Chapter 29

537 53 0
                                    

Sin

Isang malaking buhawi ang pinakawalan ni Haring Azon at tinangay nito ang karamihan sa mga tauhan ni Haring Felepe. Walang tigil ang pag-ulan ng mga umaapoy na bato at ang pagsayaw ng mga puno na hinihiwa ang katawan ng mga ghoul na nakapaligid sa amin. 

Kahit saan ako tumingin, puro natutupok na mga tindahan ang nakikita ko. Mabuti na lang at walang kahit isang tao ang naiwan bukod sa mga kawal na nakikipaglaban.

Hindi ko lubos akalaing gagana ang plano namin ni Daniel at Ministro Castro. Sa tulong nilang Haring Ra El at Haring Azon, nagawa naming paaminin si Haring Felepe sa kaniyang tunay na pakay sa pagpilit na ipakasal ako sa anak niya.

Ang mga pinagkakatiwalaang kawal namin ay hinati namin at pinatago sa loob ng gubat malapit sa boarder. Habang ang natira naming kawal ay pinadalo namin sa kasalan dahil alam naming ngayon susugod si Marina.

And now, are able to trapped her.

Napapaligiran siya ng napakaraming ghoul na agad umatake sa amin pero mabilis na kumilos ang mga kawal ni Haring Ra El para mabigyan kami ng daan.

Gamit ang kanilang kapangyarihan, gumawa sila ng alon na gawa sa lupa at nilibing ang karamihan sa mga ghoul. Nagbigay daan ito para makapasok kami ni Daniel at makalapit kay Marina.

Sa likod ni Marina, nandoon ang kawal namin na sinusunog ang mga ghoul gamit ang kanilang espada na gawa sa apoy.

Sa gilid, nandoon ang mga kawal ni Haring Azon at pinaulanan ng pana ang mga kalaban.

Marami man ang kalaban namin pero higit na may kakayanan ang mga kawal namin sa pagigipaglaban kaya agad lumiit ang bilang ng mga ghoul.

Napansin ito ni Marina at sa galit ay nagpakawala siya ng itim na apoy. Ang apoy na sumunog sa katawan ko noong unang kaming maglaban.

Lumabas ang apoy mula sa mga kamay niya at sumayaw ito na parang ahas. Kinain at ginawang abo ng apoy niya ang lahat ng malapitan kahit ang mismong kasamahan niyang mga ghoul. Walang pinili ang apoy niya. Lahat, pinapatay.

Nawala na ang maamong mukha ni Marina na bumighani sa mga Ministro. Napalitan na ito ng kasakiman. Kumunot ang gilid ng mga mata niya at biglang tumanda ang hitsura niya. Epekto ng itim na mahika. Pati ang pula niyang labi ay naging itim na rin. Ang itim na mahika ay dahan-dahang nilalason ang katawan niya kasama na ang simbull ng kaharian namin.

Umatake ang apoy niya at pinuntirya kami pero agad kaming umalis sa pwesto namin at mas lumapit pa sa kanya pero sinusunod pa rin kami ng apoy niya.

Tumakbo ang kasamahan niyang ghoul palayo sa kanya ng mapagtanto nilang hindi namimili ang apoy niya. Sinundan sila ng mga kawal namin kaya naiwan kami sa gitna ng clearing.

May sampung ghoul na umatake sa amin pero agad silang nilabanan ni Daniel hanggang sa maiwan si Marina na nag-iisa.

Sunog ang buong kagubatan pero hindi namin alintana ang init.

Nang makalapit ako, pinuntirya ko ang leeg niya gamit ang espadang pagmamay-ari ng dating Hari pero agad siyang nakaiwas at sinipa ang dibdib ko.

Napaatras ako sa lakas pero umabante ulit para isaksak sa dibdib niya ang espada. Maliksi ang galaw niya kaya nakaiwas siya pero dumaplis ang espada ko sa gilid ng tiyan niya.

Puno ng galit ang mga mata niya at nagpakawal siya ng itim na apoy sa mismong mukha ko. I ducked then kicked her leg making her stumble.

I raised my sword and aim for her heart pero nagsimula siyang magsalita sa lenggwaheng hindi ko maintindihan. I felt something pushed my chest at tumilapon ako sa kabilang parte ng gubat.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon