̶0̶̶1̶̶1̶

46 5 10
                                    

"Tapos ka na ba?" narinig kong tanong ni mommy mula sa likuran ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Tapos ka na ba?" narinig kong tanong ni mommy mula sa likuran ko. "Malapit na po," mahina kong sagot.

Lumingon ako nang kaunti, sapat na para maaninag ko ang pigura nyang nakaupo sa gilid ng kama ko habang nagbabasa ng isang magazine. "Mom, matulog ka na po. Mukhang pagod na po kayo e," suhestyon ko rito.

"Okay lang ako, sige na tapusin mo na 'yan," saglit na tingin ang ibinigay nito sa akin ngunit agad ding ibinalik sa binabasa nyang magazine. "O-okay po."

Nanginginig ang kamay ko habang idinidiin ang ballpen na hawak ko sa librong binabasa ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nasulatan ko na pala ito at kamuntikan pang mapunit.

Wala naman akong narinig na salita mula kay mommy kaya siguradong hindi nya ito napansin. Wala naman talaga silang napapansin.

Maya-maya rin ay natapos ko na ang homework ko at lumabas na rin si mommy sa kwarto. Pero bago ito umalis ay tinapunan nito ako ng tingin, "Matulog ka na, maaga pa ang tutor class mo bukas."

Umupo ako sa dulo ng kama ko at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto ko. Pinasadahan din ng paningin ko ang study table na pinagsusulatan ko kanina.

Lagi nalang bang ganito?

I'm an only child. And since I was my parent's only child, sa akin lagi naka-focus ang atensyon ng pamilya ko. Especially, mom.

I was raised as an intelligent and responsible child. Lagi akong nasa top, at laging nangunguna sa klase. Marami akong awards at sobrang tataas lagi ng mga scores ko na sobrang ikinatuwa at ipinagmalaki ng mga magulang ko.

I was happy at first, pero ngayon hindi na. Minsan, kahit na gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko, mga hobby na hilig kong gawin ay hindi ko na magawa kasi sobrang subsob na ako sa pag-aaral. Naging sobrang higpit ni mommy sa akin na sukdulang malapit na akong masakal.

Pakiramdam ko kasi nakakabit na sa akin ang salitang expectation. And they always expect me to be on top. Feeling ko hinding-hindi ko na maiaalis pa sa sarili ko ang bagay na iyan. Kambal ko na 'yan hanggang sa kamatayan ko.

Minsan nga naiisip ko kung bakit naging only child lang ako? Bakit hindi nalang ako nagkaroon ng kambal para at least dalawa naman kami.

Mom is sick. That's why she cannot bear another child anymore.

Ang ayoko lang sa ginagawa ni mommy ay ang sobrang focus nito sa akin. Ni napapabayaan na nga ata nya ang sarili nya.

She's been too focusing on me that it hurts so much. I'm hurt, so hurt.

I'm pressured, at hindi na nakakatuwa. Nakakasakal lang lalo. But I can't tell her that. I can't tell my parents those, or I will end up disappointing them.

I'm sure I'm not the only one.

Hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito, marami kami. Marami pa rin ang lumalaban para sa kaligayahan ng mga magulang nila. Pero sa lagay ko ata, mukhang malapit na akong sumuko. Ayoko na, ayaw na ayaw ko na.

And I hate this kind of feeling because I don't blame mom, I blame myself.

But I want to be free, free from this prison. Aanhin ko ang talino, awards at mataas na grado kung ako mismo hindi na masaya sa ginagawa ko?

I don't hate you mom, I hate myself. Please take care, I love you so much. You and dad will always be a part of me. I'm really sorry, I love you. - Astrid

I was crying the whole time I'm writing the last note I left at my desk before leaving the house. Sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa kabuuan ng bahay namin.

Mapait akong napangiti, "After this, you're free Astrid. You'll be free."

PLAY ITWhere stories live. Discover now