Chapter 11

342 13 1
                                    

Jason's POV

"Nakakademonyo alam mo ba yun, hindi ba pwedeng sundin na lang nya yung mga sinabi ng fiancé nya, madali lang naman yun diba, nakakbwisit, sinabi ng wag syang magpapaligaw sa tarantadong yun eh, ano bang hindi nya maintindihan dun, tagalog natagalog naman, ano sya intsik at hindi maintindihan yung sinabi ko"pagdadabog ko. Nakikinig lang naman sakin si Erwin at nakikipag inuman sakin. Kasalukuyan kaming nasa tree house ko at nainum dahil sa nasaksihan ko kanina.

"Pre hindi naman nya alam na fiancé ka nya diba,tsaka wala ka naman talaga pang karapatan na pagbawalan sya dahil sarili nya yung pinag uusapan, damdamin nya, hindi ikaw. Tsaka wag kang magsasabi na porket fiancée mo sya ay hindi na sya pwedeng magpaligaw sa iba, yun ngang kasal na naghihiwalay pa, kayo pa kayang engage pa lang at, take note, hindi ka naaalala ng fiancée mo"paliwanag ni Erwin.

"Kumag ka rin 'no, imbis na ako yung kampihan mo at pagaanin ang loob ko lalo mo pang pinasasama, anong klase kang kaibigan?"tanong ko sa kanya sabay deretsong uminom sa bote ng wine.

"Pumapanig ako sa alam kong tama, kahit pa kainigan kita, kung mali ka hindi kita papanigan"sabi nya.

"Bahala ka sa buhay mo"singhal ko sa kanya. Tsaka inubos yung wine. Kumuha ulit ako ng isa pa.

"Teka, tamana yan, alam kong broken ka pero di ka pa legal para mag inom, ganon din ako, seventeen pa lang tayo, kabibirthday mo lang nung nakaraang dalawang bwan"sabi nya sakin at aastang kukunin yung bote sakin pero pinigilan ko sya.

"Wala akong pake, gagawin ko kung ano ang gusto ko,total ginawa lang din naman nung mahal ko kung anong gusto nya"sabi ko saka binuksan yung wine at tinungga iyon.

"Tumigil ka na nga dyan, isusumbong kita kila tita"sabi nya pa na parang nananakot pa.

"Isumbong mo, wala namam sila nasa States may inaasikaso, kaya nga nagpapakalasing ako eh"sabi ko.

"Tigilan mo na yan, malalasing ka eh"pagsaway nya pa sakin pero hindi ako nakinig sa kanya. Sa huli ay pinabayaan nya rin ako hanggang sa maubos ko ulit yung isang bote.

"Pre, samahan mo na *hik* ko sa loob, kukuha pa ko ng *hik* maiinom natin"sabi ko sa kanya at tumayo pero agad din akong napaupo dahil imiikot na ang paligid.

May earthquake?

"Pre tara lumabas tayo may lindol *hik*"sabi ko pa kay Erwin na nakatingin lang sakin na para akong sira.

"Tara na nga pre, mukhang naramihan ka, hahatid na kita sa kwarto mo"sabi nya saka inakay ako.

"Sinong lasing *hik*? Ikaw"takang sabi ko sa kanya.

"Hahatid na lang kita sa kwarto mo tapos dito na rin ako tutulog"

"Pre hindi ako pumapatol sa lalaki, baka ikaw pa"sabi ko sa kanya at hinayaan syang hilahin ako.

"Tanga, hindi yun yung ibig kong sabihin"sabi nya.

"Pre, tulungan mo kong magplano ng kasal namin ni Jommy tapos ikaw na din yumg best man ko"sabi ko sa kanya ng tumigil kami sa harap ng pinto at binuksab yon.

"Saka na pag, naalala ka na nya, kapag mahal ka na nya, at kapag hindi ka na lasing"sabi nya pa at tinulak ako papasok.

"Pre naman, ikaw na nga yung best man eh, ikaw talaga parang hindi ka naman kaibigan eh, nakakapagtampo ka na ha, buti pa yung iba kung anong gusto nung isa susuportahan nung iba, tapos hindi ka nga nanglibre kanina eh, papalapa na talaga kita kay Charlie tapos isusunod ko yung pusa mo-"hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nasapak na nya ko at nag black out yung paningin ko.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now