Prologue

1.8K 128 16
                                    

Bawat pagtapak ko sa lupa, bawat hakbang at paghinga ay parang huli ko na. Hindi ko alintana ang malakas na ulan kahit wala akong makita kundi ang kalsada patungong bahay namin. Hindi ko maaninag ang daan dahil sa lakas ng hangin pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Nadulas at nadapa ngunit agad akong bumangon. Kailangan kong magmadali. Kailangan ko silang maabutan!

Mahigpit ang pagkakakapit ko sa maliit na supot na naglalaman ng pera. Ilang linggo kong inipon ang halaga nito. Ilang banko ang nilapitan ko at ilang tao na rin ang pinakiusapan ko pero walang gustong tumulong. Ilang mansyon rin ang inakyat ko at ilang kilalang mayayaman sa baryo namin ang ninakawan ko para lang mabuo ang halaga. Muntik pa akong mabalian ng mahulog ako sa malahiganteng tarangkahan. Muntik na rin akong matamaan ng bala ng makita ako ng isang guardiya. Buti na lang talaga at mabilis at maliksi ako.

Malayo pa lang rinig ko na ang malakas na sigawan at ang hikbi ni Tita. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo pero parang palayo ng palayo ang bahay namin. Paliit ito ng paliit sa panignin ko.

Dapat maabutan ko sila. Kailangang maabutan ko sila!

Bukas na ang pinto nang makarating ako. Ang nakahandusay na katawan ni Tito ang unang bumati sa mga mata ko. Parang ilog na walang tigil sa pag-agos ang dugo sa kanyang ilong. Maraming pasa ang nagkalat sa buo niyang katawan at dumudugo rin ang kaniyang braso.

"T-tito."

"R-Rose." Mabilis ko siyang nilapitan pero bago ko pa man mahawakan si Tito, lumipad sa ere ang katawan ko.

Bago ko pa maidilat ang aking mata, kumalat na ang hapdi sa buo kong katawan lalo na sa likod ko na sinipa nila. Nang makatayo ako, nagsalita ang isa sa apat na lalaking nakatayo sa harapan namin pero wala akong madinig. Parang biglang tumahimik ang buong paligid. Kahit ang pagkawasak ng salamin ay wala akong madinig na ingay.

Matatangkad ang apat na lalaking nasa harap ko. Halos hindi sila magkasya sa maliit naming bahay. Malalaki rin ang kanilang pangangatawan at kapansin-pansin ang pamumungay ng kanilang mga mata.

Droga.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Alam kong nasa panganib kaming lahat.

Gusto kong iligtas ang pamilya ko. Gusto kong maging maayos na ang lahat.

Nanigas ang katawan ko ng gumalaw ang lalaking pinakamalaki sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bilis niyang gumalaw. One second he was standing right in front of me and the next thing I knew hawak na niya ang Tita kong nanginginig sa takot.

"Nay!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Mae. Umiiyak siya at nagwawala sa kama ngunit kahit anong gawin niya, hindi siya makatayo dahil sa karamdaman niya.

Nilapitan ni Tito ang lalaking may hawak kay Tita ngunit hinarangan siya ng kasamahan nito.

"Limang taon ka na naming pinagbigyan. Sapat na ang binigay naming palugit. Kung hindi ka magbabayad, tulad ng napag-usapan ang asawa mo ang kabayaran."

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang laman ng aking bulsa.

"H-Heto." Ipinakita ko sa kanila ang lahat ng laman nito.

"I-Ito ang bayad sa utang namin. Pakiusap, wag n'yong saktan ang pamilya ko."

Nahirapan akong mangutang dahil lahat ng tao sa bayan ay alam kung gaano kami kahirap kaya napilitan akong magnakaw. Inipon ko lahat ng perang nakuha ko galing sa trabaho ko, ibenenta ko rin lahat ng bagay na nanakaw ko sa mayamang Mayor ng bayan namin. Alam kong dapat akong parusahan pero hindi ako nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa. Hindi naman niya pera ang ninakaw ko dahil ang lahat ng kayamanan ng pamilya nila ay ninakaw lang din nila mula sa kaban ng bayan.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon