PLAY IT 003

46 3 0
                                    

❛ ✧ Ace

"Sino ka?" rinig kong tanong ng lalaking nakasuot ng itim na shoulder bag sa balikat nito. Matiim ko itong tinitigan. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt na pinatungan ng isang denim jacket at itim na pants na tinupi dahil sa sobrang haba nito ay umabot na sa kulay itim nyang rubber shoes.

Napatingin din ako sa babaeng nakasuot ng cap at tila tinatago nito ang mukha dahil nanatili lang itong nakayuko at nakatingin sa suot nitong sapatos. "I-I'm Erin," she paused, "and I'm here for the Assembly."

So the girl's name is Erin. Sino naman 'tong lalaking 'to?

"What's your number?" tanong nito. Hindi ko maaninag ang reaksyon ng babae pero mukhang wala pa syang hawak na numero kaya hindi ito agad nakasagot. "I'm lost."

"So, you don't have a number yet. Tara samahan kita sa baba," sagot ng lalaki at saka sya naunang bumaba ng hagdanan.

They already left. Napasandal ako sa rehas ng hagdanan at unti-unting umupo. "What now Ace? Mukhang dumarami na rin ang mga tao dito. Mamaya makukumpleto na rin ang kasama sa assembly."

Napatingin ako sa hawak kong kahoy na inukitan ng isang numero. "Number 2. Siguro yung dalawa na 'yon ang number one at number three." I heaved a sigh, "Ilang minuto nalang ang nalalabi sa akin. Sana lang matapos na ang lahat ngayong gabi na 'to."

Napagpasyahan ko nang tumayo at umakyat sa sumunod na palapag ng gusali. Madilim din ang palapag na ito at tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan ko. Nilandas ng mga paa ko ang pinakadulong bahagi ng palapag. Mayroong isang upuan sa dulo nito kaya agad akong umupo at inilabas ang isang sigarilyo at posporo mula sa bulsa ng suot kong pantalon at sinindihan ito.

Pinagmasdan ko ang maliwanag na kalangitan. Mabuti nalang at tumigil na rin ang pag-ulan. Pero umulan man o hindi, tuloy ang pagpunta ko sa assembly na 'to. "Pangako, magiging maayos na din ang lahat."

Sa bawat paghithit ko ng sigarilyo ay naalala ko lahat ng masasakit na bagay na nangyari sa akin simula noong araw na 'yon. Ang araw ng pagbagsak ko, ang araw na nawala ako sa posisyon, at ang araw na iniwan nila akong lahat.

"Ginamit lang ba nila ako? Kung gano'n, then fuck them. Fuck you, you traitors." Ibinato ko sa lapag ang sigarilyo at tinapaktapakan ito, "Nakakawalang-gana na."

Pinasadahan ko ng tingin ang relo ko at inaninag ang oras mula rito. "11:39 na pala. I better go to the room. Doon nalang ako magpapahinga, baka makatulog pa 'ko dito."

Tumayo na at nagsimula nang maglakad patungo sa Assembly room sa ibabang palapag. Nanatili pa ring nakapatay ang mga ilaw sa hallway at tanging ilaw lang mula sa kwarto sa dulo ang naaannag ko. "'Yon na siguro yung Assembly room," bulong ko sa sarili ko.

Agad ko inahak ang hallway hanggang sa nakarating ako sa tapat ng isang kwarto. "May tao na kaya?" Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang walang katao-taong kwarto. "Shoot, ako pa talaga ang una."

Napailing nalang ako sa nabutan ko. Pinasadahan ko ang kabuuan ng kwarto. Sumalubong sa akin ang naglalakihang mga kama na sinakop ang buong kwarto. Nilapitan ko ang malapit na kama sa akin at may nakita akong nakasulat na numero sa ibabaw nito. "Twelve..."

May isa ring mahaba at malaking lamesa sa gitna nito na may labindalawang upuang gawa sa metal. Walang kadise-disenyo ang kwarto maliban sa isang malaking white board sa harapan nito at isang malaking malaking cabinet sa tabi nito. Nilapitan ko ito at matiim na pinagmasdan, "Anong klaseng cabinet 'to? Bat may pin password pa?"

Ano bang meron sa loob nito at mukhang ayaw ipagalaw ng may-ari? Ipinagsawalang-bahala ko nalang ito at nilibot pa ang buong kwarto. May tatlong mahahabang flourecent lamp ang nakasabit sa dingding na nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto.

PLAY ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon