Chapter 6

508 19 0
                                    

Joumelyn's POV

Linggo ngayon at syempre nasa bahay ako mag isa. Palibhasa kasi bwisit tong si kuya di ako sinama na mountain climbing sa pinakamalapit dito na bundok. Nakakabagot tuloy dito sa bahay ng mag isa. Sial dad naman may bussiness meeting kahit linggo. Nakakainis. Gusto kong mamasyal kaso bawal. Wala kasing magbabantay ng bahay tapos bukas pa yata pandadating si kuya. Maya maya pa ay may nagtext sakin na ikinalaki ng mata ko.

From Garieng bakla

Oy, birthday ko na, nakakahiya naman di mo yata naalala kaya ako na lang yung nagkusa na ipaalala sayo, yung pabirthday ko ahh wag mong kakalimutan.

May atraso ka pa nga sakin. Bahala ka!

To Garieng bakla

Happy birthday to you, you belong to the zoo, like a monkey like a donkey the gorilla is you. Happy birthday bakla wala akong regalo bawala ako lumabas ng bahay at tsaka may atraso pa kayo sakin kaya tama na sayo yung bati, anyway san tumagal ka pa ng ilang araw, labyou♡

Iyon ang laman ng message ko sabay pinindot yung send at wala pa mag dalawang minuto ay nag text na agad sakin si Garie.

From Garieng bakla

Hinayupak ka sayang yung load ko, bat kasi nag text pa ko sayo ehh, wala naman palang pa birthday kahit na discount man lang sa panlilibre sa inyo, maduga ka, mangongotong, mandurugas, buraot!!

Humagalpak na lang ako ng tawa dahil sa text nya. Wow ahh nakakahiya naman gusto ng discount porket walang pera at birthday nya, bahala sya, manigas sya. Mabilis akong nagtipa sa key board.

To Garieng bakla

Manigas ka walang discount doscount na magaganap kahit pa kapanganakan mo ngayon at kahit pa ng magulang mo hindi ka makakadiscount sakin bakla, dalhan mo na lang ako ng cake sa bahay.

From Garieng bakla

At sino namang may sabi sato na kahit weekends eh manlilibre kami,ha? Oy babae wala ito sa usapan kaya umayos ka baka putulin ko yang pagkahabahaba mong buhok.

Not my hair!!

To Garieng bakla

May sinabi ba ako na hindi kasama yung weekends nung nagdeal tayo? Wala naman diba, tuloy tuloy ang deal, kung may thirty one days per a month ganun din yung araw na ililibre nyo kami.

From Garieng bakla

Ang galing naman wala yun sa kontrata oy, bahala ka pupunta ako dyan at mangangainan, isasama ko na rin sila Laila at Mickel.

To Garieng bakla

Pasalamat ka dahil pwede kabg pumunta dito dahil bawal akong lumabas, basta magdala kayo ng makakain, walang pagkain dito.

Nagpatuloy yung usapan namin sa cellphobe at maya maya pa ay nagsidatingan na sila. Si Garie may dalang cake at si Laila may dalang pizza at ako na lang yung bahala sa inumin, mag titimpla na lang ako ng juice para samin. Si Mickel naman ay walang dala pero okay lang naman samin yun alam naman namin yung katayuan nya sa buhay.

"Ba't wala si Rachelle?"tanong ni Mickel at kami naman ay napatingin sa kanya.

"Seriously? Hinahanap mo sya? Wag mo namang masamain yung sasabihin ko ah pero hindi ko sya gusto at hindi ko alam kung bat ako ganon. Ganon na talaga ako sa kanya nung una pa naming pagkikita, sinusubukan ko lang na maging mabuti sa kanya"paliwanag ko at tumango na lang silang tatlo.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now