Chapter 28

278 16 10
                                    

Joumelyn's POV

Simula ng araw na yun lagi na 'kong pinapansin ni Jason. Sa loob ng limang araw na pagpasok namin sa school lagi na syang nakangiti sakin kahit hindi nya ako nakakausap. Okay na sakin yun. At ito pa, ang kapal ng mukha ni Rachelle, nung lunes grabe ah. Sasabay pa sana sya sa pagkain samin sa canteen, kundi lang sya tinapunan ng tubig ni Garie naku hindi yun aalis. Minsan naaalala ko si Zach pero pag nakikita ko si Jason na nakangiti sakin, nawawala si Zach sa sistema ko at napapangiti na din ako pabalik kay Jason. Mukhang nagkakatama na ko sa isang 'to ah.

Sana nga sya na lang pung pinili ko. Dapat binigyan ko sya ng pagkakataon na manligaw sakin. Tsk, naunahan sya ni Millen, masyado kong tiningnan ang mga magagandang bagay na naiidudulot sakin ni Zach.

Past is past. Sana nga lang mawala na sya sa sistema ko soon!

"Hoy babae kanina pa nakatingin sayo si Jason, aruyyyyy kinikilig nanaman ang mama mo"sabi ni baklang Mickel.
Friday na ngayon at nasa canteen kami at nakain ng pananghalian. Napalingon naman ako sa likod ko at nakita kong nakangiti sa akin si Jason kaya nginitian ko din sya bago bumaling sa mga kaibigan ko.

"Pansin ko mas nagiging close kayo ngayong mga nagdaang araw ah"komento naman ni Laila at napaismid naman ako.

"Panong close?"tanong ko at uminom ng tubig.

"You two kissed, right?"naibuga ko naman yung tubig kong nainom, buti na lang medyo malayo sila sakin kaya safe sila.

Kingina pa'no nila nalaman yun?

Sure sinabi ko sa kanila na pumunta kami sa amusement park pero never ko minention yung kiss namin.

HALA!

"So it's true, HAHAHAHA base dyan sa mukha mo nangyari nga yun"sabi naman ni Mickel.

"San nyo napagkukukuha yang balitang yan. Fake news yan"sabi ko at pilit pinapakalma ang sarili.

"Fake news? Fake news, eh si Jason na nga mismo ang nagsabi samin nung kinorner namin sya sa library kahapon"sabi naman ni Garie at nanunudyo ang tingin.

"Bakit nyo naman kinorner yung tao. Baka natakot sa mga pagmumukha nyo kaya umamin"bulong ko, wala naman silang narinig. Yung una lang.

"Feel kasi namin na may hindi ka sinasabi samin so we asked him, sya lang naman yung kasama mo sa park diba"sabi ni Mickel at nakipag-apir pa kay Garie.

"Ano ba yan, mahirap talaga magtago ng mga pangyayari, lalo na pag hindi ka magaling magsinungaling"bulong ko.

"Hala, hoy, narinig nyo yun, HAHAHAHA, true nga."sabi ni Garie.

Totoo pala yung sinabi ni Jason na hindi ako maalam bumulong!

Punyeta!

"Oo na, suko na ko. Nagkiss nga kami"pag amin ko. Bakit ka pa magsisinungaling eh buking ka na.

"YIEEEEEE, HALA, OMOOOOOO"

"ALLLAAAAAA, ISANG MALAKING SANA ALL SA INYO"

"MASHARAP BA?"

"SS"

"Teka ano yung 'ss' screen shot?"tanong ko.

"Tanga stay strong yun"sabi naman ni Laila. Inirapan ko lang sya. Yun pala yun, kala ko kasi screen shot eh. Parehas din kasi so don't blame me.

"ANO MASHARAP BA? HA? NAPATIRIK MATA MO?"tanong pa ni Garie at nangiti naman ako ng peke.

"Oo beshie, sobrang sharap, sharap mong ipakain sa baboy, kasintaba mo na yata yung kalahi mo ah"sabi ko at nawala naman yung ngiti nya at inirapan ako. Tinawanan lang naman namin sya.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now