PLAY IT 005

35 4 0
                                    

❛ ✧ Yoshiro

I don't know if the game is already starting but damn, I think that fucktard is already starting it. Alam ko kung paano s'ya maglaro, napakadumi. This is my first time joining his game and I don't know what to expect. I guess I'll just find it out to learn his tactics so that I can use it as evidence against him.

I'll make you rot in jail no matter what.

"How do you want to die?" seryoso ang mukha nito at hindi mababakasan ng kahit ano mang emosyon. Pero sa loob-looban n'yan tuwang-tuwa na 'yan. "G*go talaga 'yang p*ta na 'yan," mahinang bulong ko sa sarili ko.

I tried to play innocent and wait for others to react so that he won't notice me. Mahirap nang maging target, baka ako pa maunang mamatay sa kanila. For dumpling's sake, wala akong balak mamatay dito. Ang mahuli s'ya at mapabulok sa kulungan ang tanging misyon ko rito.

"You mean 'How do we want to die', including you right?" that badass gangster-like lady asked. Pinagmasdan ko s'ya. She doesn't look bad for me at all. I also noticed a small tattoo on her wrist. It looks like a symbol of something. Maybe I'll look into that later.

As for now, mukhang nakahanap ata ng katapat 'tong Seichi na 'to. I had fun enjoying their conversation. Mukhang tiklop si g*go.

Aw, how I wish I brought some popcorns.

"Well, it looks like you're pertaining only to 'us'", she laughed sarcastically. "Ikaw ba ang maglilibing sa mga bangkay namin? Should I request a free coffin then?" Woah, I didn't expect that. Kung pwede lang sana akong sumagot, papalakpak ako at sisigaw ng 'Bingo!'

"No. I didn't mean that," he paused. "Okay sige, ganito nalang. Kita n'yo yung malaking cabinet sa likuran ko? May mga gamit d'yan na pwede nating magamit bilang kasangkapan sa pagpapatiwakal natin."

"Like what?" the number six guy asked, I'm not good with names so I'll just call him that for now. Seichi gave him a sly smile, "Poison, acid, ropes, knife, and other stuff that we can use. Ang kailangan lang nating pagbotohan ay ang paraan ng pagpapakamatay natin ngayon."

"What if someone doesn't like that way of dying?" the same girl a while ago asked. "As I've told you, all of us must proceed. Given the circumstances, we must vote."

"If someone says no?" walang emosyon kong tanong. "We all talk until we say 'yes'. But you're free to quit anytime." Talaga lang ha?

"Wait!" Agad na natuon ang pansin ng lahat sa babaeng nakasuot ng hoodie malapit sa inuupuan ko. Sinulyapan ko pa ito ng tingin bago bumalik ang atensyon ko kay Seichi.

"So if we all say 'no', then it's cancelled?" parang nawawala sa ulirat nitong sabi pagkatapos ay tumayo ito at sumigaw, "We can't do that!"

"Sigurado namang papayag ang lahat. Don't worry," pagpapahinahon ng lalaking nakasuot ng puting t-shirt. Matikas ang aura nito na bigla nalang pinalitan ng maamong mukha, para siguro pakalmahin ang babae.

Tila pinagsakluban naman ng hiya ang babae at bumalik nalang ulit sa kanyang pagkakaupo. "Those who will oppose can raise their hands. That's fine; we'll talk until we all agree with each other."

"Anyone against proceeding immediately, please raise your hands."

Dalawang sa kanila ang nakita kong nagtaas ng kamay. Isang lalaki at isang babae. "We have two dissenters, so let's talk."

Nauna nang nagsalita ang lalaki, "Hindi ba kayo nagugutom? May pagkain ako rito—aray!" Binatukan ito ng katabi n'yang babae. "Yung totoo? Nandito ka lang ba para lumamon? Tsaka isa pa nga, excuse me ha? Pagkain ko 'to, ako bumili nito! Walangya."

PLAY ITUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum