PLAY IT 002

71 4 8
                                    

❛ ✧ Kai

Pinagpagan ko ang sarili ko matapos makababa ng mataas na pader ng GEU. "Fucking shit, nandito na 'ko sa loob ng GEU!"

Dream come true na ba 'to?

"Pta, dream come true nga, mamamatay ka naman na mamaya," natatawa kong bulong sa sarili ko. Lumibot ang mga mata ko sa isang malawak na field at nakita ko sa di kalayuan ang mga tinambak na kumpol ng mga kagamitang pang-sports.

"Ay p*ta, ang daming soccer balls!" Shete, ginanahan ako bigla!

Napatigil ako sa akmang pagtakbo nang may marinig akong ungol ng babae sa likuran ko. Gago ano 'yun? Ang creepy!

"Ano yun? Parang boses ng taong mataba na hirap na hirap sa pag-akyat," mahinang bulong ko sa sarili ko. "Stupid! Eh kung tinulungan mo nalang kaya ako rito ano?"

"Ay baboy!" gulat kong sigaw sabay lingon sa likuran ko.

"Ay p*ta baboy nga..." nakahalukipkip kong tugon habang pinapanood ang isang babaeng nakasuot ng cap at tila hirap na hirap sa pag-akyat sa dingding. Kunot-noo ko syang tinignan, "Hoy! Tulong sabi!" sigaw nito.

Napailing nalang ako bago ito lapitan. "Hey, I'm not stupid," sabay abot ko sa kaliwang kamay ko para alalayan sya. "And I'm not a pig, stupid," mabilis na pagdidepensa nito.

"Aba! Sabing hindi ako stupid e." Sa inis ko ay ibinaba ko ang kamay kong handa sanang umalalay sa kanya. "H-hey!"

Nagpanic ito bigla dahil parang naa-out-balance sya sa posisyon nya. Napaismid nalang ako habang pinagmamasdan sya sa lagay nya. "Sino ba naman kasing may sabi sayo na ganyan ang tamang pagtawid ng bakod? Hindi ka ba nagka-cutting sa school nyo? Para kang nakasakay sa motor, tsk!" Inabot ko ulit ang kamay ko rito.

Iaabot na sana nya ang dalawa nyang kamay nang bigla nya itong bawiin kasabay ng pagtunog ng kung ano sa paligid namin, "The fuck, ano 'yon?" nagtataka kong tanong habang lumilinga-linga sa paligid namin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya na nakahawak na sa tiyan nya ngayon. Napanganga ako, "Shet, 'wag mong sabihing manganganak ka na?"

I gave her a curious look making her show a disgusting pig face. "Stupid! Tanga! Hindi! Nagugutom na 'ko," agad naman nya itong sinundan ng irap.

Napakamot nalang ako sa batok ko, "Fine. So, anong gagawin ko ngayon?" nakahalukipkip kong tanong dito.

"Let's buy foods first!" masigla nitong tugon. Wait what?

"Ikaw ata 'tong tanga e. Papakamatay ka hindi papakabusog," I gave her a poker face. Yung totoo? Papakamatay ba 'to o lalamon lang sa buong session ng assembly?

"Stupid! Ayaw mo nun, atleast busog ka sa huling araw mo diba? Tara na! My treat," she smiled showing her whole teeth. Gross.

"Oo na oo na! Bumaba ka na jan at ako naman ang aakyat," pagpapaalis ko dito. "Okay!"

Napatampal nalang ako sa noo ko nang makababa ako mula sa kabilang dingding. "P*t*ng*n ano bang meron sa babaeng 'to at hindi makababa-baba ng pader?"

Maganda sana e, mukha lang inosente sa mga bagay-bagay. Sya dapat 'tong tinatawag na stupid e. Kay ganda ng gabi ko tapos sasabihan lang akong stupid?

"Ah help? hehe."

Napairap nalang ako habang pinagmamasdan syang nakalambitin sa pader. "Yung totoo? Ikaw dapat tinatawag na stupid e," walang-gana kong sabi rito.

"Oh come on! Just help me here. Remember, ililibre pa kita kaya be nice to me."

P*ta, ako pa pinagsabihan.

PLAY ITWhere stories live. Discover now