Chapter 27

581 59 6
                                    

Daniel's POV

Isa-isang nagflash ang mga nasa paligid namin hanggang si Sin, ako, ang mga Ministro at si Rose na lang ang natira sa labas ng sirang kwarto ni Aira.

The atmosphere started heating up, quivering the ground. Alam ng lahat na posibling mawalan na naman ng kontrol si Sin at aksidenteng mapasabog ang buong palagid. But Sin is trying to hold his ground lalo na ng maramdaman niya si Rose.

He flexed his neck and heaved a long sigh para mapakalma ang sarili. He doesn't want to frighten Rose with his raging temper. So he was trying to calm down but was definitely failing.

I can feel Sin's anger along with mine. Kung saan-saan na napupunta ang isipan dahil sa galit. Gusto kong malaman kung akong nangyari sa pinsan namin. I badly wanted to kill whoever hurt her but we don't even know where she is right now o kung ayos lang ba siya.

Nang mapagtanto ni Rose na wala na ang mga tao sa paligid, dahan-dahan rin siyang umalis kahit na puno ng katanungan ang mukha niya.

Nagpapanic na kinausap ni Ministro Abay at Hitro si Sin pero hindi ito nakikinig sa kanila. Pumasok si Sin sa loob ng sirang kwarto ni Aira at para siyang may hinahanap pero nang hindi nito iyon makita, nagwala siya.

Wala pang isang minuto, nagflash na si Ministro Abay at Hitro paalis ng palasyo habang naiwan naman si Ministro Riglon at Castro.

Pumasok si Ministro Castro sa loob at tinitigan ang buong paligid, hindi alintana ang nagwawalang si Sin ilang metro mula sa kanya.

Napailing na lang ako. Wala pa ngang isang minuto simula ng umalis si Rose, pinakawalan na agad niya ang pinipigilang galit.

Sira ang buong kwarto ni Aira. Sunog ang mga gamit at nangingitim ang bawat dingding. Umuosok pa ang paligid ng lumabas si Ministro Castro.

I can't stop my body from shaking dahil sa sobrang galit.

Fire.

They used fire. Isa sa mga kahinaan ng mga mangkukulam. They really are trying to kill Aira and for that I want their blood.

"This is a risky move they pulled."  Simula ni Ministro Castro habang ang pinto naman ang tinitignan.

Nang makaalis na si Ministro Riglon, hinarap ako ni Ministro Castro. 

"Kung hindi ako nagkakamali, sinusubukan nilang galitin ang Prinsipe. The enemies are trying to irk both of you by targeting what you value so you would retaliate."

Tumigil sa pagwawala si Sin at bumabalik na rin sa normal ang temperatura ng paligid. Isang bagay na hindi ko inakalang magagawa niya. Mostly, inaabot ng ilang oras at ilang sirang gamit bago mawala ang galit ni Sin. But now, he's back to normal in a matter of seconds.

"They want you to do something kaya nila pinuntirya si Lady Aira. But you need to do the opposite if you want to defeat them."

"Why are you telling us this?"

Hinarap ni Minstro Castro si Sin.  "I want to help you defeat Marina. I want her dead."

"At sa tingin mo maaniniwala kami?"  Sin said it nonchalantly pero alam kong may ibig sabihin ang salita niya.

Ministro Castro shrugged.  "Alam kong you are doubtful with everyone especially now that things like these started happening but I honestly want you to kill Marina."  He have this distant look on his face na para bang may inaalala siya.

Aalis na sana si Sin dahil pareho kaming walang oras para makinig kay Minstro Castro lalo pa at nawawala si Aira. 

"I know something that you don't."

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon