Chapter 6

9.8K 118 18
                                    

Nagising ako sa isang maliwanag na kwarto. Amoy dengue room, that's what I call hospital room. I noticed that I'm wearing a hospital gown, it's quite comfy.

"Shocks 'yung phone ko?"

Kakabili ko lang ng isa, pero ang luma ang ginagamit ko kanina. Tumayo ko mula sa kama pero natigilan nang may nakitang adhesive bandage at gauze sa paa ko. What exactly happened? Nabangga na naman ba ako? Nasaan sila Mama?

Paano ang training?

I sat on the floor, looked at my left foot, blinked my eyes, laid on the floor and finally made an invisible snow angel. Ibig sabihin hindi naman ako makakapasok nito o training?

I was over thinking when I heard the door open. "Why are you there?"

Anong ginagawa niya dito?

I closed my eyes and asked. "Who are you?"

"You know it's me." I opened my eyes and realized that someone's face was half an inch near me.

Ayokong ma-stress ngayon. "Kung gusto mo akong landiin, sige na nga." I heard him chuckle softly and I whispered to his ears while smiling.

"I am declining the offer," he uttered and just shrugged.

Tumingin ako sa paligid nang nakatayo gamit ang isang paa at umupo na rin nang nakitang malinis ang buong kwarto at may purifier sa bandang gilid ng kama.

"Where's my phone?"

"Nasira," he simply answered.

Bakit ba laging nasisira phone ko kapag siya ang kasama ko? Hindi niya ako binati noong birthday ko pero parang nabati ako pagdating sa phone!

"I'll buy you a-" I cut him off.

Levi sounds like a sugar daddy at hindi ko kailangan noon. If he's going to act like this, sa kapatid na lang niya. Hindi naman siguro niya hinagis ang phone ko sa kung saan para masira diba? Siguro naman basag lang.

"I need my pho-" Hindi ko na natuloy sasabihin ko nang naramdaman kong nasa ere ako.

Tangina, akala ko matagal pa bago ako makakatikim ng sarap na ganito?

"Aray ko naman!" malakas kong reklamo.

Ang hard masyado ah?

"Shit sorry." Inangat niya ang paa ko at inalalayan ako pa-upo, halatang hindi siya nagsisisi sa ginawa.

Wow! Bakit siya ganito? Akala ko pa naman mabait ang mga anak ni Mayor? Ihagis ba naman ako sa kama? Kitang may pasa eh, minsan nga mabatukan ko 'to?

"You can now go home according to the doctor,"

Napangiti naman ako sa narinig. Tumayo ako mula sa kama at nahihirapan na naglalakad papunta sa comfort room ng kwarto dala ang damit ko na pamalit, inabot iyon ni Levi at mukhang binili pa habang natutulog ako. Nilingon ko naman ang kasamang lalaki at nahuli itong nakangisi habang pinapanood ako sa paglalakad pero agad na umiwas ng tingin.

"So wala kang balak na tulungan ako? Don't you care about your fellow Filipino?"

Levi chuckled before standing up and putting the newspaper on my bed and helped me walk all the way to the comfort room. He held me on my waist and elbow, walking slowly beside me.

Pumasok na ako at nilock ang pinto. Sa salamin ko lang nakita ang logo ng hospital gown na suot ko. Nandito pala ako sa Buencamino Medical Center, bakit hindi ko namukhaan ang lugar? I just hope that my parents won't know about this, mag-aalala pa sila. I changed my clothes from a hospital gown to my new casual wear na shorts at printed shirt.

Sundered by Time (Manila Series #1)Where stories live. Discover now