Chapter 10

9.3K 97 25
                                    

Ala sinco na ako nagising. Pumunta muna ako saglit sa gym dito sa condo. Pagkabalik, naligo ako agad. Nadulas pa ako habang suot ang robe nang nakalabas ako ng banyo.

Napapiikit na lang ako sa katangagahan. My gosh, Lura! Ngayon pa kung kailan first day ng OJT?

Nagbasa kasi ako ng pdf manuals kagabi para mag advance reading, alas tres na ako nakatulog. I even woke up with my tablet at my side! Pero natapos naman ang binabasa ko, luckily. 

Kahit medyo sumasakit ang balakang, nagsuot na ako agad ng damit nang makapasok ako sa sariling kuwarto. Clinical uniform with my black shoes, I blow dried my hair at kumagat ako sa hinandang agahan ng dalawa na kanina pa umalis.

Nag spray ako ng alcohol sa table at sa ere. Wala nang tao sa condo, ako na lang at inuubos ko na lang ang pagkain nang narinig kong nag ring ang phone ko kaya agad kong sinagot ang tawag habang kumakain. Nilapag ko iyon sa mesa bago uminom ng tubig.

[Beh nasa condo ka pa?]

"Naiwan mo plates mo? Lahat?"

I already know if that's the case. Interior design problems.

Pumasok ako sa kuwarto ni Lauren para tignan ang mga nakalatag sa drafting table niya. Napahawak ako sa batok nang pasadahan ko ng tingin ang kuwarto niya. Sa lahat sa aming magkakaibigan, isa si Lauren sa pinakamakalat, maybe that's because 24 hours is not enough for her to clean her space. Nakakaapekto kaya ang kalinisan ng lugar sa productivity ng isang tao.

[Labyu! Pakihatid sa baba, Nag book na ako ng grab.]

"Lahat? As in?"

Mamaya lahat dadalhin ko pero isa lang pala kailangan nito. Binasa ko ang naka-label sa envelope.

[Oo tsaka yung envelope-]

"Envelope na ID five at the CAD."

[Ganda mo, ngayon lang!]

Pinatay na niya ang tawag. Inayos ko muna ang kama niya, table at hiniwalay ko na ang dadalhin ko. Inayos ko din ang mga damit niya na nasa sahig at mga sapatos niya na naging iba-iba ang pares. Ang sunod kong tinuunan ng pansin ay ang plastic envelope kung maayos ba at nakita ko itong napunit pala. Napa buntong hininga ako at nilagay iyon sa tabi ng basurahan.

Kumuha ako ng panibagong envelope sa stock ko sa kuwarto. Nilagay ko ang plates roon bago ko kinuha ang handbag. I sprayed alcohol on my phone before putting it in my bag Lumabas na ako ng condo bago nilock at pinto at bumaba sa parking lot. Natatanaw ko na ang aking sasakyan.

"Tara na?"

Napalingon ako sa nagsalita at napaatras. Levi chuckled at my reaction then went closer. He put his hands in his pocket and licked his lower lip.

"Bakit ganiyan suot mo?" - tanong ko dito.

He's wearing a white polo shirt, jeans and leather shoes. Saan ang lakad niya?

Ang guwapo!

Wait, what? I don't think he is...

Well, hindi siya moreno na madalas kong natitipuhan. Hindi din naman Pilipinong-pilipino ang itsura niya. His complexion is fair, looks like a Filipino with fareign aura pero sakto lang. Girl, bakit ko siya tinititigan? What the heck?

He pulled my arms because there's a motorcycle that's going to park while I was daydreaming. Doon ako natauhan. Tinignan niya ako habang nagtataka.

"Tulog ka pa ba?"

Damn it Allura! Maybe I looked like head over heels to him, or just plain stupid.

Inirapan ko siya at pinasadahan ng tingin ang daan kaliwa't kanan bago siya tinignan. "Wait lang."

Sundered by Time (Manila Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt