Chapter 20

322 14 0
                                    

Joumelyn's POV

Grabe sya, ang taray taray. Bakit kasi panay yung buntong hininga ko kanina, nairita yata kaya ginawa na yung activity ko. Hay, ano ba naman yan self. Tapos may pa don't talk to me, don't talk to me pa syang nalalaman. Hay naku self, sya ang may depernsya hindi ikaw, okay? Okay. Grabe naloloka na ko. Nakakainis, bakit kasi ganun ang epekto sakin ng lalaking yun. Yung kinakabahan ako kapag malapit sya at sa tuwing titingin sa sakin tapos....tapos...hay.. ewan wala na kong pake.

Naalala ko naman yung dahilan kung bakit ko sinagot si Zach. Inaasahan ko naman na magiging masaya ako kapag naging kami na at hindi naman ako nagkamali. Masayang kasama si Zach, minsan nga lang nahingi sya sakin ng pera pang project daw nila. Ayaw nya daw kasi humingi sa mga magulang nya ng pera, naawa na daw sya sa kanila. Nagpapakahirap para lang makapag-aral sya sa magandang paaralan. At syempre as a good girlfriend I gave him money. Yung natitira sa allowance ko.

Pati kanina ako yung gumastos sa date namin, pero okay lang sulit naman. Masaya syang kasama, at sa tingin ko nahuhulog na ang damdamin ko para sa kanya. Pero hindi pa rin mawala sakin yung paghalik ni Jason sakin. Kahit na nahalikan na rin ako ni Zach. Masarap sa pakiramdam yung kay Zach pero iba yung kay Jason eh, yung talagang manlalambot yung mga tuhod mo at parang kakaiba yung tyan mo.

Hayyy bakit ko ba sila pinagkukumpara? Ha? Yan ang hirap sayo self ang tindi mo magkumpara!

Focus na lang ako sa isa.!

Tama self focus ka sa isa, kay Zach!

Hay. Hindi na lang ako nag-isip pa at bumaba para kumain, alam naman na nila mommy at daddy na boyfriend ko na si Zach. Hindi naman sila galit, hindi din sila masaya. Parang wala lang. Bahala sila basta ako masaya.

"Oh, kala ko di ka na kakain nagdate na kayo nung jowa mo eh, ano di ka pinakain ng madami.?"bungad agad ni kuya sakin na kadadating lang daw galing sa baguio. Tsk. Wala man lang pasalubong.

Kung alam nyo lang.

Hindi ko naman sinasabi sa kanila na ako yung nagbabayad pag nagdedate kami. Minsan si Zach pero kadalasan ako talaga, pero hindi na naman nila ako tinatanong kung saan napapapunta yung pera ko. Pag nabigay na nila yung allowance ko wala na silang pakealam kung saan ko yun gagamitin, kahit pambili pa ng drugs. Char.

"Matakaw ako tol, hindi ko kayang kumain ng meryenda tapos hindi kakain ng  hapunan. Bubulabugin ako nung tyan ko"sagot ko sa kanila.

"Bakit, kuripot ba yang Millen na yan? Aba, anak sya ng mayaman tapos hindi ka nya bubusugin sa date nyo. Aba, napakakuripot naman nyang batang yan"sa dalawang linggong nakalipas ngayon lang nagbigay ng comment si mommy tungkol kay Zach.

"Hindi naman mom, bakit ba, ayaw nyo kong pakainin?"tanong ko at natigilan naman sila.

"Hindi naman sa ganon, sinisiguro lang namin kung naaalagaan ka ng maayos nyang nobyo mo.  Pag yan pinaiyak ka, hindi kita papansinin ng isang linggo"seryosong sabi ni daddy kaya ako naman ngayon ang natigilan.

"Hindi yun gagawin ni Zach, gusto nya ko. Niligawan nya ko at sinabi nyang gusto nya ko"pagtatanggol ko sa jowa ko.

"Gusto lang hindi mahal, may mga taong nasa tabi tabi na pasikreto kang minamahal"sabat ni kuya na seryosong nakatinhin sakin. Napakunot namana ng noo ko.

"Sino naman?"tanong ko.

"Malalaman mo din sa tamang panahon!"sabi nya pa.

Ano yun AlDub?

"Tsk"asik ko at sinimulan ng kumain, kelan kaya ako matututong magluto? Naisip isip ko ng malasahan ang luto ni mommy.

"Kamusta kayo ni Jason?"tanong ni mommy.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now