Chapter 34

290 11 5
                                    

Joumelyn's POV

8:00 pm. Wala pa din sya.

Humupa na ang luha ko, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Should I tell the truth or just pretent like nothing happened. I don't want to lie pero ayaw ko din namang malaman ni Jason ang nangyari sa amin ni Zach ngayon. Saka na, kapag matatag na yung relasyon namin at alam ko na hindi nya na 'ko kayang iwan kahit anong mangyari. Masama na kung masama, makasarili na kung makasarili pero yun talaga yung gusto kong mangyari.

Naka upo pa din ako dito sa bench panay ang punas sa mga labi at umaasang maalis ang bakas ng labi ni Erwin habangt  hinihintay sa pagdating ni Jason. Handa ako mag intay sa kanya kahit magadamag pa. Dumidilim na din kasi, sana lang talaga wag ng umulan. Tiningnan ko naman yung orasan ko.

9:00 pm. Wala pa din sya.

Panay naman ang tingin ko sa cellphone ko. Nakikipagtalo sa sarili kung tatawagan ba sya o hindi. Sa huli napagdesisyunan kong tawagan na lang sya. Wala namang nasagot, patay yung cellphone nya. Baka lowbat or pinatay nya lang talaga.

Hindi na ako nag-isip na ng negative at nag intay na lang ulit sa pagdating ni Jason. Naiinip na 'ko pero kailangan talaga akong mag-intay. Tsk. Nasan na ba kasi yung lalaking yun, kanina pa 'ko dito eh.  Nilalamok na din ako. Hanep na yan. Babatukan ko talaga yung isang yun pagdaging nya.

10:00 pm. Wala pa din sya.

Balak ko ng tawagan si Erwin eh baka kasama nya. Bakit kasi patay yung selpon ng mokong na yun. Nakakainis. Tiningnan ko naman yung contacts ko at wala naman akong nakitang number ni Erwin. Kinakabahan na din ako, baka kung ano ng nangyari kay Jason. Mahal ko naman yun kahit mokong yun minsan.

Ang malas mo self.

Papatayin ko na sana yung selpon ko ng bigla yun tumunog.

Unknown number calling.

Sino naman kaya 'to?

"Hello?"pagsagot ko.

"JAM? HOSPITAL! NOW! EMERGENCY! HURRY"sigaw nung nasa kabilang linya. Bakas ang pag-aalala at takot. At batid ko ding si Erwin yun!

Teka!

Jam?

Wow self, paikli na ng paikli yang pangalan mo ah. Baka mamaya Ja na lang o kaya J na lang yun.

Teka!

Hospital? Emergency?

Mas nadagdagan pa ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Sinong nasa hospital? Kingina pag 'to si Erwin nagloloko. Naku sasapukin ko sya ng bonggang bongga. Kingina nya.

Nagmamadali akong tumayo at pumara ng taxi at nagtext naman ukit sakin si Erwin at ibinigay sakin yung address ng hospital. Dali dali akong sumalay ng taxi ar ibinigay sa driver yung address.

Baka naman may surprise sakin yung si Jason. Pero bakit sa hospital pa? Bakit pinapunta nya pa ako sa park kung sa hospital din naman ang bagsak ko. Tsk. Kakaiba talaga ang lalaking yun.

Sumandal na lang ako sa bintana ng taxi at pilit na nag iisip ng positibo sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kabang nararamdaman ko. Bawat minuto nadadagdagan iyon. Pati kamay ko ay namamawis na din kahit na may hawak naman akong panyo na ibinigay din ni Jason.

Madali kong binayaran yung driver ng nasa tapat nakami ng ospital. Natanaw ko naman si Erwin na nakatayo at nag iintay yata. Nagmadali na din akong lumapit sa kanya at sinalubong ang malamig nyang titig.

"Sinong iniintay mo dyan?"takang tanong ko.

"Ikaw"sagot nya at saka nauna ng pumasok sa building. Nagtaka naman ako, hindi sya yung malakas na Erwin, hindi sya masayahin, hindi na sya madaldal. Parang ibang Erwin na ang nasa harapan ko ngayon. Ibang iba.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now