Chapter 38

389 15 5
                                    

Joumelyn's POV

"He's okay. Mabuti na lang at naagapan ng maaga. Sana nga lang ay hindi na iyon maulit pa. Intayin na lang natin na magising sya. Sa ngayon ay pagdadasal na lang muna ang magagawa natin"sabi nung doktor. Nakahinga ako ng maluwag, pero nandun pa din ang kaba.Kanina pa ako iyak ng iyak. Nandito na din sila tita. Sila mommy naman ay dadalaw na lang daw kapag natapos yung meeting nila sa opisina.

Halos mapaupo ako kanina sa sahig habang tinitingnan ang mga nurse at doktor na nagsisipasok sa kwarto ni Jason. Nangangatal ang kamay ko habang nalapit doon at tumigil lang ako sa paglapit ng nasa tapat na ako ng kwarto. Kitang kita ko naman kung paano nagkakagulo ang mga nurse mula sa bintana sa pinto. Lahat sila sinusinod ang mga iniuutos ng doktor.

The doctor used defibrillator on Jason, shocking Jason's heart for a couple of times.

Hindi naman sumuko ang doktor  at paulit-ulit iyong ginawa and when Jason's heart beat came back, parang nalagyan ako ng oxygen sa buong katawan at nakahinga sa ng maluwag.

Buti na lang talaga at hindi sumuko yung doktor kay Jason kung hindi. Magkakapatayan talaga.

"Jason, hanep ka, pinakaba mo kami. Gumising ka na kasi"ungot ko ng makaupo sa tabi ng higaan ni Jason.

Still no response.

"Wag mo na ulit kami tatakutin ng gano ha. Magagalit ako sayo"banta ko.

Still no response.

Napabuntong hininga naman ako at umalis ng kwarto para hayaan sila tita na tingnan ang anak nila. Hindi naman pwedeng laging ako na lang ang kumausap kay Jason. Alam ko namang nag aalala din sila. I mean, who wouldn't?

Naupo na lang ako sa may upuan sa labas ng kwarto ni Jason. Hindi ko na alam kung may pag-asa pa ba yalaga syang magising, pano na lang kung hindi na talaga sya magising? Edi wala na, tapos na kami!

Should I give up?

Ganon na lang yun? Mawawala sya ng hindi ako nakapagpaliwanag! Mawawala sya ng hindi nalalaman na mahal ko sya. Mawawala sya ng hindi ko nasasabing naalala ko na sya! Mamatay sya ng may pait sa puso dahil namali yung pagkakaintindi nya samin ni Zach.

Pano naman ako? Mabubuhay ako kahit wala na ang minamahal ko! Mabubuhay ako ng hindi ko man lang nasasabi sa mahal ko ang lahat lahat ng gusto kong sabihin. Mabubuhay ako at pipilitin ang sariling maniwala sa katotohanan kapag nagkataon.

Ayoko pa syang mawala. Marami pang kulang sa kwento namin, hindi pa ako handang tapusin ang kwentong sinimulan naming dalawa. Hindi pa ako handang tapusin ang pagmamahalan namin. Paatuloy at patuloy ko syang mamahalin kahit pa sa kabilang buhay. Pangako yan.

Minsan pinapakiradaman ko yung sarili ko kung napapagod na ako sa mga pinaggagagawa ko. Sa pag-iintay sa kanya. Sa pagsasayang ng laway ko sa kanya. Minsan ang sagot ng sarili ko ay pagod na, minsan hindi pa naman.

Sometimes I can't understand myself

Nanlulumo tumingin sa pinto sa harap ko at pinunasan ang luhang kanina pa natulo.

Bakit kasi sayo pa nangyari 'to eh.

Pwede namang kay Erwin na lang. Tutal sya naman 'tong madaldal at laging pahamak samin.

Tumayo ako at pumasok ulit sa kwarto ni Jason, tumingin naman sa akin ang mag-asawa.

"Uuwi muna po ako tita, tito. Magpapalit lang po ako ng damit"paalam ko dahil naka school uniform pa din ako hanggang ngayon.

"Naku hija, matulog ka na din. Gabi na, kami na muna ang bahala kay Jason."sabi ni tita at sinang-ayunan naman ng asawa.

"Sige ho tita. Pero pakitawagan po ako kapag may nangyari ah"request ko at tunango naman sila. Nahihiya naman akong halikan si Jason sa noo dahil nakatingin sa akin sila tita kaya naman tinapunan ko na lang ng tingin si Jason at lumabas na.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now