Chapter 37

364 11 4
                                    

Joumelyn's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng likod at ulo ko. Nakatulog kasi ako ng hindi komportable ang posisyon. Kakaiba ang nararamdaman ko. Parang kompleto na 'ko. Siguro dahil na din sa nakaraan na naalala ko kanina. Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto ni Jason. Madalas kami ditong maglalaro noon nila kuya. Minsan sa kwarto ko. Hindi naman ganon yung itsura ng kwarto ko noon ah. Bakit kaya nilihim nila sakin yun.

Naalala ko na din kung paano yung treatment namin sa isa't isa dati. Para kaming aso't pusa at sa murang edad namin ay alam na namin yung salitang 'bitch' at 'jerk' yon ang tawagan namin nung bata pa kami. Kaya pala yun ang unang itinawag sakin ni Jason nung first day of school. Kusa namang lumabas sa bibig ko yung 'jerk' napara bang matagal ko na yung tinatawag sa kanya. Pati yung pananapok ko sa kanya dahil sa pantitrip nya.

Naalala ko na din kung bakit ako naaksidente. Paalis na sila Jason noon at ayaw ko syang umalis. Hinabol ko yung sasakyang sinasakyan nila at hindi ko nakita yung isa pang sasakyang paparating kaya nabunggo ako at nawalan ng alaala. Gaya din nung kay Jason, ang pagkakaiba nga lang ay malala yung kanya at hindi sya nagka amnesia.

Nagpapasalamat ako dahil hindi nya ako nakalimutan at hindi sya sumuko sakin. Kahit na nagkakarelasyon ako sa iba. My fiancé is a good man after all.

Wow, fiancé!

Feel na feel!

Oy mga bata pa kayo!

Napapikit naman ako ng maramdamang kumulo ang tyan 'ko. Hindi pa pala ako nakain ng hapunan, kaya pala. Tininganan ko naman ang oras sa aking cellphone at nanlaki naman ang mga mata ko. 3:40 am! Hala ka. Ang tagal ko namang natulog. Grabe sya.

Pagewang gewang naman akong lunabas ng kwarto at bumaba hanggang sa makarating sa kusina. Walang tao duon. Hindi ko din alam kung naka-uwi na sila. Ewan ko, bahala sila sa buhay nila. Malalaki na sila, hindi na sila baby para alagaan pa. Hanep sila. Nagugutom na ako.

Binuksan ko yung ref at tiningnan kung may kung anong pwedeng kainin duon. Wala naman akong makitang pwedeng kainin kaya gumawa na lang ako ng sandwitch. Gawa ako ng gawa, kain din ng kain hanggang sa mabusog. Bahala sila mommy na walang makaing tinapay mamayang umaga. Hmmp, nagugutom ako eh.

"Hoy anong ginagawa mo dyan, ang aga aga ah"halos malaglag yung puso ko ng magsalita si kuya sa may likuran  ko.

"Tusukin kita netong kutsilyo eh"inis na sabi ko at itinaas naman nya ang dalawa nyang kamay na para bang nasuko na.

"Ano? Naalala mo na?"tanong nya na may nakakalokong ngisi sa mga labi.

"Oo, naalala ko na rin kung pano nyo ako pagtripan noon, mga gago"nakangusong sabi ko. Tumawa lang naman si kuya at kumuha ng malamig na tubig sa ref saka umupo sa may tapat ko.

"Gawa mo din ako!"utos nya at ang tinutukoy ay yung sandwitch. Napairap naman ako at sinunod sya. Tahimik lang naman kami at walang magawa kundi kumain ng kumain.

Nang mabusog ako ay iniwan ko syang mag-isa sa kusina at nagpunta sa kwarto ko. Maaga pa naman pero maliligo na ako, aagahan ko na rin lang pumunta sa school. O kaya dadaanan ko muna si Jason saka pumunta sa school. Sana naman talaga wala akong bagsak sa mga test namin kahapon. Magkakapatayan talaga.

Naligo ako at nag-toothbrush, saka nagbihis ng school uniform at tinuyo yung buhok ko na pagkahaba-haba. Char. Hanggang bewang lang naman. Sinalapid ko na rin saka inihanda yung bag ko. Tiningnan ko din yung wallet ko kung may laman, meron pa naman, balat ng kendi, jowk. Sunod kong tiningnan yung cellphone ko. 5:00 am. Wow ah, ang tagal kong maligo mare.

Hindi pa din naman gising sila mommy nung pagbaba ko kaya dere-deretso na lang akong  lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ko. Maingat naman akong nag-drive papuntang ospital. Pagkadating ko sa kwarto ni Jason ay wala akong nadatnan na kahit sino. Baka kauuwi lang din nila tita. Maingat akong umupo sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now