Chapter 11

735 53 5
                                    

Citehtsena

Herb in vast heart forest
Strengthen when made best
Pain impart when put to test
Impair and give you rest.

"Sabi ko na nga ba at nandito kayo My La- Rose."

Napakamot sa ulo si Rita habang tinitignan ang binabasa kong libro.

Isa si Rita sa mga katulong sa palasyo at siya ang pinili ni Sin para bantayan ako at para na rin tulongan ako sa lahat ng bagay. Nakakasama ko pa rin naman si Lea pero lagi kasi siyang may ginagawang importante kaya si Rita ang nagbabantay sakin ngayon.

Narinig ko galing sa iba pang katulong dito sa palasyo na abala ang lahat dahil sa mga ibinigay na bagong trabaho ni Sin. May ginagawa kasi ata silang project. Nagpagawa kasi ulit sila ng green house malapit sa kastilyo kaya parang na promote si Lea dahil kailangan ng karagdagang tulong doon.

Nalaman ko kay Rita na sampung taong gulang pa lang si Lea, nagtatrabaho na siya dito. She started from the bottom and now isa na siya sa mga tagapamahala ng kastilyo since she has unique set of works.

"Kung hindi ka tumutulong sa kusina, nagbabasa ka naman dito sa library. Ano ba iyang binabasa mo?"

Sinamaan ng tingin ni Rita ang librong hawak ko na para bang may ginawa itong masama sa kanya.

Hindi ko mapigilang matawa sa hitsura niya. Apparently, hindi mahilig si Rita sa mga libro. Sa narinig ko kasi, may crush daw dati si Rita pero mas pinili pa daw nito ang magbasa kaysa makipagdate sa kanya. Kaya ayon, kung husgahan ang mga libro akala mo sinaktan siya ng mga ito.

"Dictionary ng mga halaman Rita. Pero kakaiba lang ang isang ito. Imbes kasi deskripsyon ng halaman ang nakalagay, tula ang nakasulat."

Lumiit ang mata ni Rita habang tinitignan ang buong lugar.

"Ang pangit naman kung ganon." She pouted.

"Grabe ka, hindi naman. Maganda nga ang ganon. Kakaiba tapos hindi pa boring dahil mapapaisip ka. May deskripsyon naman din sa huli para hindi ka mahirapan pero lima hanggang sampong pangungusap lang."

Hinaplos ko ang larawan ng bulaklak na binabasa ko kanina. Ang ganda nito. Kung hindi ko pa nabasa na herb ito, hindi ko pa malalaman. Para kasi itong bulaklak dahil sa ganda. Yong tipong binibigay sa nililigawan.

"Ang hilig mo talagang magbasa ano? Lagi ka na lang kasing nagkukulong dito." Pinalibot ko ang paningin sa kabuoan ng silid aklatan.

Sa apat na araw na nandito ako, lagi kong natatagpuan ang sarili kong pumupunta dito. Pakiramdam ko kasi, dito ligtas ako.

"Dati na talaga akong mahilig magbasa. Pero malayo ang pampublikong silid aklatan sa bayan namin tapos marami pa akong trabaho kaya minsan lang ako nakakapagbasa."

Isa-isa na namang bumisita sa utak ko ang mga pinagdaan ko bago napadpad dito. Pinilit kong wag makaramdam ng lungkot pero agad bumalot sa puso ko ang pangungulila.

Pinakli ko ang libro, para sana abalahin ang sarili kong utak. Kaso, kahit nagbabasa ulit ako hindi naman ito pumapasok sa utak ko.

Ecnelitsep

Deep in the cold blue
It shines where no one know
Twist and cut its glow
It will dry your foe

Aisenma

Sitting on the all knowing ice
It destroys all truth and lies
Squeeze it right to bring forth wise
Everything is carved in its eyes.

"Magtatagal ka pa ba dito?" Nakitingin na rin si Rita sa binabasa ko.

"Manananghalian na."

Nag-ingay ang tiyan ko kaya tinitigan ako ng masama ni Rita. She literally pulled me up and howled me outside.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon