Chapter 23

4.7K 42 8
                                    

"Love..."

Kumawala ako sa yakap niya. "Ano ba?!" he even tried to hold my hand.

"Can you stop being so clingy?" I asked again. "Pumayag na ako na makipag-kita sa 'yo, now stop acting like I'm a teddy bear whom you always hug."

When I looked at him, his eyes were already in pain. "What did I do?" his soft voice made me shiver despite spitting hurtful words to him.

He didn't do anything in fact, I just became stressed and burnt out. Idagdag mo pa 'yung naririnig ko tungkol sa hospital na mukhang kailangan kong bisitahin ngayong linggo. Nag message sa akin si Zara na nagpa check up si Lauren at sinamahan niya tapos may concern siya tungkol sa office.

"Pagod lang ako," mahina kong saad.

Hinigpitan niya ang yakap at nanatili kaming ganoon nang ilang minuto. Bumitaw ako sa yakap at tumingin sa kaniya. "I know, Lu.. I know.." he whispered while kissing my head.

Pinasandal niya ako sa kaniyang dibdib habang pareho kaming nakaupo sa sofa. "What did I do wrong? Were you tired these past few months? Can I spend more time with you?"

Napapikit ako sa narinig. If he's going to spend more time with me, his responsibilities in law school would be affected. He's willing to sacrifice. Always willing and I don't know what to do about it.

"Problema ko ito."

"It's us now, right?" may pagsusumamo sa kaniyang boses. "I can lend you my ears anytime, baby. Tell me what bothers you.."

At dahil nakabukas ang tv, saktong balita ang pinapalabas nito. Nakita kong nagtext sa akin kanina si Mae na manood ng balita at ngayon, saktong siya ang nagbabalita.

"Sinampahan ng kaso ni Director General Albert Lacsamana ang suspect sa hit and run na naganap kaninang umaga. Ang pamangkin niya ang nasa loob ng sasakyan at ito ay sangkot sa insidente." Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya habang kabadong nanonood ng balita.

"Makikita sa CCTV na humarurot ang SUV ng suspect at nabangga ang sasakyan ng biktima. Tumigil ito ng pansamantala ngunit hindi bumaba ang driver at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho."

"Kasalukuyang nasa hospital ang biktima at hanggang ngayon ay wala pang malay." I covered my mouth when I saw what happened and who's car is in the video.

A man is placed on a hospital bed to transport him using the ambulance of our hospital.

Ryder!

Punyeta, akala ko ba nasa ibang bansa na 'yun?!

"Shit! Levi, shit!"

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko sa sofa at hinatak siya palabas ng unit. Agad naman niyang kinuha ang susi ng sasakyan at sumabay sa akin palabas habang tumatakbo. Pinag mamadali ko siyang magmaneho at ito siya, pilit akong pinapakalma.

Hindi pa siya tuluyang nakakahinto, bumaba na ako sa sasakyan at tumakbo papunta sa emergency room.

"Lacsamana po," ani ko sa nurse nang makaharap ako sa nurse station.

"Ma'am wala pong Lacsamana sa-" naputol ang pagsasalita niya.

"He's a Marquez... Ryder Marquez." paglilinaw ni Levi na nakasunod pala agad sa akin.

Nakapag park na siya? Liningon ko ang nurse na tinitignan ang chart nila dito sa station. "Nilipat na po sa room 518, presidential suite."

Tumakbo ako papunta sa elevator at saktong nakabukas ito. Mabilis na nakasunod si Levi at tahimik na nasa likod ko. Kinakabahan kong hinawakan ang handle sa gilid at agad niya itong hinawakan.

Sundered by Time (Manila Series #1)Where stories live. Discover now