Chapter 12

644 57 3
                                    

Sinarado ko ang librong binabasa at hinilot ang leeg ko. Apat na oras na rin akong nagbabasa at nalibang ako sa bawat segundong nakatitig ako sa mga paniha.

Gaya ng bawat pagkakataon na nandito ako sa silid-aklatan, walang tao. Ako lang mag-isa ang napapalibotan ng gabundok na mga lumang aklat. Kitang-kita kong umiikot sa hangin ang mga alikabok at nadidinig ko rin ang mahinang pagdaing ng mga pahina sa tuwing nadadaanan ito ng hangin.

Napagtanto kong hindi mahilig magbasa ang mga nilalang dito. Ako lang kasi lagi ang gumagamit sa silid. Isang bagay na mas lalong nagpamahal sa akin sa silid na ito.

Dito, nakakahinga ako. Dito, nakakalimutan kong nasa ibang mundo ako kahit sandali lang. Nakakalimutan ko ang problema ko, ang mga tanong sa isip ko, ang mga pangamba ay naglalaho pansamantala sa tuwing binubuksan ko ang mga pahina.

Kinagat ko ang mansanas na dinala ni Rita kanina. Sa tuwing seryoso akong nagbabasa, hindi ako inaabala ni Rita. Nag-iiwan lang siya ng pagkain at tubig para hindi ako magutom.

Nang lumabas ako sa silid aklatan, mataas na ang araw. Alam kong hahanapin na ako ni Rita para mananghalian kaya ako na mismo ang pumunta sa kusina para hindi na siya mag-abalang hanapin ako.

Hindi ko maiwasang mapayuko ng makasalubong ko ang apat na babaeng nakasuot ng pastel na bisteda. Alam kong uniform iyon na nagsasaad ng kanilang posisyon bilang tagapagsilbi dito sa kastilyo.

Ang isa ay matanda na, dalawa ang mukhang kaedad ko lang at ang isa ay mukhang nasa kwarenta na. Puno ng kakaibang pagkairita ang mga tingin nila. Tinaasan pa ako ng kilay na para bang kung anong kasalanan ang nagawa ko.

Sa buong buhay ko, palaban ako. I fought my way in para mataggap ako sa sindikatong pinagtrabahuan ko. I fought my way out of getting in jail. I fought to save and earn money to help my family. I never back down no matter what life throws at me pero hindi ako gaya ng iba na basta-basta na lang sumusugod. I make plans, brilliant plans at that but lately I felt like I lost my touch. Hindi na nga ako nakakapag-isip ng maayos, ang makagawa pa kaya ng plano?

They snickered when I passed at them. Hindi ko maiwasang makaramdam ng init. Para akong napaso ng madaplisan ko ang braso ng babaeng kaedad ko lang. Sa pagkakaalam ko siya si Kayla, mabait pero sa mga piling tao lang. Kagaya ni Lea, bata pa lang nagtatrabaho na siya dito sa palasyo.

Ako na mismo ang umiwas para hindi lumaki ang gulo. Nasabihan na ako ni Lea tungkol sa mga kapangyarihan nila kaya alam kong pwede nila akong gawing barbeque sa isang iglap lang. Kailangan kong mag-ingat at lunukin ang pride ko kung gusto kong mabuhay dito.

Akala ko makakahinga na ako ng maluwag ng malampasan ko sila pero biglang hinila ang buhok ko ng kasamahan ni Kayla. Napasigaw ako sa sakit pero isang kaplastikan na ngiti lang ang iginawad nila.

"Hindi porque't nilalapitan ka ni Prinsipe Daniel ay mas mataas ka na sa amin. Ipapaalala ko lang na pareha tayong mga katulong dito! She spit at my face.

Akala ko tutulongan ako ng matandang kasama niya dahil lumapit siya sa amin pero laking gulat ko ng ngisihan niya ako na para bang sayang-saya siya sa nakikita.

"It's bad enough na kailangan naming pagsilbihan ang isang mangkukulam tapos dadagdag ka pa? What are you anyway? Bakit lagi kang kasama ni Lea?"  Humakbang si Kayla at pilit akong tinayo gamit ang buhok ko. "Gusto ka ng paalisin ng mga Ministro dahil hindi ka naman namin kalahi. Pero dahil nandito ka pa, isa lang ang ibig sabihin non, malagkit ang kapit mo." Makahulogan niyang tugon sabay hila ulit sa akin.

Hinila ko pabalik ang buhok ko pero kinalmot nila ako kaya agad dumugo ang braso ko. Tinulak ko si Kayla at ang kasama niya pero bigla akong sinampal ng babaeng nasa kwarenta na.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon