PLAY IT 001

66 8 7
                                    

❛ ✧ Seichi

I was relaxing my body when I heard a loud beeping sound coming from my phone resting on the top of the table. "It's time," nakangiti kong sabi.

Finally! The day has come, again.

Kinuha ko mula sa ibabaw ng lamesa ang tumutunog kong cellphone at pinatay ang alarm nito. Pinatay ko na din ang t.v. kasabay ng paglagay ko ng suicide letter sa ibabaw ng lamesa. Matiim ko itong tinignan, "Tama ba 'tong gagawin ko?"

I shook my head off. Ngayon pa ba ako aatras? Pang-ilan ko na 'tong ginawa, at this time sigurado na akong matatapos na din 'tong kabaliwang nangyayari sa buhay ko.

I grabbed my shoulder bag and left the house. Sariwang hangin ang sumasalubong sa akin habang binabagtas ko ang daan papuntang GEU.

The school I once treated as my home.

Pero biglang naglaho iyon nang dahil sa isang pangyayari na halos nagpaguho sa mundo ko, at sobrang nagpabagsak sa pamilya ko. "Fuck," I muttered as my hands begin to grip the steering wheel harder.

I sighed. Tapos naman na 'yon. It's all in the past now.

Maya-maya rin ay nakarating na ako sa tapat ng paaralan. Nilandas ko ang likurang bahagi ng mga naglalakihang gusali ng paaralan at ipinarada ang sasakyan sa lumang parking lot nito.

Tama lang itong naging daan ko dahil hindi nila pwedeng makita na nakaparke ang sasakyan ko sa harapan ng paaralan. Baka mahalata nilang may tao sa loob nito. Siguradong papalpak ang assembly kapag nagkataon.

Simula kasi nang ipasara itong paaralan ay ipinagbabawal nang may pumasok pa na kahit sinuman dito. Paniguradong huhuliin nila ito kapag nagkataon. Kaya nga pinag-iingat ko nang maigi ang mga kalahok para walang sinuman ang makabisto sa gagawin namin.

Pagkatapos nilang dumating lahat ay ako na mismo ang kukuha sa hagdanang ginamit para siguradong walang makakahalata at makakakita rito.

Palihim akong napangiti.

Pagkatapos kong lumabas ng sasakyan ay agad ko itong ni-lock at pumunta sa likod na bahagi nito para kunin ang panabing ng sasakyan. Ibinalot ko ito sa buong sasakyan at saka tinahak ang daan papuntang Administration building.

Habang naglalakad ay matiim kong pinagmasdan ang kabuuan ng field ng paaralan. Sari-saring mga ala-ala ang nagsimulang bumalik sa akin. I missed this place.

Tanaw ko mula sa gitna ng field ang mga lumang bola na ginagamit ng mga varsity players noon. Karamihan dito ay puro soccer balls na itinambak nalang sa gitna ng field kasama ng iba pang kagamitang pang-sports. Napailing nalang ako, "Sayang naman yung mga 'yon."

Maya-maya rin ay nakarating na ako sa tapat ng isang malaking gusali. Ito ang Administration building, ang pinakamalaking gusali dito sa loob ng GEU. Pinagmasdan ko ang kupas na pintura ng dingding nito. Mukha pa naman itong maayos pero kung titignan mo sa malapitan ay bakas na rin ang kalumaan ng kulay nito. "Hindi na kasi nalilinisan, tsk."

Sabagay, sino ba namang pupunta pa dito para bugahan ng tubig ang mga dingding ng mga gusali at linisan ito gaya ng ginagawa nila noon? Panigurado namang wala na. Lumapit ako sa malaking pintuan ng gusali at inilabas ang susi mula sa bulsa ko.

Inilusot ko ito sa busol ng pintuan at pinihit. Nang bumukas ito ay agad akong pumasok at isinara ang pinto. Sumalubong sa akin ang madilim na paligid. "Damn, hindi pa nga pala bukas ang power," mahina kong bulong sa sarili ko.

Gamit ang flashlight ng cellphone ko, maingat kong binagtas ang daan patungong Power Room sa ikalawang palapag ng gusali. Kinakailangan ko ulit itong gamitan ng susi bago makapasok. Sumalubong sa akin ang isang kwartong punong-puno ng mga technical supplies at sa gitna naman nito ang isang malaking generator na matagal-tagal na ring hindi nagamit.

Sa kaliwang bahagi naman ng kwarto ay ang malapad na metal na kinalalagyan ng main switch ng buong eskwelahan. Bakas na rin ang mga kalawang at mga agiw na nakabalot sa gilid-gilid nito sa sobrang tagal na panahon nang hindi na gagamit at nalilinisan.

Nilapitan ko ito, "Ano na nga ba yung bubuksan ko dito?" Napakamot nalang ako sa batok ko, "Ah right, yung switch ng kabilang building."

Itinaas ko ang switch ng Building 02. Nagulat ako sa biglaang pagtunog ng generator sa likuran ko at napalingon dito. "Okay, nakabukas na ang power ng kabilang building. I have to go there now."

Lumabas na ako ng Administration building at tinungo ang likurang bahagi nito na kinaroroonan ng Building 02. Huminto ako sa harap nito at pinagmasdan ang limang palapag na gusali. Tanaw na tanaw mula dito sa baba ang mga madidilim na kwarto sa bawat palapag. Hinanap ng mga mata ko ang kwartong magsisilbing Assembly Room namin mamaya, "Gotcha."

Sarado ang main door ng gusali kaya gaya ng ibinilin ko sa mga kalahok, sa likod na bahagi ng building sila dumaan. Pagkatapat ko sa pintuan ay agad kong inilagay ang password. Dali-dali akong pumasok sa loob nang magbukas ito.

Naging mabilis ang paglakad ko at agad na tinungo ang library. Pagkapasok ko dito ay binuksan ko ang switch na nasa gilid ng pintuan at agad itong bumukas. Tumambad sa akin ang lumang kwarto na punong-puno ng mga nagtataasang bookshelves. "Ang paborito kong tambayan," nakangiti kong bulong.

Tinungo ko ang vault sa likuran ng front desk ng library. Pinihit ko ang password at agad naman itong bumukas. Para akong nabuhayan ng dugo pagkakita ko sa doseng numerong nasa loob ng vault.

Perfect numbers for the selected teenagers.

Kinuha ko ang pinakamababang numero at isinara ito. Pinagmasdan ko ang kapirasong kahoy na inukitan ng unang numero. "I'm still the first one," naiiling kong sambit sa sarili ko.

Akala ko may mas mauuna pa sa akin ngayon dahil excited na sila para sa assembly mamaya, nagkakamali pala ako. Ako pa rin pala ang mauuna. "Baka mamaya nyan ako pa rin ang maunang mamatay," natatawa kong sabi.

Lumabas na ako ng library pero pinanatili kong nakabukas ang ilaw dito. Baka akalain ng mga kalahok wala manlang power supply ang GEU. Kung sabagay, abandonado na nga pala 'to. Normal lang siguro na wala nang supply ng power ang mga lugar na matagal nang inabandona.

Nag-ikot-ikot ako sa loob ng gusali para i-check ang mga gamit at kung nasa ayos na ba ang lahat. Napahinto ako sa paglalakad nang may maalala ako, "Ah shit, anong oras na ba?" Binuksan ko ang cellphone ko para makita ang oras, "Fuck, it's almost 11pm."

Sa sobrang pagmamadali ay agad kong inakyat ang mga hagdan patungong fourth floor. Hingal na hingal ako nang makarating sa ikaapat na palapag. Pinunasan ko ang mga pawis ko sa mukha at hinabol ang hiningang nawala sa akin.

Nang makalapit ako sa pintuan ay agad kong isinuksok ang susi sa busol nito. Binuksan ko na rin ang switch na nagpaliwanag sa buong kwarto saka ako lumabas ulit para sana maglibot-libot sa buong gusali.

Pero bago pa ako makaalis sa tapat ng kwarto ay may narinig akong kaluskos sa gilid ng bahagi ng hallway kaya agad akong napalingon dito. "Sino yan?" pasigaw kong tanong. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nag-echo pa ang sigaw ko sa buong hallway.

Hinagilap ko ang cellphone ko at muling binuksan ang flashlight nito para itapat sa kung ano man ang nasa dulo ng hallway. "Shit, sana pala binuksan ko na ang ilaw sa hallway."

Dahan-dahan ang naging paglakad ko hanggang sa mapako ang paningin ko sa isang babaeng may mahabang buhok na nakatalikod sa akin.

Fuck, multo ba 'to?

"Sino ka?" matigas kong tanong dito. Unti-unti itong lumingon at tumambad sa akin ang isang babaeng hindi ko makita nang maayos ang mukha dahil nakasuot ito ng mask at cap.

Nakayuko rin ito kaya tanging leeg hanggang paa lang ang naaninag ko rito. "Sino ka?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

"I-I'm Erin," nakayukong tugon nito, "And I'm here for the assembly." Palihim akong napangiti.

Here comes the first victim.

PLAY ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon