Chapter 4

947 78 4
                                    

Ilang minuto na akong naglalakad pero puro mais lang ang nakikita ko. Kahit saan ako tumingin wala akong ibang makita. Madilim ang paligid at ang huni ng mga ibon at kakaibang tunog ng mga insekto lamang ang tanging ingay na naririnig ko.

Nasapo ko ang ulo kong kumikirot. Kanina pa ito masakit pero mas lumala ngayon. Pati ang mga binti ko hindi ko na rin masyadong magalaw.

Lahat ng sakit na hindi ko binigyan ng pansin kanina ay unti-unti ng humahabol sa akin. It's making my body weak.

Hindi ako pwedeng manghina ngayon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang madulas ang paa ko. Sa una, maliit lang ang butas pero bigla itong lumaki hanggang sa nahulog ako.

"Shit!"  Malakas na mura ko ng tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay.

Tumingala ako pero ang butas na pinanggalingan ko ay dahan-dahang lumiit hanggang sa sumarado ito. Sinubukan kong akyatin ang butas ngunit madulas ang basang putik. Naghanap ako ng kahit anong pwedeng mahawakan at doon kumuha ng lakas sa pag-akyat pero sumakit ang mga pasa ko sa paa kaya nahulog ulit ako.

Fudge!

Bumuntong hininga ako at napaupo sa lupa.

Para akong isang rabbit na nastuck sa isang hole. Nilibot ko ang paningin ko sa kinahulogan ko pero puro lupa lang ang nakikita ko at mga malakaking ugat.

Napatakip ako ng ilong ng may maamoy akong kakaiba. Tinignan ko ang buong lugar pero wala akong maaninag maliban sa mga ugat at lupa.

Mas tumapang pa ang amoy at halos hindi na ako makahinga. I felt suffocated.

Nanlaki ang mga mata ko at napatili ako ng may kakaibang bagay ang biglang yumapos sa paa at binti ko.

Naramdaman ko ang mga maliit at malilikot na bagay na dumaan sa paa ko. Sinubukan kong kumalma kahit pa nga hindi na ako makahinga.

I focus my vision, I squinted my eyes at nang unti-unti nang luminaw paningin ko, nanlaki ang mga mata ko at muntik ng sumabog ang puso ko sa takot.

"Aaaahhhh!"

A centipede! A freaking giant centipedes with a scary man's face is staring at me!

I panic. Hindi na ako makapag-isip ng mabuti. Hinablot ko ang kahit na anong mahawakan ko at inihagis ito sa malaking centipede. I frantically climbed pero madulas ang lupa and I always ended up falling on the same ground but that didn't stop me from trying again and again.

Parang nagkakarera ang puso ko at nanginginig sa takot ang buo kong kalamnan.

"Wag kang matakot binibini. Hindi kita sasaktan."   Mahinang tugon ng centipede ngunit ang ngisi niya ay iba ang sinasabi.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at mas malakas akong napatili.

"Wag kang lumapit! Stay away! Alis!"

Lahat ng lupang mahawakan ko ay binato ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya tumigil sa paglapit sa akin.

Sumikip ang dibdib ko at nagdilim ang paningin ko ng maramdaman ko ang maliliit niyang mga paa na humaplos sa binti ko.

"Alis! Wag kang lalapit!"  I screamed and screamed pero lumapit pa rin siya. He encircled his body around me, trapping me perfectly. Nagtayuan lahat ng balahibo ko nang lumapat ang katawan niya sa katawan ko. He chuckled making my inside screamed in fear.

Inilabas niya ang mataas niyang dila at dinilaan ang leeg ko pataas sa gilid ng tenga ko.  "Mmm. Masarap."

Nagsinlabasan ang mga matatalim niyang pangil at kasabay nito ay ang pagtindi ng baho ng hininga niya.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon