̶0̶̶0̶̶2̶

87 7 13
                                    

Sabi nila, wala nang mas hihirap pa sa pag-aaral

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Sabi nila, wala nang mas hihirap pa sa pag-aaral. Pero ang hindi nila alam, mas mahirap ang mag-aral nang binubully ka sa eskwelahan.

"Fuck those bullies."

Araw-araw, kada pagpasok ko sa eskwelahan, palagi nalang may sasalubong sa akin na kung ano-anong kalokohan. Basagan ng itlog? Tapunan ng pintura? Bugbugin? 

Ano pa ba? Ah, pagbintangan ng kung ano-ano na sila rin naman ang gumagawa.

Nagtiis ako, ngumiti at pilit na binalewala ang lahat alang-alang sa pag-aaral ko. Pero hindi ko na ata kaya.

Kumbaga, kung may simula, mayroon ding katapusan. Gusto ko nang tapusin ang lahat, lahat ng paghihirap ko.

Dinama ko ang malamig na hanging tumatama sa mukha ko. Standing here on top of a school building makes me calm every time. At sa tuwing dudungaw ako sa baba, tila may gustong humila sa akin at nanghihikayat na tumalon mula rito.

"Ito na ata ang tamang panahon," I said as I wipe the tears falling from my cheeks. "Napakahina mo, Ace."

I stepped my feet at the edge of the fence, "Maybe this will solve everything." Pumikit ako. Dito ko na tatapusin ang lahat. Ang pagkamatay ko ang magiging susi para maisiwalat ang mga ginawa nila sa akin.

Nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko maikilos ang mga paa ko. Dumilat ako at tumingin sa ibaba. Napaatras ako sa sobrang kaba, "H-hindi ko ata kaya..."

Lantang gulay akong umatras kasabay ng pagkadapa ko sa malamig na semento. Kasabay ng malakas kong pag-iyak ang pagbuhos ng ulan. Tila nakikiramay ito sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon.

"Mga p*t*ng*n* talaga kayo! Bakit nyo ba ako ginaganito!" 

Wala na akong pakealam kung may makarinig man sa akin. Tutal naman, mga wala silang pake, paniguradong pinagtatawanan lang nila ako ngayon.

I used to be on top, and being on top brings so much happiness to me. Pero sa isang pagkakataon lang, naging masakit ang pagkabagsak ko.

At lumabas na din ang mga totoong kulay nila. Mga traydor. 

Inilabas ko ang cellphone ko nang maramdaman ko itong nagba-vibrate sa bulsa ko. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang message mula sa mga kaklase ko.

Diba gusto mo nang mawala? Napakaduwag mo naman, bakit hindi mo pa tinuloy? HAHA Eto website para sa mga gusto nang mawala, click mo lang 'yang link. Goodluck! HAHA

Hindi pa rin talaga sila tumitigil. Hanggang kailan pa? Ilang mga masasakit na salita pa ang titiisin ko? 

Binuksan ko ang link na pinasa sa akin. "Painless Death Assembly?"

PLAY ITحيث تعيش القصص. اكتشف الآن