̶0̶̶0̶̶3̶

60 4 10
                                    

"Smile everyone, smile!" sigaw ng dance trainer namin habang matalim ang naging pagkakatingin nito sa mga galaw ko habang sumasayaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Smile everyone, smile!" sigaw ng dance trainer namin habang matalim ang naging pagkakatingin nito sa mga galaw ko habang sumasayaw. Tumayo ito nagsimulang maglakad papunta sa cellphone nyang nakapatong sa speaker na pinagmumulan ng tugtog na sinasayaw namin.

"Everyone, take a water break except for you Erin. We need to talk," madiin nitong sabi. My hands began to tremble as I struggled to reach for the towel resting on the top of my bag. 

"Oh gosh, papagalitan nanaman ba ako?" mahina kong sambit. Napapikit nalang ako sa naisip ko.

Heto nanaman tayo.

Napaigtad ako nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Si Leya pala. "Hey, it's okay. You will get better next time," pag-aalo nito sa akin habang hinahaplos ang aking likuran.

I bitterly smiled and convinced her that I would be just fine. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok ng opisina ng manager namin. Nadatnan ko silang dalawang nakaupo doon.

Naaawang tingin ang isinalubong sa akin ng manager namin habang tinapunan lang ako ng tingin ng trainer namin at ibinalik ang tingin nito sa cellphone na hawak nya. 

"Take a seat, Erin," mahinhing sabi nito. Sinunod ko naman ito at umupo sa katabing upuan na nasa pintuan. Nasa harapan ko ang trainer namin, habang katabi naman nito si Manager Yena.

"Erin," pagtawag pansin nito sa akin. Iginayak ko ang mga mata ko at tinignan sya. "Your trainer has been complaining about things that are worrisome. She says that you're not doing well these past days. You know what will happen, right?"

"Is it about the rumors on the internet?" Napahinto ako at tila hindi makakilos sa sinabi nya.

Please don't mention it. Please don't...

Lumabas ako ng opisina at patakbong tinungo ang comfort room malapit sa pintuan palabas ng building. Mabilis ang naging pagbagsak ng mga luha ko mula sa mga mata ko.

Ayoko na, suko na 'ko. 

Nang makapasok ako sa loob ay agad kong ini-lock ang pintuan at humahagulgol na sumandal sa may dingding. "A-ano bang naging pagkukulang ko? Ginawa ko naman ang lahat. Hindi pa rin ba sapat?"

Sunod-sunod ang naging pagtunog ng cellphone ko. Inilabas ko ito sa bulsa ko at tumambad sa akin ang mga message at posts na ilang beses ko nang iniiwasang makita.

Nagsisi ako bigla sa ginawa ko. "Stop it! Stop it! Please leave me alone."

Mas lalong bumuhos ang luha ko, nanlalabo na rin ang paningin ko sa sobrang kakaiyak dahil sa mga masasakit na salitang nababasa ko ngayon. "Wala kayong alam. M-mga wala kayong alam..."

Just die b*tch! 

Omg, is that the girl who went to a bar with Youngjin? How dare she?

Just die girl! You don't deserve to be a trainee. You will just be the downfall of your group.

Oh my, she's really a thick-face one! What a trash.

Napakahirap mag-isip nang matino, kumain nang matino, at gumalaw nang matino. Ni hindi ko na nga alam kung makakasama pa ako sa debut ng grupo namin.

Siguro nga tama sila...

Dapat na akong umalis, dapat na akong mawala.

Haters, bashers, they are everywhere. 

Being a trainee is hard. Pero hindi ko inakalang mas mahirap pa pala ang pagdadaanan ko bago ako maka-debut. "Nakakatawang isipin, pero mukhang hindi na ata ako makaka-debut pa."

Nanatili akong nakaupo sa malamig na semento habang hinihintay kong humupa ang emosyong patuloy na bumabalot sa akin. 

So many memories flashed in my mind. "Gusto ko lang naman ng pamilya," humagulgol ako. Naalala ko nanaman ang lahat. Lahat nalang sila tinalikuran ako, "maging ang sarili kong pamilya."

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko nang marinig ko itong muling tumunog. It came from an unknown user.

Hey, trainee girl, I know you're already tired. Wanna join this Assembly? Just click the link. Have fun :)) - your greatest hater 

Tinignan ko ang message at binuksan ang link na ipinasa nito sa akin. Nag-scroll ako sa website at nabasang marami nang natulungan ang assembly nito. Baka ito na rin ang makakatulong sa 'kin.

I already made up my mind, "I need to go to that Assembly."

PLAY ITWhere stories live. Discover now