Chapter 19

625 57 14
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako pinayagan ni Sin pero nagpapasalamat ako at kahit na galit siya hinayaan pa rin niya akong sumama sa kanila.

Agad akong nagpalit ng makapal na damit. Kumuha rin ako ng balabal at ilang mga gamit at wala pang isang oras ay nasa tabi na ako ni Daniel at hinihintay si Sin para sa pag-alis namin.

Kanina pa ako hindi mapakali. Kung hindi lang ako masyadong kinakabahan, siguro ay kanina pa ako namangha sa kalagayan ko ngayon dahil nakasakay ako sa isang magarang karwahe.

Dati sa mundo namin, tuwing nakakakita ako ng karwaheng may iba't ibang desenyo, agad kong ikukwento ito kay Mae. Kung gaano ka ganda ang karwahe ay ganon rin kayaman ang may-ari. Naalala ko pa dati noong nakakalakad pa si Mae, lagi niyang sinasabi sa akin na gusto niyang sumakay sa karwahe. Gusto rin niyang bumili ng isa para daw hindi na mahirapan si Tito sa trabahuan.

Pinigilan ko ang maiyak. Kung nandito lang sana si Mae ngayon, titili yon dahil sa karwaheng sinasakyan ko.

Hindi man magara ang labas nito dahil puro itim ang tela, kahoy at metal na ginamit pang desenyo para daw hindi makakuha ng atensyon. Pero sobrang ganda naman ng loob ng karwahe. Pula ang upuan at malabot dahil sa kutson. Kulay ginto ang bubong pati dingding at sahig. Kakaiba ang desenyo ng hawakan sa loob at napaka eleganteng tignan. Kung sana nandito sina Mae, talagang luluwa ang mata non kapag nakita to.

Ako lang mag-isa sa loob ng karhawe habang tinatahak ang daan papuntang Robustos, ang tirahan ng mga werewolf at kung nasaan ang grupo nina Ido.

Naduwag ako ng malaman kong mga werewolf pala ang pupuntahan namin. Hindi pa ako nakakakita ng werewolf kahit kailan at mas lalo lang akong nahihibang dahil kung ano-anong eksena ang pumapasok sa isip ko.

Ano kayang hitsura nila? Mabagsik ba? Papatayin ba nila ako kapag nalaman nilang tao ako?

Kung ano-anong tanong ang pumasok sa isip ko pero kahit na natatakot ako, hindi ko hinayaan ang sarili na maduwag. Sumama pa rin ako kina Sin dahil gusto kong makipag-usap sa mga lalaking dumukot sa akin. Kailangan masagot ang mga tanong ko.

Gusto ko nang nakarating agad doon at nang magkaalaman na kung paano ba ako makauuwi sa amin. Mag-aapat na buwan na rin simula ng mapadpad ako dito at sobra ko nang namimiss sina Mae.

Habang tumatagal, I feel so restless. Gusto kong malaman kung kumusta na ba sila. Kung ayos lang ba ang lagay nila. Nag-aalala ako lalo na at bago ako mawala, duguan si Tito at mukhang nahihirapan rin huminga si Mae.

Pilit kong tinutulak paalis ang mga masasamang ideya sa isip ko. Dapat hindi ako panghinaan ng loob lalo na at malapit na akong makauwi. Kunting tiis na lang at makakalis na rin ako dito. Tatanungin ko yang Ido na sinasabi nilang nagdala sa akin dito. Gagawin ko lahat para lang masagot ang mga katanungan ko, para makauwi ako. Kahit pa mukhang impossible, lalaban ako kung kinakailangan kapag nagmamatigas sila.

Makakabalik ako sa mundo namin at makakasama ko na ulit sina Tita, Tito at Mae. Mabubuhay kaming masaya kahit na hindi kami mayaman at iisipin ko na lang na ang pangyayaring ito ay isang panaginip. Tama, panaginip lang lahat ng to.

Ano kayang mararamdaman nila Sin kung umalis na ak-

Agad kong winaksi ang isiping iyon. Kung ano-ano na ang naiisip ko simula ng umalis kami.

Ayaw kong isipin kung ano ang magiging resulta ng pag-uwi ko dahil ang mahalaga ay ang makauwi ako. Bahala na kung ano ang mangyari. Isa pa hindi naman ako tanga para hindi malaman na ang pag-uwi ko ay magiging isang magandang balita kina Sin. At least wala na silang papakainin at itatago sa mga Ministro.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon