Chapter 18

282 12 0
                                    

Jason's POV

"Taya ka na"bulong ko pero unti unti ng nawawala ang aking ngiti nf makita ang reaksyon nya.

"Hindi ako ininform na kailangan palang halikan kapag nakita na yung nagtatago"sarkastiko nyang sabi saka mabilis na umalis, naiwan naman akong mag isa sa garden na lagibg  tinatambayan tinatambayan nung mga bata pa kami.

Napangiti naman ako ng mapait at mabagal na naglakad papunta sa loob ng bahay. Wala na sa sala si Jommy ng makapasok ako, tanging nadatnan ko na lang dun ay si kuya. Umupo ako sa pang isahang sofa.

"Kala ko pa naman mababalik na yung ala-ala nya sa isang halik mo. Kala ko sya si Snow White eh, isang halik lang gising agad, pero sa lagay ni Jommy ala-ala ang dapat mabalik sa kanya. Gising naman kasi sya eh, ang sakit nga ng balakang ko sa sipa nya kanina"sabi pa ni kuya ng mapansin ako. Bahagya naman akong natawa.

"Si Aurora kaya yun, kaya nga Sleeping Beauty eh"sabi ko.

"Pati naman si Snow White ah, nung kinagat nya yung apple, tatanga tanga kasi, yan tuloy tulog"pagkekwento nya pa.

"Alam na alam ah"komento ko.

"Syempre, alam mo naman yang si Jommy nung bata pa, halos hindi tayo makapanood ng panlalaking cartoon, puro disney"paninisi nya.

"Galit na sya sakin kuya"nakatungong sabi ko.

"Matagal na naman yung galit sayo"natatawang sabi nya.

"Nadagdagan pa at lumala"sabi ko.

"Lilipas dun yun, tsaka isa pa, nakita ko naman kung pano sya mamula nung hinalikan ka nya sa pisngi, by the way, gusto mo nung picture, pasa ko sayo, ikaw na lang mapadevelop"sabi nya pa at tumango naman ako at kinuha yung cellphone sa bulsa at ibinigay sa kanya.

"Password?"

"Birthday ng kapatid mong bruha"sabi ko. Natawa naman sya.

"So anong pakiramdam ng matikman muli ang matamis na halik ng pag-ibig?"tanong nya habang hinihintay magpasa yung picture.

"Pag-ibig ba yun, ako lang naman ang nagmamahal sa kanya"sabi ko ng may mapait na ngiti sa mga labi.

"Sagutin mo na lang, para kang sira dyan"sabi nya.

"Ma... ma ano... mapait... ay hindi pala, lasang keso. Namapak kasi sya ng cheese kanina diba, nung nag-meryenda tayo"sabi ko sabay tawa ng makita yung reaksyon nya.

"Gago ka"sabi nya ng nakabusangot ang mukha."pasalamat ka nga tinuro ko sayo kung nasan sya eh kung hindi baka hanggang ngayon naghahanap ka pa rin sa prinsesa mo"dagdag nya pa.

"Tsk, prinsesa, prinsesang walang alam kamo, tsk, bahala nga sya, mauwi na ko, pakisabi na lang kila mommy na umuwi na ko, gusto ko ng makita si Charlie, buti pa si Charlie kahit hindi ko makita ng isang linggo  naalala pa din ako"pagmamaktol ko saka kinuha yung hoody ko sa at cellphone sa kanya.

"Tsk, sabihin mo na lang kasi sa kanya lahat"suggest nya.

"Ayoko nga, gusto ko paghirapan nya, ang sakit kaya nung halos pitong taong hindi kayo nagkasama tapos hindi ka pa nya naaalala, tapos, tapos..."halos hindi ko na matapos yubg sinasabi ko kasi nanginginig na yung boses ko. Tsk.

Basta na lang akong umalis sa bahay nila at nagtaxi. Hindi na ko nagpaalam pa kay Jommy, alangan namang magpaalam pa ko dun, eh galit na nga. Baka batuhin pa ko nun ng bote ng lotion. Naalala ko dati, galit sya dahil naiwala ko yung laruan nya, nung pumunta ko sa kwarto nya para humingi ng sorry, binato nya sakin yung bote ng lotion, sapul ako nun sa ulo, nagkabukol pa nga ng maliit eh.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now