Chapter 17

649 57 4
                                    

Ilang araw rin akong nagpahinga. Sa sobrang pagod ng katawan ko, tatlong araw akong kain at tulog lang. Pati paglalakad patungong banyo nahihirapan pa ako.

Buti na lang dinalhan ako ng mga libro ni Rita kaya hindi ako masyadong naburyo.

Ilang beses ako binisita ni Rita at Lea. Paminsan-minsan pinupuntahan rin ako ni Aira para bigyan ng herbal tea para daw mawala ang pananakit ng katawan ko. Mukha namang mabisa ang binigay niya dahil bumalik agad ang lakas ko.

Sa pang-apat na araw, pumunta ako sa library at greenhouse. Malakas ang loob kong gumala dahil narinig ko kay Lea na pumunta na naman daw sa Water Kingdom si Sin kasama si Daniel.

Pansin ko lagi silang pumupunta doon, may problema ba?

Agad kong winakli ang isiping iyon. Hindi dapat ako mangialam.

Tama.

Labas na ako kung lagi man silang pumupunta sa Water Kingdom. Pakialam ko ba kung anong ginagawa nila doon. Kahit doon na siya tumira ayos lang noh!

Nang madaanan ko ang kwarto ni Maya, ilang beses kong pinilit ang sarili ko na magpatuloy lang sa paglalakad na parang wala lang. Tama na ang ginawa ko. Hindi ko na dapat ulitin yon. Baka mapagalitan na talaga ako kapag inulit ko pa.

Kwarto yon ng Prinsisa nila tapos bigla ko na lang pinasok ng walang pahintulot. Buti nga hindi nila ako pinagbintangang magnanakaw o kaya ay kaaway nila.

Pero kahit na anong gawin kong pagpilit sa sarili ko, natagpuan ko pa rin ang sarili na naglalakad patungo sa kwarto niya.

Kailangan kong humingi ng paumanhin. Hindi ako nakahingi ng tawad sa ginawa kong pagpasok sa kwarto niya dahil biglang sumakit ang katawan ko.

Nang huli ko siyang nakita, dumudugo rin ang ilong niya. Mukha siyang mahina at parang pagod na pagod. Gusto kong malaman kung maayos na ba ang pakiramdam niya at kung bakit nagkaganon siya gayong wala naman siyang ibang ginawa kundi ang maupo sa kama.

Kumatok ako ng ilang ulit pero walang nagsalita. Ilang beses ko pang sinubukan pero wala pa rin.

"Maya— Prinsesa Maya? Si Rose ito. Nandito ka ba?"

Walang sumagot kaya kumatok ulit ako pero wala pa rin. Baka naman wala siya? O baka tulog? O baka naman galit siya sa akin kaya ayaw niya akong papasukin?

"Pwede bang pumasok?"

Wala pa ring sumagot kaya dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Ngayong maliwanag ang paligid, pansin kong napakaganda ng kanyang silid. Puno ng iba't ibang palamuti at paintings ang kwarto niya. May maliit rin na book shelf malapit sa kama.

Dahan-dahan akong lumapit ng mapansin kong nakahiga si Maya sa kama. Pikit ang mga mata niya at halatang natutulog.

Napakaganda talaga niya lalo na at maliwanag ngayon kaya nakikita ko siya ng maayos.

Mataas ang pilik mata niya at napakakinis ng balat. Mataas ang blond na buhok niya pero kakaiba ang kulay nito. Mukha kasing pale pero maganda pa rin tignan.

Kapansin-pansing mukha siyang may sakit. Masyado kasing maputla ang kulay ng balat niya. Pati buhok niya kakaiba ang pagkablond. Payat rin siya, masyadong payat pero maganda pa rin.

Ayoko siyang abalahin sa pagtulog dahil mukhang kailangan niyang magpahinga kaya nagpatuloy na ako sa pagpunta sa greenhouse.

Malusog ang mga halaman kaya nasayahan ako. Mas naganahan akong mag-alaga sa kanila dahil napapansin kong gusto rin ng mga halaman na inaalagaan ko sila.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon