Chapter 12

304 11 0
                                    

Joumelyn's POV

Damn, nasapian yata yung jerk na yun!!

Nakakainis sya!!

Pampasira ng magandang araw!!

Nakuuu!! Nakuuu!!

Pakshet!! Bwisit sya!!

Hindi tuloy ako makapagfocus sa mga sinasabi ni sir. Sa totoo lang nagtaka din naman ako kanina kung bakit wala sya kaninang umaga, kaya nga nagulat ako nung makita ko sya sa canteen.

Ano kayang nangyari sa hinayupak na yun?!

"Naglasing lang naman sya kagabi kaya hindi sya nakapasok kaninang umaga, may hangover eh tsaka tanghali na nagising, sinisigawan pa nga yung advil eh"biglang nagsalita si Erwin"alam ko naman na nagtatanong ka dyan sa malawak mong utak kung bakit sya....I mean.. kami hindi pumasok kaninang umaga"dagdag nya pa.

Ang kapal ah!!

"Tinatanong ko ba?"mataray kong tanong.

"Para kang libro na napakadaling basahin, base dyan sa itsura mo, curious ka"paliwanag nya.

"Tsss"singhal ko. Nakinig na lang naman ako kay sir at hindi na pinansin si Erwin..

Bakit kasi napakabig deal sa kanya yung magpaligaw!!

Kaano ano ko ba sya!!

Bahala sya sa buhay nya!!

Nakakainis--

"Oy, tawag ka ni sir"sabi ni Erwin. Napatingin naman ako kay sir.

"Bakit sir?"tanong ko.

"Nakikinig ka ba?"tanong nya.

"Anong meron bukas?"tanong nya. Pasimple naman akong napakamot ng batok.

"Pasahan sir ng project?"sinabi ko yun ng patanong dahil hindi ako sure.

"Bukod dun?"sabi nya pa at napatungo naman ako at hindi umimik. "Yan, yan mga hindi nakikinig, naku pag kayo bukas walang naisagot miski isa sa quiz bukas, humanda talaga kayo sakin, pag may isang bumagsak dito bukas papaulit ko yung test at dadagdagan ko ng 20 items, at pag may bumagsak ulit, syempre uulit ulit kayo at dagdag ulit ng 20 items, hanggang sa makapasa lahat. Ano bang nasaisip mo Miss Valdez at hindi ka nakikinig sakin, ha, pwede mong i-share samin. Baka naman gusto mo pang pumunta sa unahan para makapagkwento?"dagdag nya pa. Magsasalita na sana 'ko kaso naunahan ako ni Erwin.

"Naku sir, nag aalala lang naman yan kay Jason, hindi daw kasi pumasok, alalang alala na nga eh, kanina pa tanong ng tanong"sabi nya. Kung nakakamatay ang tingin kanina pang nakatirik ang mata nitong si Erwin at nagbibitaw na ng huling salita.

"Miss Valdez, wala naman akong pake sa relasyon nyo ni Mister De Chavez, ang akin lang naman wag ka namang mawalan ng interes sa pakikinig sakin, pwede mo namang isipin si De Chavez mamayang gabi, pagpantasyahan mo na rin"sabi ni sir, marami namang nagkantyawan sa mga kaklase ko kasama na si Erwin. Bago pa ko makapagsalita para depensahan ang sarili ko ay nanaway na si sir at nag umpisa uling magturo, wala naman akong magawa kundi tumahimik.

Grabe sila ah!!

Binubully nila ko!!

Hindi man lang nila ko pinagsalita!!

Order in the court!!

Unfair sila!!

Huhuhu!

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now