Chapter 24

599 50 8
                                    

"Babalik ka naman ulit di ba Ate Rose?"

Hindi ko mapigilang yakapin ng mahigpit ang mga bata. "Oo naman. Babalik ulit ako dito Jun. Bibisita ulit ako, tapos dadalhin ko ulit yong paborito mong tinapay."

Agad lumiwanag ang kanina lang ay mangiyak-ngiyak na mukha ng pitong taong gulang na si Jun.

"Talaga Ate?"

"Jun, bitawan mo na si Ate Rose, may lakad pa siya." Agad kinuha ni Tilly ang kapatid at binigyan ako ng simpleng ngiti.

Magandang bata si Tilly pero kahit na labing apat na taong gulang na siya, nagmumukha siyang mas bata kaysa sa totoong edad niya dahil so sobrang pangangayayat. Maliit rin siya. Magkasingtakad siya ng mga batang ten years old. But despite that, she's a real beauty. Pati ang kulay orange niyang buhok ay bagay sa maliit niyang mukha.

Siya ang pinakapanganay sa lahat ng babae dito sa orphanage at siya rin ang tumatayong ina sa grupo nila simula ng mamatay ang mga magulang nila dahil sa pagsalakay ng mga Rebmas. At kahit na nasa bahay ampunan na sila at may nag-aalaga na sa kanilang nakakatanda, karamihan pa rin sa mga bata ay kay Tilly sumusunod.

"Salamat Ate Rose. Hindi namin makakalimutan ang kabutihan mo." Seryosong tugon ni Jonathan na siyang pinakamatandang lalaki sa grupo.

Magkapatid sila ni Tilly at mas bata lang siya ng isang taon. Mangkukulam ang ina nila at Fae naman ang ama. Nakuha ni Tilly ang lahi ng ina nila habang isang Fae naman si Jonathan katulad ng ama nila. Overprotective si Jonathan sa kapatid lalo pa at lagi itong na bubully dahil nag-iisa lang itong witch.

"Oo nga pala bago ko makalimutan." Hinablot ko sa sling bag ko ang maliit na aklat. Leather ito at halatang luma na. Maliit lang ito pero sobrang kapal at mabigat rin.

Inabot ko ito kay Tilly at nagtataka man, kinuha pa rin niya ito. Pero inagaw ito ni Jun at agad binuksan.

"Ano to Ate? Bakit blanko?" Binigay naman niya pabalik kay Tilly ang libro ng makitang wala itong laman.

Napakamot ako ng ulo at dumungaw na rin sa nakabukas na aklat.

Wala ngang laman. Baka naman nagkamali ng ibinigay na libro si Aira.

"Nakwento ko kasi sa kaibigan kong mangkukulam ang tungkol sa inyo, Tilly. Sabi niya makakatulong daw ang libro na ito sayo. Dahil wala ka daw sa Coven, wala daw magtuturo sayo sa mga basics kaya basahin mo daw iyan ng maigi. Kapag nagkapanahon siya, bibisita siya dito. Pero hindi ko maindihan bakit walang laman."

"Maraming salamat Ate." Abot tenga ang ngiti ni Tilly.

"Hindi po ito blanko, talagang hindi ninyo lang nakikita ang nakasulat dahil para lang ito sa mga mangkukulam."

Napakurap ako sa sinabi niya. Ang astig naman ng libro kung ganon.

Ilang minuto pa akong nanatili dahil nagpaalam ako ulit sa mga bata.

Apat na beses pa lang akong nakabisita sa kanila pero napalapit na sila ng husto sa akin.

Nang makalabas ako ng bahay ampunan, agad akong naglakad patungo sa pinakagitna ng bayan kung saan naroon ang maraming tindahan.

Gaya ng unang punta ko rito, maraming nilalang ang abala sa trabaho nila. Pero mas naging abala ang buong bayan lalo pa at isang buwan na lang ay ikakasal na si Prinsipe Sin kay Prinsisa Mernia ng Water Kingdom.

Sa pinakapuso ng bayan kung saan may malaking puno na napapalibutan ng halaman gaganapin ang kasalan.

Noong unang kita ko sa lugar, akala ko simpleng parke lang ito. Sa mundo kasi namin maraming parke ang ginagawa sa gitna ng bayan para tambayan ng mga tao pero dito sa Bastione, hindi lang simpleng parke ang lugar na iyon.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon