate at the restaurant na trip namin.

Tumingin pa kami sa ibang shop pero wala din kaming nakita. Sa parking na kami dumeretso pagkatapos tumingin doon. Nag drive si Levi habang ako ang nasa passenger seat. Malapit na kami sa building ng condo.

"Babe, hatid muna natin si Naths sa condo. Saan mo ba gusto? Burj Al Arab?"

"Hindi 'yan pumapatol sa minor," nag make face lang ako kay Naths nang lingunin ko siya.

Levi then sighed. "How can I tame you?" he asked in a low, husky voice but I heard it clearly. I unbuckled my seatbelt and looked at him.

"Salamat sa paghatid," seryoso ko nang saad.

Naiiling niyang hininto ang sasakyan sa tapat mismo ng building ng condo namin. Binitawan niya ang manibela at tinignan ako. Ngumiti lang ako bago nagpaalam sa kaniya. Mabilis naman kaming nakarating ni Naths sa unit. Nilagay ni Naths ang pizza sa lamesa at nagbihis na kaming dalawa para mamaya habang inaantay ang message ng mga kaibigan ko kung nasaan na ba sila.

Sundered by Time (Manila Series #1)Where stories live. Discover now