̶0̶̶1̶̶2̶

53 4 11
                                    

It's been days since the rain started pouring from the sky

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's been days since the rain started pouring from the sky. "May bagyo ba? Parang wala naman e. Pero mas gusto ko yung ganito, napakalamig sa pakiramdam," masaya kong sabi sa sarili ko. Inilabas ko ang kamay ko mula sa payong at dinama ang bawat pagpatak ng tubig sa mga daliri ko.

Napangiti ako. I like this.

Papunta akong library ngayon at heto akong mag-isang naglalakad sa ilalim ng madilim na kalangitan nang mapadaan ako sa harapan ng isang abadonadong paaralan. "Ah, the good old GEU."

Sinilip ko ito mula sa naglalakihang gate na tinambakan na ng mga malalaking gulong at mga lumang lamesa at upuan. Tanaw na tanaw dito ang napakalawak na field ng paaralan. Nandito pa ang ilan sa mga gamit sa sports na iniwan nalang sa gitna ng field. "Sayang naman yung mga bola," mahina kong sabi.  

Sayang talaga 'tong school na 'to kasi isa ito sa sobrang sikat na paaralan sa buong bansa. Sa totoo lang ay minsan ko na ring pinangarap na mag-aral dyan kaso nga lang hindi kayang tustusan ng pamilya ko kaya sa ibang lugar nalang ako nag-aral.

I suddenly remembered him. He was once a student here in this university and one of the most admired students. Nasaan na kaya sya ngayon?

Napagpasyahan ko na ding tumuloy sa library dahil mukhang lalakas pa ang ulang bumubuhos dahil padilim pa nang padilim ang kalangitan. Basang mga paa ang itinapak ko sa basahan na halos umapaw na din sa sobrang pagkabasa. Nakarating na rin ako sa library. Agad kong nilapitan ang lamesang inupuan ko kanina at laking tuwa ko nang makita ko pa rin dito ang libro kong naiwan ko kahapon. 

Pinagpagan ko ito, "Salamat naman at mukhang walang gumalaw sa 'yo." 

Papaalis na sana ako nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko ito at tumambad sa akin ang numero ng kaibigan kong si Yanna. "Tinatawagan ako ni Yanna?" Napatawa ako, "Himala ata."

Agad kong pinidot ang answer button at inilapit sa tenga ko ang cellphone. "Hello?" Nagtaka naman ako nang walang sumagot dito. "Hello?"

Ibababa ko na sana ito nang may marinig akong nagsalita. "Via," bakas sa boses nito ang panginginig. Agad naman akong kinutuban nang masama. "Yanna? Bakit? Anong nangyayari?" kabado kong tanong dito.

"V-via si....si...Ash," paputol-putol na sabi nito. Ash? Anong ibig nyang sabihin?

"A-anong nangyari sa kanya?" Nagsimula nang manginig ang mga kamay ko na sinundan pa ng pamumuo ng mga luha sa mata ko dahil sa sinabi nya, "He wants to kill himself."

Shit, no.

"N-nasaan sya? Pupuntahan ko sya!" bakas na sa boses ko ang pagkatakot. "He's on his apartment. Sa tingin ko ikaw lang ang makakatulong sa kanya, Via. Please stop him."

Sa sobrang kaba ko ay agad kong tinungo ang address ng apartment nya at agad na nadatnan si Yanna na pilit binubuksan ang pintuan ng maliit nitong apartment.

"I-it's locked," nanginginig nitong sabi. Sinubukan ko itong buksan at naka-lock nga ang pinto.

Shit. Think Via, think!

"May nakita akong martilyo sa baba, kukuhanin ko muna," paalam ko dito. Agad binagtas ng mga paa ko ang masikip na pasilyo pababa ng entrance ng apartment. Dali-dali kong kinuha ang martilyo pagkakita ko rito at bumalik sa tapat ng pintuan ng apartment ni Ash.

"1..2...3!" Binuno ko ng buong lakas ang paghampas ko ng martilyo sa pinto hanggang sa natanggal na ang doorknob nito. Pinagsisipa namin ito hanggang sa bumukas ang pintuan. Doon tumambad sa amin ang nasasakal na at halos takasan na ng ulirat na si Ash. Shit!

"Ash! Ashzen!" 

Naging mabilis ang pagkilos namin at dali-daling nilapitan ang nakasabit nyang katawan. Pinutol ni Yanna ang lubid at bumagsak ang mabigat na katawan ni Ash sa akin. "Ash...please wake up!" pinagsasampal ko ito. "Ash!"

Mariin ko syang pinagmasdan habang mahimbing na natutulog sa maliit nyang kama. "He's fine now, pero kailangan pa rin natin syang dalhin sa ospital," suhestiyon ni Yanna. Lumapit ito kay Ash at hinaplos ang mga kamay nito, "Poor Ash. Ano bang naisip mo at ginawa mo 'yun?"

I looked away from him. I can't bear to see him at this rate, I really can't.

Ano bang nagyari sa 'yo Ash? Huling kita natin maayos pa naman ang lahat ah. Pero bakit ganito? Sa ganitong sitwasyon pa kita maaabutan?

Napakaraming tanong ang bumabagabag sa isip ko na gustong-gusto kong masagot pero hindi pa rin ito magawang sagutin ni Ash.

Tumingin ako sa doorknob ng pintuan ng kanyang apartment. It's been two days since he tried to kill himself. At nandito ako ngayon para pigilan sya sa kung ano mang balak pa nyang gawin sa sarili nya.

"Ano Via, kakatok ka o kakatok?" Kanina pa ako nag-aatubiling kumatok at kanina pa rin ako nakatayo sa harap ng pintuan ng apartment nya. Mabubulok lang ako dito eh!

Dahan-dahan ang naging pagkatok ko na sinundan naman ng pagbukas ng pintuan. Agad akong tinakasan ng dugo nang makitang nakasuot lang ng towel si Ash. Mukhang bagong ligo lang ito.

Yummyㅡhep! Kalma Via.

Tila nabalik ako sa huwisyo nang tawagin ako nito sa pangalan ko, "Via." 

"Huh?"

"Para sa akin ba 'yan?" turo nya sa mga prutas na dala ko. "A-ah oo."

Pinapasok ako nito sa loob ng apartment nya. Lumibot naman agad ang mata ko sa buong kwarto. Totoo ngang may kaliitan lang ito pero kakasya naman sa isang tao. Sa kulay gray palang na dingding ay mahahalata mo na agad na lalaki ang nakatira rito.

"Bihis lang ako," pagpapaalam nito. Sinuklian ko lang ito ng tango.

Umupo ako sa gilid ng kama nya malapit sa isang maliit na cabinet. Napansin ko ring nakapatong dito ang cellphone nya. "Wow, Iphone. Sana all."

Hahawakan ko na sana ito nang bigla itong umilaw. Kinuha ko ito at binasa ang isang message mula sa isang unknown number. Nagulat ako nang mabuksan ko ang cellphone nya. Wala naman kasing passcode.

Patapos na sana akong basahin ang message nang marinig kong papalapit na si Ash sa pwesto ko.  Dali-dali kong ibinalik ang cellphone sa dati nitong pwesto at umayos mula sa aking pagkakaupo. "So, what do you want to talk about?" I gulped at what he said. 

Hindi ako handa!

Napabuntong-hininga nalang ako nang makalabas ako ng apartment nya. Well, I can't really say na okay na kami. "Three years was indeed long enough to make him forget about me."

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sumalampak sa kama dala ang laptop ko. Agad ko itong binuksan at itinype ang website na nabasa ko kanina.

"Hay, buti nalang at matalas pa ang memorya mo Via. Ang galing mo talaga!" 

Ilang minuto pa ay lumabas na din ang ilang web search ng link. Agad kong pinindot ang unang lumabas ng resulta mula rito. Agad namang kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang title ng website, "Painless Death Assembly? Seryoso ba 'to?" natatawa kong tanong sa sarili ko.

Ang weird lang kase!

Ay hala, 11 slots lang? Teka makapagpareserve na nga. "Done!"

Humiga ako sa kama at tumingin sa dingding kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. "See you there Ash. I maybe not a superhero, but I'm willing to take risk."

I'll go there to the Assembly and stop you from taking your life again.

PLAY ITWhere stories live. Discover now