̶0̶̶0̶̶6̶

48 6 11
                                    

"Damn it!" I shouted in irritation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Damn it!" I shouted in irritation. Talo na naman ako sa pustahan!

I heard Dan laughing at the corner while playing his game, "Talo ka na naman pre? Nako! Malaki-laking pustahan pa naman 'to, haha!"

"Gago! Mas lalo mo lang pinapalaki problema ko!" sagot ko dito pabalik. Ginulo ko ang buhok ko. Talo na naman ako. Wala na nga akong pambayad sa tuition, may pumatong na utang nanaman. P*tragis!

Tumayo na ako sa upuan ko. "Oh pre, alis ka na? Teka sama na 'ko!" 

Nagbayad na kami at lumabas ng Gaming Cafe. Sakto namang bumuhos ang ulan. "Fuck, wrong timing!" ungot ni Dan. Napaismid nalang ako, "Wrong timing nga."

Mabilis ang naging pagtakbo namin papunta sa isang saradong convenience store. "Mukhang kailangan muna nating magpatila." pag-aagaw pansin ko sa kanya habang pinapagpagan ang nabasa kong damit.

"Oo nga pre, may bagyo ba? Bakit hindi ko naman ata alam," kamot-ulong sabi nito. Hindi ko nalang sya pinansin at pinagmasdan nalang ang madilim na kalangitan na patuloy sa pagbayo ng malakas na hangin at ulan.

Mukhang hindi pa ata ako makakauwi nito. Ayoko naman na talagang umuwi. Napangiti nalang ako nang mapait. Hindi ko pa kayang harapin ang mga magulang ko sa bahay. Baka kung anong kagag*han lang ang magawa ko, masuntok ko pa ang tatay kong lasinggero.

"Napakamalas ko ata, Dan," napatingin naman ito sa akin. "Pinagsasabi mo jan? Nauultok ka nanaman ba?" kunot-noo nitong tanong.

"Hindi ko nga alam kung pati ata kamalasan ko sa paglalaro e sinundan pa ako sa totoong buhay. Malas na sa pag-aaral, malas pa sa pamilya. Nakakap*tang-*na lang minsan," natatawa kong tugon.

Hinampas naman ako nito sa balikat, "Ano ka ba pre? Wala naman tayong halos pinagkaiba. Remember, malas ang turing sa 'kin ng pamilya ko diba? Minsan nga nakakawalang gana na ding mabuhay. Lagi nalang pinagdidiinan sa akin na malas ako, na sana hindi nalang ako naipanganak."

Nanatili akong nakatingin sa malayo, "We're on the same fucking boat Dan, we're on the same fucking boat."

"Hayaan mo na, at least hindi tayo lumulubog 'di ba?" nakangiti nitong sabi. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait, "Oo pre, at least hindi pa rin tayo lumulubog."

Pero tingin ko malapit na 'kong lumubog. Konti nalang, konting-konti nalang.

"Pre, 'di ba yun yung GEU?" pag-aagaw pansin nito sa akin. Para naman akong napabalik sa reyalidad pagkasabi nito sa akin. "Ang alin?" taka kong tanong.

Tumuro ito sa bandang kanan namin, "Ayun oh! Yung sikat na sikat na unibersidad dati. Ang Gavin East University."

Tinanaw ko ito, at hindi nga sya nagkakamali, ito nga ang Gavin East University.

At ngayon, nakatapak na ako sa loob nito.

Isang beses ko na ding pinangarap na makapag-aral dito. Kung hindi naman, at least maitapak man lang ang mga paa ko sa loob ng mataas na paaralan na 'to.

At heto na ako ngayon. Dream come true na ba 'to?

"Pota, dream come true nga, mamamatay ka naman na mamaya," natatawa kong bulong sa sarili ko.

After dealing with my problems the other day, I guess I've finally decided. Tumuloy na ako, "Let's just get this fucking assembly over with."

PLAY ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon