Chapter 22

600 54 6
                                    

Ano ba Rose? Maglalakad lang daw kayo. Anong date ang sinasabi mo? Tigilan mo na nga yang kakaisip mo ng kung ano-ano. Relax lang ok?

Dahil sa pag-iisip ko, hindi ko namalayang nakalapit na pala si Sin sa akin. Nakataas ang kilay niya at halatang naghihintay sa sagot ko.

Maglalakad lang naman di ba?

Nagkibit-balikat ako at nauna nang maglakad para hindi niya mahalata na nag-iisip ako ng sobra sa simpleng tanong niya.

Ano ba naman to? Hindi naman ako ganito dati. Balewala lang sa akin ang mga sinasabi ng mga tao. Kahit yong mga masasamang salitang binabato nila sa akin hindi ako naaapektuhan. Pero bakit simpleng tanong lang niya ganito na ang iniisip ko?

Siguro kasi gusto mo s-

Hindi, alam ko na. Kasi pagod ako kaya kung ano-ano na ang iniisip kong kamalignuhan. Tapos nababaliw pa ako dahil hindi ako makauwi kaya nagkakaganito ako.

Tama, yon na nga.

Impossible naman kasing nagkakaroon na ako ng irrational feelings sa mga nilalang na hindi na nga tao, hindi ko pa lubos na kilala at higit sa lahat ikakasal na sa iba.

Tama, yon na nga. Pagod lang ako at malungkot. Impossible naman kasing-

"Anong iniisip mo?"

Mahinang tanong ni Sin kaya napalukso ako.

Hindi ko namalayang sobrang lapit na pala niya sa akin dahil sa sobrang pag-iisip ko.

"W-wala." Agad akong naglakad ulit para makalayo sa kanya pero agad rin akong napatigil dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nasa paanan pa rin kami ng gubat at hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil puro puno lang ang nakikita ko. Gayon pa man, pinilit kong maglakad ulit. Alangan namang tumayo lang ako at makipagtitigan sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad napatigil sa paglalakad ng hawakan ni Sin ang kamay ko. "Dito tayo." He lead the way and I meekly followed.

Ayaw gumana ng utak ko dahil abala ito sa pagramdam sa kamay ni Sin na nakahawak sa kamay ko. Then I scowled when I realized my thoughts.

Kailan pa ako nagkaganito? Bakit ba ako nagkakaganito? Baka naman kinukulam na ako ng Sin na to at nagkakaganito ako! Hindi naman kasi ako ganito!

Ilang minuto kaming naglakad ng tahimik lang hanggang sa matanaw ko na ang bayan sa hindi kalayuan.

"Anong inisip mo?" Ulit ni Sin habang binagalan niya ang paglalakad.

Nang hindi pa rin ako sumagot humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin din sa kanya.

"You look angry. Ano bang inisip mo?" Ulit niya.

Bago ko pa mapigilan ang bibig ko, bigla itong nagsalita. "Sa tingin ko kinukulam mo ako kaya tumatambol ang puso ko sa simpleng hawak mo."

Nang magsink in na sa isip ko ang sinabi ko agad nanlaki ang mga mata ko.

Holy shit. What did I just say?!!!!

"W-what I m-mean is, kakaiba kasi ang hawak mo. Nakukurente ako. Ang lakas mo kasi kaya nararamdaman ko ang enerhiya mo tapos parang kinukurente mo ang balat ko. Minsan pa nga muntik na akong hindi makalakad dahil sa kapangyarihan mo. Tapos minsan rin para akong nilalagay sa kawali sa sobrang init kapag nagagalit ka tapos ngayon naman nakukurente ang dibdib ko. Ganon. Yon ang ibig kong sabihin." I rumbled dahil sa sobrang kahihiyan.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon