Chapter 26

587 55 2
                                    

Napahilot ako ng ulo pagkatapos kong magbasa.

Kaya pala ayaw nilang gawing Hari si Sin.

Sa kahahanap ko ng inpormasyon tungkol sa Sealing Spell at mga portal, nabasa ko ang tungkol sa mga Dark Fae or more precisely nabasa ko ang tungkol sa Lolo ni Sin na si Haring Araw.

Ang Lolo ni Sin ay isa ring Dark Fae at nalaman nila ang kapangyarihan nito ng naging Hari na siya. Naging masaya ang mga Ministro dahil mas naging makapangyarihan ang kanilang Hari pero ng mamatay ang Mate ni Haring Araw, napuno ng galit ang puso niya.

He lost control and he exploded.

Literally.

He exploded at nawasak niya ang kalahati ng kaharian at maraming Fire Fae ang namatay.

Nang malaman ng mga Ministro kung gaano ka makapangyarihan ang mga Dark Fae, naging mas maingat na sila. Lahat ng napaghihinalaang Dark Fae ay pinapaharap sa Konseho.

Hindi sinabi sa libro kung ano ang nangyayari sa kanila sa loob ng Konseho. Pero ngayon, nalinawagan na ako kung bakit marami ang tutol na si Sin ang mamuno. Bukod kasi sa Dark Fae rin si Sin, namana rin niya ang kapangyarihan ng Lolo nila. He have the Ruins.

Mas naging malinaw na sa akin ngayon kung bakit may gustong lumason kay Maya. Siya kasi ang pwedeng magligtas sa kaharian. Siya ang next in line sa truno at ang pinaka mainam na option.

Isa sa mga dating Ministro ang Lolo niya at sa palasyo siya lumaki. Kapag siya ang naging Reyna, magiging bukas ang ibang kaharian na tulongan sila sa pagkuha sa simbull dahil wala na ang kaba na hatid ni Sin bilang isang Dark Fae.

"Nang sabihin mong mahilig kang magbasa, hindi ko naisip na ang ibig sabihin non ay kayang mong magbasa ng buong araw. Literal na buong araw." 

Nakangiti si Maya habang dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin gamit ang walking stick niya na ginawa ni Captain Roll kahapon.

Pagkatapos ng pagsabog at pagkawala ni Aira isang linggo na ang nakakalipas, agad kaming pinaalis ni Sin sa palasyo. Ako, si Maya, Captain Roll at ang kasahaman niyang nakasama rin namin sa Robustos na si Han.

Si Captain Roll at Han ang mga pinagkakatiwalaan ni Sin sa lahat ng kawal niya. Pinaalis niya kami pero siniguro rin niya na walang nakakaalam kung saan kami patungo.

Tatlong araw kaming nagbyahe dahil hindi kami pwedeng magflash dahil sa kalagayan ni Maya. Nang makarating kami sa isang liblib na gubat, pumasok kami sa isang kweba sa ilalim ng malaking bukid.

Wala pa ring malay si Maya ng mga panahong iyon kaya pinagtulongan siyang buhatin nina Captain Roll at Han.

Nang makalabas na kami sa kweba, isang panibagong gubat ang sumalubong sa amin pero may maliit na bahay ang nakatayo sa gitna. Maliit lang ito at gawa sa kahoy.

Hindi ko natanong kung nasaan kami, ang alam ko lang hindi na ito sakop ng kaharian ng Fire Fae pero nasa Bastione pa rin kami.

"Ano na naman ba yang binabasa mo?" Mahina at mabagal ang paglalakad ni Maya pero hindi pa rin nawala ang ngiti niya.

Isang araw ang lumipas pagkatapos naming makarating dito ay nagising si Maya dahil nawala na ang bisa ng Etaipo habang naglalakbay kami. Nang magising siya, agad siyang nauhaw. Kaya sa palagay ko doon sa tubig nilalagay ng lumalason kay Maya ang Citehtsena. Tinanong kasi niya kami kung bakit daw kakaiba ang tubig na ibinigay namin. Wala daw lasa, hindi gaya ng nakasayanan niya.

Dalawang araw na nakahiga lang si Maya. Ikinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari sa kaharian. Pati ang pagkawala ni Aira, ang bagsabog, ang nalalapit na pagpapakasal ni Sin at ang hinala namin na hindi talaga siya sinumpa kundi nilason.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon