Chapter 8

8.7K 95 46
                                    

Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa kuwarto ng kapatid niya. Tumabi ako kay Naths at maagang umalis kinabukasan para umuwi ulit. Monday ng umaga ako bumalik sa Manila pero gabi na ako nakauwi pagkatapos sa school

Sinubukan kong umuwi agad para tapusin ang activities na hindi ko nagawa dati at kailangan kong habulin, pero hindi ko nagawa dahil sa training. Nangangatog pa ang kalamnan ko sa hita nang nag-aral na ako agad sa sala ng condo. Natapos ko na ang mahigit kalahati sa mga pending na task nang naisip kong magpahinga. Tapos na ang deadline pero kailangan ko pa rin na magpasa at target ko ay ngayong Friday na. Sumandal ako sa couch at pumikit.

"Naths, gawa mo?" tulog na si Lauren ngayon kaya hininaan ko ang boses.

"Wala.. ay may pupuntahan ka ba ngayon?" Simple lang akong tumango dito.

She gave me a questioning look with a grin. "Hospital, why?" tanong ko rito. Dadaanan ko kasi si Mama ngayon, may aayusin kami sa BMC.

She handed me a box and hugged me while I was motionless. "Puwede ka ba dumaan ng Makati?"

Kumunot ang noo ko pero dahan-dahan na tumango. Agad naman na may kinuha si Naths mula sa kuwarto niya. "Pakibigay kay Kuya panget."

Kung pupunta ako doon baka kung ano isipin ni Levi ah?

"Anong unit?"

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Binigay niya yung unit number ng kapatid niya, hindi ko naman kasi kabisado, ang alam ko lang ay ang building noon.

Tapos naman na ako sa mga babasahin, naipasa ko na kaninang umaga habang lunch kaya wala na akong pending maliban sa mga activities na iba at ang magpahinga. Agad akong nagmaneho papunta kay Levi. Binuhat ko ang karton pagkababa ko ng sarili kong sasakyan. Nabigatan ako pero binilisan ko na lang ang kilos. Wala na akong magagawa, nandito na ako e.

Nang nakaharap na ako sa unit, I pressed the bell while holding the gift and food from his parents. Bakit kaya hindi na lang ipadeliver diretso dito? Binaba ko muna ang karton at sumandal sa pader sa gilid ng pintuan habang hinahawakan ang pulsuhan na nangawit. Kinamot ko pa ang kilay.

"Who is it?"

He opened the door and was shocked to see me. He's wearing a white shirt and boxer shorts. Tinignan niya ang karton at pabalik sa akin. Sinilip pa niya kung may kasama ba ako.

"Irvin, who is it?" I heard a feminine voice from the unit and saw a woman wearing a white lingerie with a white robe.

"Ahm Shail's friend," he answered. "Why?" Levi questioned that made me return to my senses.

"Pinapaabot ni Naths, sabi daw ng parents mo na hindi ka pa ata nagre-restock sa fridge." Wala namang sinabi pero nag isip na lang ako ng excuse.

"Oh thank you. Uuwi ka na?" He asked, waiting patiently while holding the door.

Sa sitwasyon na ito papasok pa ba ako sa loob? Ituloy na lang nila ginagawa nila! Mukhang naabala ko pa sila, tinawag na nga siya ng girlfriend niya sa loob, pinapabalik na siguro.

"Right, I'll be heading out now," ani ko sabay abot ng mga ipinadala para sa kaniya. Nasa labas na ako ng building at natulala na lang bigla. Dapat talaga hindi na lang ako pumunta!

Wala sa sariling nagmaneho ako papunta sa Buencamino Medical Center na pinagtatrabahuhan ni Mama sa Manila. Dumeretso ako sa opisina niya at kumatok. Ilang sandali pa bago bumukas ang pinto.

Intern ang nag bukas at may tatlo pang nakapila na pasyente. "Yes po, Ma'am?" she asked which made me dumbfounded.

"Oh sorry, where is Dra. Lacsamana?"

Sundered by Time (Manila Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin