Chapter 21

604 55 7
                                    

Hindi tama ang pagkakaluto ng beef.

Hindi mainit ang tsaa.

Masyadong malamig ang tubig sa bath tub.

Pangit ang kulay ng balabal.

Pangit ang kurtina for the fucking hundred time.

Walang lasa ang tinapay at mainit ang kwarto.

At kung anu-ano pang problema.

Hinilot ko ang ulo ko ng magsimula ulit si Mernia. Marami na akong nakasalamuhang mayaman na kung umasta akala mo sila ang may-ari ng mundo pero ibang kaso si Mernia. Kung makaasta sila akala mo utang mo ang buhay mo sa kaniya.

She's so arrogant in more ways than you can imagine. She's a brat and she's so annoying to the point parang sasabog na ang ulo ko sa dami ng reklamo niya.

I held my breath and counted one to ten para mapakalma ang inis ko.

"Akala ko tanga lang kayo, yon pala mga mangmang rin. Alin ba sa ayaw ko ng rosas ang hindi ninyo maintindhan?"

Agad nabasag ang vase na pinaglagyan ng rosas. Marami pa siyang sinigaw at sinabi pero lahat kami sinirado ang tenga at nagpatuloy na lang sa paglilinis sa kwarto niya kahit wala na kaming makitang dumi.

Wala pa ngang dalawang araw simula ng makarating si Mernia dito sa kaharian ni Sin pero lahat ng katulong para ng mahihimatay dahil sa mga pinag-uutos niya.

"Bakit ka pa ba nandito?" Mahinang bulong ni Rita habang tinutulongan akong linisin ang vase na nabasag.

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Siguro nga baliw na ako dahil simula ng makita ako ni Mernia, ang dami na niyang inutos sa akin pero hindi ako umalis. Ilang beses na nagpalitan ang mga katulong para makapagpahinga at makatakas na rin kay Mernia kahit ilang oras lang pero ako, hindi ako umalis. Ang tanging pahinga ko ay limang oras lang na tulog tapos balik ulit sa pagiging alila niya.

"Kung ako ang nasa posisyon mo at hindi ko responsibilidad na pumarito, talagang hindi ako magpapakita. Ano bang nakain mo?" Naiiritang tugon ni Rita.

"Pansin ko kasing kailangan ninyo ng tulong." I tried to sound nonchalant para tumigil na siya pero hindi ata epektibo.

Magsasalita pa sana si Rita kung hindi lang siya inutusan ni Mernia na maghanap ng Noilednad para pang palit sa rosas na tinapon niya.

"Noilednad?" Rita gasped in horror. "Noilednad? Saang lupalup naman sa Bastione ako makakahanap ng Noilednad?"

Tumaas ang kilay ni Mernia. "Tinataasan mo na ako ng boses alipin?"

Her soft angelic voice sounded cold and for a moment I saw irritation mixed with anger flash into her eyes. Biglang kumulo ang mga tubig na nakalagay sa mga vase hangang sa sumabog ang mga ito.

Great, kapapalit ko pa lang sa mga vase na yon!

"Hindi ko na problema kung saang lupain ka makakahap ng Noilednad! Ang mahalaga may maibigay ka sakin. I'm giving you two days."

"Pero alam ng lahat na walang Noilednad sa Bastione—"

"Then I'm giving you one day to find one."

Nanlaki ang mga mata ni Rita dahil sa narinig. Pumula ng husto ang mukha niya sa galit. Mariin siyang pumikit para maalis ang inis at walang salitang umalis sa harapan ni Mernia.

"What the— walang respeto! How could she fucking leave without my consent? I'm your Queen!"

Mernia did not stop rumbling. Agad kaming kumilos at nilinisan ang nagkalat na vase para maiwasan ang galit niya.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon