Chapter 34

599 57 8
                                    

Sin looks dejected and it hurts me so much to see him like this. Especially because I know I'm the cause of it but I need to do this.

"May— may nagawa ba akong m-mali? Alam kong kasalanan ko kung bakit nasaktan ka. We arrived so late but I promise you that it will never happen again. Habang buhay ako Rose, no one will hurt you. Just please give me a chance. I- I—" 

Bumuhos ang luha ko.

"Ina ko si Marina." I blurted out before I changed my mind.

Hindi ko siya tinignan dahil ayaw kong makita ang galit sa mga mata niya. Kung hindi man kami magkikitang muli, gusto kong baunin ang alaala ni Sin at ang mukha niya na walang galit.

Nang hindi nagsalita o gumalaw si Sin matapos ang ilang minuto, pinilit ko ang sarili ko na tignan siya.

Pero imbes na galit ang makita ko sa mukha niya, pagtataka ang pumuno sa mata niya.

"Sigurado ka ba?"

His voice is soft kaya hindi ko matukoy kung galit ba siya o hindi because his face looks so calm.

Tumango ako habang kumunot naman ang noo ni Sin.

"Ang babaeng pumatay sa ama mo, kumuha sa mga simbull at ginulo ang kaharian ninyo ay ang ina ko." I closed my eyes while uttering those words.

I was expecting him to shout at me and demand me to leave pero hindi niya iyon ginawa.

"Paano mo naman nasabi na ina mo siya?" 

Hindi ko alam kung saan ito patungo pero sumagot pa rin ako.

"Wala man akong alaala tungkol sa magulang ko at hindi ko man natatandaan ang pangalan ng ina ko pero naaalala ko pa rin ang mukha niya. Lahat ng detalye, nasa memorya ko pa rin."  I swallowed hard.

My mother killed Sin's father. Wreck havoc in their lands kaya hindi na ako umaasang tatanggapin pa ako ni Sin.

"Are you sure about this?" N

Nahihiyang tumango ako. God, I desperately want to hug him pero pinigilan ko ang sarili ko. I can't.

"Noong una kong maamoy ang dugo mo sa Leviathan Capital, that's when I found out that you're my mate but I also found out na may koneksyon ka kay Marina. Pero nakakasigurado akong hindi mo siya ina."

Matagal na niyang alam? Pero kung ganon, bakit pinatira pa rin niya ako sa kastilyo?

"Akala ko noong una na magkapatid kayo dahil may bond ang dugo ninyo. Pero hindi ito gaanong kalakas para maging mag-ina."

Kumunot ang noo ko pero nakinig pa rin ako sa kanya. I'm ashamed because I felt a flicker of hope in knowing that there's a chance that Marina is not my mother. What does that say about me being a daughter then?

" I— I brought you with me because I thought matutulongan mo kaming mahanap siya. Nagduda rin ako noong una na baka pinadala ka niya para mag-espiya sa amin." Nag-iwas siya ng tingin while I gape at his statement.

"Hindi naman kasi kapani-paniwala ang sinabi mo na galing ka sa mundo ng mga tao gayong nararamdaman naming hindi ka tao. Nakakaduda rin ang kwento mo dahil ang tanging daan patungo sa mundo ng mga tao ay ang portal at alam naming walang bumukas ni isa. Mas lalo pang nakakaduda dahil naka Sealing Spell ka."

Hindi ako gumalaw pero nanlamig ang buo kong katawan.

Nang malaman kong ina ko si Marina, naisip ko ang posibilidad na kapag nalaman ni Sin ang koneksyon namin na baka mag-isip siya ng mga masasamang bagay tungkol sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko para dito pero hindi pa rin na ibsan ang sakit nang marinig ko na mismo galing sa bibig niya ang mga salita.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon