Chapter 5

920 76 3
                                    

Nagising ako sa isang malabot na kama. The bed felt amazingly soft and everything is so peaceful. My eyes are still close as I savour the moment lalo pa at pakiramdam ko ngayon lang ulit ako nakapagpahinga ng ganito.

When I open my eyes, all I could see is darkness so I blink numerous times to adjust my vision. I stretch my arms and I heard my muscles pop in relief.

"Grabeng bangongot yon. It felt so real."  Napangiwi ako ng maalala ang naging panaginip ko.

Napunta daw ako sa kakaibang mundo. Monsters are everywhere at ang weird ng lahat ng mga nangyari. May mga super powers pa daw ang mga monsters, I even met a witch!

"Great to see you have awaken." 

I abruptly sat up. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makilala ko ang boses na iyon. It was the witch's voice!

Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita. Everything is dark.

"Up here."  Sinundan ko ang boses niya at tumingala ako. My eyes widen in shock ng makita ko siyang nakasakay sa lumulutang na broom stick.

So, it wasn't a freaking nightmare after all.

She was busy putting something on the ceiling. Parang sinasabuyan niya ng tubig ang bobong. Nang matapos na siya, bumaba siya sa mismong harapan ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin kaya tinitigan ko lang siya.

Wala na ang suot niyang cloak. She was now wearing a long flowing green dress that complimented her white flawless skin and accentuated the color of her eyes.

Bigla niyang iwinagayway ang hawak niyang tinapay sa harapan ko.

"Ayos ka lang?"  Tanong niya habang nginunguya ang pagkain.

Sinubukan kong tumayo pero bigla akong nahilo.

"Dahan-dahan lang. Your body is still recovering. Nilagyan ko na ng gamot ang sugat mo sa ulo, paa at balikat and I'm pretty sure wala na pati ang mga peklat but you still need to rest to fully recover."

"N-Nasaan a-ako?"  Masakit ang lalamunan ko. It felt dry at parang may tumutusok sa loob nito.

Gumawa ng kulay violet na bilog si Aira sa ere at nang magliwanag ang bilog, a pitcher full of water suddenly fell from the magic circle.

"Inumin mo to. I'm sure your throat felt dry."  Inabotan niya ako ng isang baso ngunit tinitigan ko lang ito. My wary eyes keep giving the poor glass a pointed look.

"Wag kang mag-alala, walang lason yan."

"Paano ako makakasiguro?"  I don't trust her kahit pa nga mukha siyang mabait. Kailangan kong makauwi. Kailangan kong balikan sina Tito, Tita at Mae kaya kailangan kong mabuhay.

"Masyadong mahal ang presyo mo. Is that a reason enough?"

As if on cue the memories I badly wanted to forget came crushing down on me. The auction, the black cloak guy, the explosion, the centipede, everything. 

Nang lumipas ang ilang segundo pero hindi ko pa rin kinukuha ang baso, nainip si Aira. She rushly took the glass of water at inisang lagok lang niya ito.

"There. Satisfied?"  Naiirita niyang tugon.

"I will be kapag nakauwi na ako."

Parang magic na nag-iba ang buong expression ng mukha ni Aira. From irritated, bigla siyang ngumiti but there's something on her smile that bothers me.

"Sorry to tell you Rose but you're staying here."  I was expecting she'll say this but it still made me feel deflated.

"Nasaan na ang bumili sakin?"

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon