PLAY IT 006

79 5 0
                                    

❛ ✧ Via

"So what about the game you're talking about?" Kai questioned Yoshiro.

Please, not that game.

"You want to know?" Yoshiro smirked. "Papasahan ko nalang muna kayo guys," then he brings out his phone under the table, "May mga 'Share That' app ba kayo?"

"Oo meron," sagot naman ng lalaking medyo namumutla. Sa pagkakatanda ko ay Nico ang pangalan n'ya. He looked pale but I can see that this guy is a genius according to how he speaks; mukhang may kaya rin. I guess he's sick that's why he joins this assembly.

Mahina akong napabuntong hininga. I feel bad for them because they don't know how precious life is to be given away just like that. But just like Ash, I know they have a reason why they are doing this.

I just hope...I hope I can help them in a way, too.

Well try Avery, we'll try.

"Pasahan ko nalang kayo sa Bluetooth n'yo. Tapos install n'yo then tsaka ko kayo papasahan sa Share That app," rinig kong paliwanag ni Yoshiro.

Yoshiro's been acting weird. Why does he want us to play that game when they're here to have a suicide? What's he doing? Why is no one stopping him?

I looked at the organizer named Seichi and he was just staring blankly at Yoshiro and by the base of his expression, he has no plan to stop Yoshiro!

Kung alam lang nila ang natatagong balita tungkol sa Stay Alive na laro na 'yan, at kung ano ang mga nangyari sa mga naglaro nito pagkatapos mawala sa App Store, siguradong hindi nila tatangkain pang maglaro.

I want to stop them, but my only mission here is Ash. He's my only focus here, and I don't have any plans to interfere with what they are doing nor what they'll be doing here on this assembly.

My only business here is Ash; nothing more, nothing less.

Pero hindi ako masyadong sigurado sa mga balitang nakikita ko sa internet. Baka fake news lang kasi ito o gawa-gawa ng mga taong gustong manira sa developer ng app kaya isa rin ito sa dahilan ng pagkawala nito sa App Store.

No one knows what happened. Maybe it's just their assumption. There's no strong evidence to prove the incidents after all.

Maya-maya rin ay natapos na ang pagpapasa ni Yoshiro ng game sa aming lahat. Hindi ko nga akalain na pati ako ay mapipilit n'yang ma-install ang laro na 'to sa phone ko. I was the last one to receive the app dahil nga alam ko kung gaano kadelikado ang larong 'to at ayokong madamay sa kung ano man ang mangyayari.

But I had no choice. I might be called a 'killjoy' person if I won't agree with installing this. Isa pa, baka sa paglalaro ko rin nito ay mapatunayan ko na fake news lang ang nabasa ko noon sa isang website at gawa-gawa lang ito ng mga naninira sa developers ng application.

I stared at the bloody graphics that I'm currently seeing at the screen of my phone. Sa main menu palang nito ay talagang kikilabutan ka na, ano pa kaya sa mismong game?

Pansin kong halos lahat sila ay puno ng kasabikan sa laro pero heto ako, halos mamaluktot na sa kaba. Minsan nga napapaisip nalang ako kung alam pa ba ni Yoshiro ang pinaggagagawa n'ya o baka may iba itong plano kaya s'ya sumama sa assembly na 'to?

He looked suspicious for me since we met a while ago outside GEU. Namili muna kasi ako ng ilang mga pagkain bago ako naglakad papunta sa entrance na sinabi sa amin ni Seichi. Mabuti nalang at medyo may kadiliman ang bahagi na 'yon at bihira lang may dumaan, kun'di may mga nakakita na sa amin.

Paniguradong sa prisinto bagsak namin nito kung nangyari man iyon dahil matagal nang ipinagbabawal ang pagpasok dito sa GEU simula nang ipasara ito ng gobyerno. Hindi ko alam kung bakit itong unibersidad na matagal na panahong tiningala ng mga tao ay bigla nalang nagsara at hindi na muling binuksan pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PLAY ITWhere stories live. Discover now