Chapter 32

290 13 12
                                    

Joumelyn's POV

Mahigit isang bwan na din ang nakakalipas simula ng gabing yun. Hindi ko maintindihan, he's part of my past, yun lang ang alam ko. Kelangan ko pa yung matandaan, bakit nga ba hindi ko matandaan yung mokong na yun. Sa tuwing tatanungin ko naman sya nun nginingitian lang ako tapos iniiba yung usapan o kaya sasabihin wag na lang munang pansinin yung mga tanong sa isip ko at i-enjoy yung date namin. Kahit naman sila mommy ayaw sabihin sakin. Ako na lang daw ang gumawa ng paraan pala maalala ko yung hinayupak na yun.

Masaya ako sa feeling ni Jason nung mga nagdaang linggo, mas doble pa yung naramdaman kong saya kesa kasama si Zach. Mas naging mabait naman sakin si Jason. Minsan may galit, minsan parang takas-mental, minsan mahalay, minsan cute. Mukha syang tanga, walang pakealam sa mga nakatingin sa kanya. Isipin nila ang gusto nilang isipin basta sya nagpapakasaya lang. Ako yung nahihiya para sa kanya eh. Naku ang boyfriend ko.

Feel na feel eh no?

Boyfriend!

Well hindi ko naman alan kung kami na ba o nanliligaw pa din sya. Ewan, basta ako masaya. Lampake sa iba dyan na wala na ngang pera wala pang jowa.

"HOYYY"halos mahulog yung puso ko sa talampakan ko ng biglang may humampas sa braso ko. Tiningnan ko naman ng masama si Jason.

"Ano nanaman ba?"mataray na tanong ko.

"Una na ko sa room ah, ang init eh, dyan ka na lang muna"pagpapaalam nya.

"Edi wow"sabi ko sabah irap sa kanya. Nag flying kiss pa sya sakin at nag-irtan naman yung mga bakla an nanonood pala sa amin kanina pa.

"SHANA ALL"sabay sabay nilang sigaw maliban kay Laila syempre, bitter 'to eh, katulad nung isa dyan!

"Tsk, Laila hanap hanap din ng katulad ni Jason aba. Tatanda ka ng dalaga, o kaya naman ay katulad na lang ni Zach. Masaya ka pero niloloko ka lang pala, o kaya katulad ni Erwin, mabunganga na loko loko pa o kaya tu-"

"TUMAHIMIK KA NGANG BAKLA KA"inis na sigaw nya kay Garie. Humagalpak naman ng tawa si Mickel.

Syempre, dating gawi, nasa canteen nanaman at nakain ng pananghalian. Kasabay namin sila Jason at Erwin kaso nagpaalam na nga kanina si Jason at sumunod yung aso nya. Nag-vibrate naman yung cellphone ko kaya tiningnan ko yun at nag-text si Jason.

From: Jason bano!

Mamaya ah, yung date natin. 7 pm, mag-intay ka na lang sa park, nakalimutan kong sabihin sayo eh, LOVE YOU!

Iiling iling naman akong nag-type at pinipigilan ang kanina pa gustong kumawala na ngiti.

To: Jason bano!

Sige mamaya. Tukmol ka din.

Halos humagalpak ako ng tawa ng makita yung reply nya. 'K' lang. Mukhang nasira ko mood nya ah. Kawawang bata.

"Aruy si ateng, natawa mag-isa, naku po jusko. May nasasapian na ho dito"komento ni Garie. Inirapan ko naman sya at kinuha yung milkita na galing kay Jason kaninang umaga at kinain yun.

"Ano? Anong plano nyo mamaya?"tanong ni Mackel, tahimik lang naman si Laila na kumakain.

"Anong plano?"takang tanong ko.

"Diba may date kayo mamaya? Tapos?"sabi ni Garie.

"Yun na yun. Lagi namang ganun. Pero hindi katulad ni Zach na ako lagi ang nagbabayad. Lahat ng kainin namin at gusto kong bilhin sya ang magbabayad. Sabi nya eh"pagkekwento ko.

"Buti naman"komento nung dalawa at tinitigan ko naman si Laila na masama ang aura.

"Ano bakit ganyan mukha mo? Kanina ka pa tahimik ah"komemto ko at napangiwi naman sya at napahawak sa puson nya o sa tyan, ewan.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now