Chapter 24

270 14 5
                                    

Jason's POV

Umalis ako ng hindi ko tinitingnan si Jommy, umalis ako ng hindi ko sya hinahawakan. Nakakapanggigil sila, hindi ko sya tiningnan baka makapatay pa ko pag nagkataon. Makita syang luhaan ay sapat na para makapatay ako. Buti na lang talaga nakatulog agad yung mokong na mukhang pera na si Zach na yun, kung hindi baka sa morge na ang deretso na pag nagkataon. Isa pa yung buhildang higad na yun. Minsan ko na din yung nahuli sa likod ng canteen na may kahalikang iba. Tsk iba na mga naman ang panahon ngayon, plastikan na lang at gamitan ang nangyayari. Bukod sakin syempre, kahit na sinaktan din ako ni Jommy sya pa din ang mahal ko.

Tsk, ang lalim self ah.

Hala sya, nagsalita nanaman yung mokong sa utak ko.

Tsk, anong mokong ka dyan, baka ikaw.

Hala sya, nakikioagtalo pa sakin to eh kung sapukin kita.

Kaya mo?

Hindi!

Tssssss.

Mokong talaga yung boses na yun, minsan minsan ko na nga lang sya nakakausap ganon pa makipag-usap sakin, parang di kapangalan eh.

Nitong mga nakaraang bwan, wala akong ginawa kindi ang tumambay sa kwarto kapag inimbitahan nung mommy ni Jommy sila mommy, kasama ko lang si Charlie at minsan pinapasyal ko kasama si Erwin. Wala pa din naman syang pinagbago.....ay teka meron pala. Lalong naging maingay at malakas yung bunganga, parang baril ratrat ng ratrat eh. Wala namang maganda ang lumalabas sa bibig, puro chismis. Sabi pa kalat na kalat daw dun sa village nila yung kaklase nya nung elementary na buntis na ngayon. Tapos sabi pa yung tatay daw nung babae yung ama. Tsk, nonsense.

Kadadating ko lang sa bahay at agad naman akong sinalubong ni Charlie, pumunta muna ko sa sala at hinubad yung polo ko kaya naka sando na lang ako. Akma akong uupo sa sofa ng mag ring yung doorbell, napapitkit naman ako sa inis, kanina pa ko nakatayo eh, nasakit na yung paa ko. Naku pag ito si Erwin makakatikin sakin to ng sapok, pwamiss.

"HOY LALAKI, ANO NANAMAN YUNG GANAP KANINA DUN SA PARKING LOT, BALITA KO----ARAY PUTEK"daing nya. Sabi na eh si Erwin lang to, naku king pwede nga lang ihampas ko sa kanya yung pinto ginawa ko na matagal na. Pumasok na ulit ako sa loob at sawakay ay nakaupo na din ako sa malambot naming sofa.

"HOY HALA, ALAM MO LAMAN KA NA NG SCHOOL NEWS KAHIT KANINA LANG YUN NAGANAP, NAGPAIWAN NGA AKO PARA TINGNAN KUNG ANO TALAGANG NANGYARI EH, PALIBHASA KASI ANG DAMING NAKAHARANG KANINA, TAPOS ANG IINGAY PA KAYA YUNG MGA SIGAW MO LANG NA 'NAIINTINDIHAN NYO' YUNG NARINIG KO. ANO BANG NANGYARI, HANEP DAPAT AKO YUNG NAG-IISKOR KANINA SA SUNTUKAN EH, GRABE SABI NILA ROUND ONE PA LANG BAGSAK NA AGAD, HALA TOL, ANG GALING MO NAMAN IDOL NA KI---PUNYETA"sigaw nya ng biglang tumahol si Charlie na nakaupo sa tabi ko. Hindi ko naman sya pinatatahol, baka naiingayan na din kay Erwin.

"Manahimik ka na lang kasi"sabi ko habang nakasandal sa likod ng sofa at nakapikit ang mata. Nakakpagod naman.

"ALAM MO NAMAN SIGURO NA YAN YUNG KAISA ISAHANG HINDI KO KAYANG GAWIN"malakas na sabi nya.

"KINGINA BAKIT KA BA NASIGAW?"sigaw ko din sa kanya.

"ABA TOL, NORMAL TONG GANITO KONG BOSES"sabi nya.

"Normal pa na yan eh mas malakas ka pa sa megaphone"komento ko.

"ABA, SALAMAT"sigaw nya. Hanep. Kakaiba.

Tumayo na lang ako at pumunta sa kwarto ko para magbihis, nakakhiya naman dun sa mokong, nakapambahay na.

"HOY PRE, MANGALNGALKAL NA KO DITO NG MAKAKAIN AH, MAY NOTE DITO NA NAKADIKIT SA REF, NAMAMALENGKE DAW SI NANANG"kahit nasa loob na ko ng kwarto ko at nakasara yung pinto naririnig ko pa din si Erwin, nasa kusina pa yun ah. Ang layo ng agwat. Hindi na lang ako sumagot sa kanya at hinayaan na lang sya dun, tinatamad akong sumigaw. Napiyok ako.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now