̶0̶̶0̶̶4̶

52 6 10
                                    

I was betrayed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I was betrayed.

I was lost in the thought of having real friends that they were supposed to be. But I was wrong, I was so wrong.

Standing behind a tree, I watched them happily laughing from afar. Dripping raindrops makes my body wet as it fall from my head down to my shoes. Bitter smile formed from my lips.

I was there. I was supposed to be there.

Pero biglang nagbago ang lahat sa isang iglap. Nang dahil sa isang  pangyayari, biglang nagbago ang lahat. Maging sila nagbago.

Sa totoo lang, hindi lang naman sila e, lahat na sila. Pero ayos lang ‘yon, makakaya ko pa naman ang sakit.

“Umuulan na pala. Ba’t hindi ka ba naman kasi nagdala ng payong, Nyx. Ang tanga mo talaga, kaya iniiwan ka ng mga kaibigan mo e.”

Tumalikod ako sa kanila at mabilis na tumakbo palayo. Tinahak ng mga paa ko ang masikip na eskinita papunta sa bahay namin. Nang makarating ako dito ay pinagmasdan ko nang mabuti ang kabuuan ng maliit naming tahanan.

Masikip na bahay, tagpi-tagping bubong, kahoy na dingding, at kinakalawang na pintuang yero. “Hindi bale kapag nakatapos ako, maipapagawa na rin kita.”

Marahan kong binuksan ang pintuan at naging maingat din ang pagpasok ko sa loob. Napatingin ako sa itaas nang may maramdaman akong tumulo sa ulo ko. Napailing nalang ako, “Mukhang hindi nanaman ako makakatulog nang maayos ngayong gabi ah.”

Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesa naming halos masira na rin dahil sa sobrang katagalan. Tahimik ang buong bahay at tangin ang pagtama lang ng mabibigat ng ulan ang naririnig kong umaalingawngaw sa buong paligid ko.

Napaigtad ako sa kinatatayuan ko nang biglang bumukas ang pintuan namin. Agad ko itong nilingon at iniluwa nito si mama na mukhang lasing na lasing nanaman.

“Mama, nakainom nanaman po ba kayo?” marahang tanong ko dito ngunit nababakas pa rin ang pagkatakot mula sa boses ko.

Ayokong magalit nanaman si mama. Sya nalang ang natitirang kasangga ko sa buhay.

“Tabi! Harang-harang ka sa dinadaanan ko!” malakas nitong sambit. Bunga ng pagkatakot, hindi ako agad nakakilos at nabangga nya ako. Napahawak naman ako sa braso kong nabangga ni mama.

“Punyeta ka talagang bata ka! Palamunin na nga, perwisyo pa!” nanggagalaiting asik nito sa akin. “Halika nga dito at masampulan kita!”

Natataranta at naiiyak akong lumayo sa kanya. Nagsimulang manginig ang mga binti ko nang makita kong kinuha nya ang martilyong nakatago sa ilalim ng kalan namin. “M-mama, ‘wag po.”

“Halika dito at pupukpukin ko ‘yang mga paa mo para hindi ka na maging harang-harang sa daan ko!”

“M-mama lasing po kayo, ‘wag po!”

Patakbo kong nilandas ang maliit kong kwarto at inilock ito. Mabuti nalang at gawa ito sa kahoy at may kaayusan pa ito, kung hindi ay paniguradong mapupukpok nanaman ako ng martilyo ni mama.

Dumadagundong ang buong pintuan dahil sa sobrang lakas ng pagpalo ni mama rito. Isinandal ko ang katawan ko dito para hindi nya ito magawang mabuksan. “Punyeta ka talaga Nyx! ‘Wag na ‘wag kang lalabas kundi sa ulo mo ang diretso nito. Magutom ka hanggang bukas!”

Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil na din ang pagkalabog ng pinto. Mukhang tumigil na ata si mama. Napabuntong hininga ako, “Lagi nalang ganito. Malas na nga sa kaibigan, malas pa sa pamilya. Ano pa bang mas mamalas pa sa sitwasyon ko ngayon?”

Umupo ako sa malamig na sahig. Hinaplos ko ang kaliwa kong kamay na nababalutan ng makapal na tela. Unti-unti ko itong tinanggal at tumambad sa akin ang mga daliring halos hindi na maipinta ang kulay.

“Kawawa naman kayo. Pasensya na at hindi ko kayo naitago nung nakaraan ha? Napukpok tuloy kayo ng martilyo.”

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Agad na naagaw ng aking pansin ang tumutunog na bagay sa di kalayuan, “Teka cellphone ko ba yun?”

Nilapitan ko ang drawer ko sa tabi at binuksan ito. “Naiwan ko pala ‘to dito? Kung saan-saan ko ‘to hinahanap ay.”

Napatawa nalang ako. Mabuti nalang pala at naiwan ko ‘to dito, kundi sira na rin ‘to mula sa pagkabasa sa ulan kanina.

Pinagmasdan ko ang screen nito, “Unknown number? Sino namang tatawag sa akin?”

Mga kaibigan—hindi na pala. Sila lang kasi ang pinagbigyan ko ng number ko, pero sino ‘tong tumatawag ngayon?

I pressed the green button and listened. I never peeped a single word until I heard someone speaking on the other line.

Teka, Eliza?

“Hi pilay! Glad you answered. We got a simple present for you. Want to join an assembly? You know, yung babagay sa isang katulad mo, right girls?” I heard them laugh.

“Anyways, I’ll send you the link. Sana sumali ka, para mabawas-bawasan naman ang mga hampas-lupang katulad mo dito sa balat ng lupa. Hindi ka na kasi nababagay dito e, haha! Goodluck Nyx.” She ended the call.

Napatingin ako sa screen nang makitang may lumabas na notification mula rito. I was quite confused when I saw a familiar name on the screen, “ Seichi Maeda?”

PLAY ITWhere stories live. Discover now